+ -

عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الخُدْرِيِّ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لاَ تَسُبُّوا أَصْحَابِي، فَلَوْ أَنَّ أَحَدَكُمْ أَنْفَقَ مِثْلَ أُحُدٍ ذَهَبًا مَا بَلَغَ مُدَّ أَحَدِهِمْ، وَلاَ نَصِيفَهُ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3673]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag kayong mag-alipusta sa mga Kasamahan ko sapagkat kung sakali na ang isa sa inyo ay gumugol ng tulad sa [laki ng] Uḥud na ginto, hindi sana ito umabot sa mudd ng isa sa kanila ni kalahati nito."

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3673]

Ang pagpapaliwanag

Sumuway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-alipusta sa mga Kasamahan niya, lalo na sa mga nangungunang kauna-unahan kabilang sa mga tagalikas at mga tagaadya. Nagpabatid siya na kung sakaling may gumugol na isa sa mga tao ng tulad [sa laki ng] Uḥud na ginto, hindi sana umabot ang gantimpala niya kaugnay roon sa gantimpala sa paggugol ng isa sa mga Kasamahan ng isang dakot ng pagkain o kalahati nito. Ang mudd ay ang pagkapuno ng dalawang kamay ng lalaking katamtaman ang laki. Iyon ay dahil sa karagdagan ng pagpapakawagas nila, katapatan ng mga layunin nila, at pangunguna ng paggugol nila at pakikipaglaban nila bago ng pagsakop ng Makkah kung saan ang katindihan ng pangangailangan doon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Pranses Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pag-alipusta sa mga Kasamahan – malugod si Allāh sa kanila – ay bawal at kabilang sa mga pagsuway na malalaki.