+ -

عن جابر رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«لن يدخلَ النارَ رجلٌ شَهِد بدرًا والحُدَيْبِيَة».

[صحيح] - [رواه أحمد، وأصله في صحيح مسلم] - [مسند أحمد: 15262]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi papasok sa Impiyerno ang isang lalaking nakasaksi sa labanan sa Badr at Al-Ḥudaybīyah."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad] - [مسند أحمد - 15262]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi papasok sa Impiyerno ang sinumang nakadalo sa paglusob sa Badr na naganap noong ikalawang taon ng Hijrah bilang nakikipaglaban kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni ang sinumang nakadalo sa kasunduang pangkapayapaan sa Al-Ḥudaybīyah, na naganap dito ang pangako ng katapatan ng Ar-Riḍwān noong ikaanim na taon ng Hijrah.

من فوائد الحديث

  1. Nasaad dito ang kainaman ng mga nakadalo sa Badr at Al-Ḥudaybīyah at na sila ay hindi papasok sa Impiyerno.
  2. Ang paglilinaw na si Allāh (napakataas Siya) ay naggarantiya ng pagpapalayo sa kanila ng mga kawalang-katarungan, nagtutuon sa kanila sa kamatayan sa pananampalataya, magpapasok sa kanila sa Paraiso nang walang pagkauna ng pagdurusa sa Impiyerno. Iyon ay kabutihang-loob ni Allāh, na ibinibigay Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Telugu Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan