عن جابر بن عبد الله رضي الله عنهما مرفوعاً: «لا تدعوا على أنفسكم؛ ولا تدعوا على أولادكم، ولا تدعوا على أموالكم، لا توافقوا من الله ساعة يُسأل فيها عطاءٌ فيستجيب لكم».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir bin `Abdillah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Huwag kayong dumalangin laban sa mga sarili ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga anak ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga yaman ninyo. Huwag ninyong itapat sa isang oras na kapag hiniling mula kay Allah sa sandaling ito ang isang bagay ay tutugon Siya sa inyo."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Nagbibigay-babala ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa ḥadīth na ito at nagbabawal sa pagdalangin laban sa mga anak at mga yaman dahil ang panalangin ay mabigat ang kahihinatnan nito. Maaaring ipatupad ito ni Allah sa mga tao, kung sakaling natapat ito sa oras ng pagtugon, kaya naman ang kapinsalaan nito sa nagdalangin nito at sa anumang nauugnay sa kanya gaya ng mga anak niya at yaman niya.