+ -

عن أسيد بن حضير وأنس بن مالك رضي الله عنهما أنَّ رجُلاً من الأنصار، قال: يا رسول الله، ألاَ تَستَعمِلُنِي كما استَعمَلت فُلانًا، فقال: «إِنَّكُم سَتَلقَون بَعدِي أَثَرَة فَاصبِرُوا حَتَّى تَلقَونِي على الحَوض».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Usayd bin Hudayr at Anas bin Mālik-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Tunay na ang isang lalaki mula sa Ansār ay nagsabi: O Sugo ni Allah,Hindi mo ba ako itatalaga bilang pinuno tulad ng pagtalaga mo bilang pinuno kay pulano? Nagsabi siya:(( Katotohanang makakatagpo ninyo sa mga susunod sa akin ang makasarili,Magtiis kayo hanggang sa makatagpo ninyo ako sa [mahiwagang] lawa))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Dumating ang isang lalaki sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at hiniling niya sa kanya na ilagay siya bilang isang manggagawa na may [mataas na] katungkulan mula sa mga katungkulan,katulad ng mga natitirang namumuno sa kanila.Ipinaalam niya-sumakanya ang pagpapala-ang isang pangyayari,Kung saan ay nararapat sa kanya at sa mga kasamahan niya na magtiis sila sa mga haharapin nila, mula sa kawalan ng katarungan at kasamaan sa hinaharap,na kagagawan ng mga pinunong naging sakim o makasarili sila sa mga yaman at biyaya,at hindi nila ito [ipinamamahagi] sa mga pimamahalaan nila, Ipinag-utos niya sa kanila na magtiis hanggang sa maibalik sila sa kanya ,sa kanyang [mahiwagang] lawa,-sumakanya ang pangangalaga.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin