عن معاوية رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «إنك إن اتَّبَعْتَ عَوْرَاتِ المسلمين أفْسَدْتَهُم، أو كِدْتَ أن تُفْسِدَهُم».
[صحيح] - [رواه أبو داود]
المزيــد ...
Ayon kay Mu`āwiyah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ikaw, kung susubaybayan mo ang mga ikahihiya ng mga Muslim, sisirain mo sila o halos sisirain mo sila."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Tunay na ikaw, kung susubaybayan mo ang mga ikahihiya ng mga Muslim sa pamamagitan ng paniniktik sa mga kalagayan nila, ng paghahanap ng mga kapintasan nila, at ng paghahalukay sa mga kasiraan nilang ikinukubli nila at ibinuko mo naman sila, ipahihiya mo sila at ilalantad mo ang pinagtatakpan nila. Mawawala ang hiya nila kaya mangangahas sila sa paggawa ng mga tulad ng mga iyon na mga pagsuway nang harapan matapos na sila noon ay nagkukubli, na walang nakaalam tungkol sa kanila kundi si Allah.