عَنْ سَعْدٍ رضي الله عنها قَالَ:
جَاءَ أَعْرَابِيٌّ إِلَى رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ: عَلِّمْنِي كَلَامًا أَقُولُهُ، قَالَ: «قُلْ: لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ وَحْدَهُ لَا شَرِيكَ لَهُ، اللهُ أَكْبَرُ كَبِيرًا، وَالْحَمْدُ لِلَّهِ كَثِيرًا، سُبْحَانَ اللهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ، لَا حَوْلَ وَلَا قُوَّةَ إِلَّا بِاللهِ الْعَزِيزِ الْحَكِيمِ» قَالَ: فَهَؤُلَاءِ لِرَبِّي، فَمَا لِي؟ قَالَ: «قُلْ: اللهُمَّ اغْفِرْ لِي وَارْحَمْنِي وَاهْدِنِي وَارْزُقْنِي».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2696]
المزيــد ...

Ayon kay Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May pumuntang isang Arabeng Disyerto sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Magturo ka sa akin ng isang pananalitang sasabihin ko." Nagsabi siya: "Sabihin mo: Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Allāhu akbar kabīrā. Alḥamdu lillāhi kathīrā. Subḥāna -­llāhi rabbi­ -l`ālamīn. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi ­l`azīzi lḥakīm. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Si Allāh ay pinakadakila sa pagkadaki-dakila. Ang papuri ay ukol kay Allāh sa pagkarami-rami. Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong). Nagsabi ito: "Ang mga ito ay para sa Panginoon ko at ano naman ang para sa akin?" Nagsabi siya: "Sabihin mo: Allāhumma -ghfir lī, wa-hdinī, wa-rḥamnī, wa-rzuqnī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin, magpatnubay Ka sa akin, maawa Ka sa akin, at magtustos Ka sa akin.)"}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [Ṣaḥīḥ Muslim - 2696]

Ang pagpapaliwanag

May humiling na isang lalaking kabilang sa mga nakatira sa ilang sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magturo siya rito ng isang pagsambit na sasabihin niya. Kaya nagsabi rito ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Sabihin mo: "Lā ilāha illa -­llāhu waḥdahu lā sharīka lah. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya." Nagsimula siya sa pagsaksi sa Tawḥīd. Ang kahulugan nito ay walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. "Allāhu akbar kabīrā. (Si Allāh ay pinakadakila sa pagkadaki-dakila." Ibig sabihin: Si Allāh ay pinakadakila kaysa sa bawat bagay at pinakasukdulan. "Alḥamdu lillāhi kathīrā. (Ang papuri ay ukol kay Allāh sa pagkarami-rami.)" Ibig sabihin: Papuri kay Allāh sa pagkarami-rami sa mga katangian Niya, mga gawain Niya, at mga biyaya Niya na hindi maiisa-isa. "Subḥāna -­llāhi rabbi­ -l`ālamīn. (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.)" Ibig sabihin: Nagpakawalang-kaugnayan Siya at nagpakabanal Siya laban sa kakulangan. "Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi -­l`azīzi -lḥakīm. (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.)" Ibig sabihin: Walang pagkapalit mula sa isang kalagayan patungo sa isang kalagayan kundi sa pamamagitan ni Allāh, ng pagtulong Niya, pagtutuon Niya. Nagsabi naman ang lalaki: "Ang mga pangungusap na ito ay para sa Panginoon ko para sa pag-alaala sa Kanya at pagdakila sa Kanya. Kaya ano naman po ang para sa akin na panalangin para sa sarili ko?" Kaya nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) rito: Sabihin mo: "Allāhumma -ghfir lī, (O Allāh, magpatawad Ka sa akin,)" Sa pamamagitan ng pagpawi sa mga masagwang gawa at pagtatakip sa mga ito. "wa-rḥamnī, (maawa Ka sa akin,)" Sa pamamagitan ng pagpapaabot ng mga kapakinabangan at mga kapakanang panrelihiyon at pangmundo sa akin. "wa-hdinī, (magpatnubay Ka sa akin,)" para sa pinakamaganda sa mga kalagayan at tungo sa landasing tuwid. "wa-rzuqnī. (at magtustos Ka sa akin.)" Ang yamang pinahihintulutan, ang kalusugan, at ang bawat kabutihan at kagalingan.

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pag-alaala kay Allāh sa pamamagitan ng tahlīl (pagsabi ng Lā ilāha illa -­llāh), takbīr (pagsabi ng Allāhu akbar), taḥmīd (pagsabi ng Alḥamdu lillāh), at tasbīḥ (pagsabi ng Subḥāna -­llāh).
  2. Ang pagsasakaibig-ibig ng pag-alaala kay Allāh at pagbubunyi sa Kanya bago ng panalangin.
  3. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagdalangin ng tao ng pinakakaaya-ayang panalangin at ng isang panalanging ipinaabot kabilang sa may mga tagatipon ng kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay. Ukol sa kanya na manalangin ng anumang niloloob niya.
  4. Nararapat sa tao ang pagsisigasig sa pagkatuto ng nagpapakinabang sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay.
  5. Ang paghimok sa paghiling ng kapatawaran, awa, at panustos sapagkat ang mga ito ay kinasalalayan ng kabutihan.
  6. Ang pagkamaalalahanin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtuturo sa Kalipunan niya ng nagpapakinabang sa kanila.
  7. Binanggit ang awa matapos ng kapatawaran upang magkabuuhan ang pagdadalisay sapagkat ang kapatawaran ay ang pagtatakip ng mga pagkakasala, ang pagpawi ng mga ito, at ang pag-aalis buhat sa Apoy samantalang ang awa ay ang pagpapaabot ng mga kabutihan at ang pagpasok sa Paraiso. Ito ay ang pagkatamong sukdulan.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية البنجابية الماراثية
Paglalahad ng mga salin