+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «مَطْلُ الغني ظلم، وإذا أُتْبِعَ أحدكم على مَلِيءٍ فَلْيَتْبَعْ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allah sa kanya) Marfuw'an: ((Ang pag-antala ng may-kaya (sa kanyang utang) ay pang-aapi o kawalan ng katarungan, at kapag ipinasunod ang isa sa inyo sa taong may kaya, ay dapat siyang sumunod.)).
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Sa marangal na hadith na ito ay isang ugali mula sa mga magagandang ugali ng pakikitungo. Na Siya -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay inutusan ang may-utang na magbayad ng maganda, ganun din pinayuhan ang nautangan na maningil ng maganda. At pinaliwanag ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na ang taong nautangan kapag mainingil na kanyang karapatan, o naintindihan sa kanya ang paniningil sa pamamagitan ng sinyales o may pangingilanlan, tiyak na ang pag-antala ng kanyang karapatan sa taong may kayang magbayad maitututring na pang-aapi o kawalan ng katarungan sa kanya, sa pagkat inantala ang kanyang karapatan ng walang rason. Ang pang-aapi na ito ay mawawala kapag ipinalipat ng nakautang ang nautangan sa taong may kaya na madali sa kanya na kunin ang kanyang karapatan mula sa kanya, sa ganun dapat tanggapin ng taong nautangan ang pag-lilipat na ito. At dito ay magandang atas mula sa kanya, at madaling pagbabayad, at ganun din mawawala ang kawalan ng katarungan o pang-aapi kapag ito ay manatili sa pag-iingat ng may-utang na matagal magbayad.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Hausa
Paglalahad ng mga salin