عن أبي بن كعب رضي الله عنه : كان رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم إذا ذَهَبَ ثُلثُ الليلِ قامَ، فقال: "يا أيها الناسُ، اذكروا اللهَ، جاءت الرَّاجِفَةُ، تَتْبَعُها الرَّادِفَةُ، جاءَ الموتُ بما فيه، جاءَ الموتُ بما فيه"، قلتُ: يا رسول الله، إني أُكْثِرُ الصلاةَ عليكَ، فكم أجعلُ لكَ من صلاتِي؟ فقالَ: "ما شِئتَ"، قلتُ: الرُّبُعَ؟، قالَ: "ما شئتَ، فإنْ زِدتَ فهو خيرٌ لكَ"، قلتُ: فالنّصفَ؟، قالَ: "ما شئتَ، فإن زِدتَ فهو خيرٌ لكَ"، قلتُ: فالثلثين؟ قالَ: "ما شئتَ، فإن زدتَ فهو خيرٌ لكَ"، قلتُ: أجعلُ لكَ صلاتِي كُلَّها؟ قالَ: "إذاً تُكْفى هَمَّكَ، ويُغْفَرَ لكَ ذَنبُكَ".
[حسن] - [رواه الترمذي وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Ubayy bin Ka`b, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag nagdaan ang sangkatlo ng gabi, ay bumabangon at nagsasabi: "O mga tao, alalahanin ninyo si Allah. Dumating ang unang pag-ihip [sa tambuli], na susundan ng ikalawang pag-ihip. Dumating ang kamatayan dala ang nilalaman nito. Dumating ang kamatayan dala ang nilalaman nito." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allah, tunay na ako ay nagpaparami ng panalangin ng pagpapala sa iyo, kaya ilan ang itatalaga ko para sa iyo sa panalangin ko ng pagpapala?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo." Nagsabi ako: "Ang sangkapat?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo. Kung dadagdagan mo, ito ay mabuti para sa iyo." Nagsabi ako: "Kaya ang kalahati?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo. Kung dadagdagan mo, ito ay mabuti para sa iyo." Nagsabi ako: "Kaya ang dalawang sangkatlo?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo. Kung dadagdagan mo, ito ay mabuti para sa iyo." Nagsabi ako: "Itatalaga ko para sa iyo ang lahat ng panalangin ko ng pagpapala." Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasapat ito para sa alalahanin mo at patatawarin ka sa pagkakasala mo."
[Maganda] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Nabanggit sa unang bahagi ng hadith na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag bumabangon siya noon sa isang katlo ng gabi, ay nagsasabi bilang tapagpagpaalaala sa Kalipunan ninyo laban sa pagkalingat at bilang tagapag-udyok sa kanila sa magpapahantong sa kanila sa kaluguran ni Allah, napakamaluwalhati Niya, bilang bahagi ng kalubusan ng awa Niya: "O mga tao, alalahanin ninyo si Allah." Ibig sabihin: "Sa salita at sa puso upang maudyukan ng natatamong bunga ng pag-alaala kay Allah sa pagpaparami ng paggawa ng mabuti at pagtigil sa paggawa ng masama." Nasaad din sa hadith na ang humihiling ay maaaring may panalanging ipinapanalangin niya para sa sarili niya. Maaari niyang italaga ang isang katlo nito bilang panalangin para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Maaari niyang italaga para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang kalahati nito. Maaari ring ang lahat ng panalangin niya ay para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, gaya ng pagdalangin para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa halip ng pagdalangin para sa sarili. Nagpagtibay nga na: "Ang sinumang dumalangin ng pagpapala sa akin, pagpapalain siya ni Allah nang makasampu." Itinala ito ni Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya (1/306 numero 408) mula sa hadith ayon kay Abū Hurayrah. Ang kabayaran ng pagdalangin niya ng pagpapala ay sasapat sa kanya. Dahil dito ay nagsabi siya: "Samakatuwid, sasapat ito para sa alalahanin mo at patatawarin ka sa pagkakasala mo." Ibig sabihin: Tunay na ikaw ay humihiling lamang ng paglaho ng dahilan ng kapinsalaang sumusunod sa alalahanin at nagreresulta ng pagkakasala. Kapag dumalangin ka ng pagpapala sa akin sa halip ng panalangin mo para sa sarili, makakamit mo ang nilalayon mo. Posibleng ang hadith na ito ay mangahulugang makikihati siya sa Propeta kasama ng Propeta sa panalangin. Para bang siya ay nagsabi: "Tuwing dumadalangin ako para sa sarili ko, dumadalangin ako ng pagpapala sa iyo." Hindi ito nagpapahiwatid ng pagkakasya sa pagdalangin ng pagpapala sa Propeta sa halip ng pagdalangin para sa sarili, bagkus pagsasamahin ang dalawang ito bilang pagsasagawa ayon sa lahat ng teksto ng hadith.