عن أنس رضي الله عنه، قال:
قال رسول الله صلى الله عليه وسلم لأبي بكر وعمر: «هذان سَيِّدا كُهُول أهل الجنة من الأوَّلِين والآخِرين إلا النبيِّين والمرسلين».
[صحيح] - [رواه الترمذي] - [سنن الترمذي: 3664]
المزيــد ...
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kina Abū Bakr at `Umar: "Ang dalawang ito ay dalawang pinapanginoon ng mga matanda sa mga maninirahan sa Paraiso mula sa mga una at mga huli, maliban sa mga propeta at mga isinugo."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy] - [سنن الترمذي - 3664]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sina Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq at `Umar Al-Fārūq (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay pinakamainam sa sangkatauhan matapos ng mga propeta at pinakamainam sa mga papasok sa Paraiso matapos ng mga propeta at mga isinugo.