عن عائشة رضي الله عنها : أنَّ النَّبيَّ صلى الله عليه وسلم كَانَ إِذَا اشْتَكى الإنْسَانُ الشَّيْءَ مِنْهُ، أَوْ كَانَتْ بِهِ قَرْحَةٌ أَوْ جُرْح، قالَ النبيُّ صلى الله عليه وسلم بأُصبعِهِ هكذا - ووضع سفيان بن عيينة الراوي سبابته بالأرض ثم رفعها- وقالَ: «بِسمِ اللهِ، تُرْبَةُ أرْضِنَا، بِرِيقَةِ بَعْضِنَا، يُشْفَى بِهِ سَقِيمُنَا، بإذْنِ رَبِّنَا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag dumaing noon sa kanya ang tao ng karamdaman o ito ay may ulsera o sugat, ay nagpapahiwatig ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pamamagitan ng daliri niya ng ganito: inilagay ni Sufyan bin `Uyaynah ang hintuturo niya sa lupa, at saka iniangat ito at nagsabi: "Sa ngalan ni Allah; alabok ng lupa namin kasama ng laway ng sinuman sa amin, gagaling sa pamamagitan nito ang maysakit sa amin ayon sa kapahintulutan ng Panginoon namin."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag nagkasakit ang isang tao o nagkaroon ito ng sugat o anuman, kumukuha siya mula sa laway niya at inilalagay sa daliri niyang hintuturo. Pagkatapos ay inilalagay niya ito sa alabok kaya may kumakapit dito mula roon. Ipinapahid nito ito sa kinalalagyan ng sugat o karamdaman at nagsasabi siya; "Sa ngalan ni Allah; alabok ng lupa namin kasama ng laway ng sinuman sa amin, gagaling sa pamamagitan nito ang maysakit sa amin ayon sa kapahintulutan ng Panginoon namin."