عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الْخُدْرِيِّ قَالَ: خَرَجَ مُعَاوِيَةُ عَلَى حَلْقَةٍ فِي الْمَسْجِدِ، فَقَالَ: مَا أَجْلَسَكُمْ؟ قَالُوا: جَلَسْنَا نَذْكُرُ اللهَ، قَالَ آللَّهِ مَا أَجْلَسَكُمْ إِلَّا ذَاكَ؟ قَالُوا: وَاللهِ مَا أَجْلَسَنَا إِلَّا ذَاكَ، قَالَ: أَمَا إِنِّي لَمْ أَسْتَحْلِفْكُمْ تُهْمَةً لَكُمْ، وَمَا كَانَ أَحَدٌ بِمَنْزِلَتِي مِنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَقَلَّ عَنْهُ حَدِيثًا مِنِّي:
وَإِنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ خَرَجَ عَلَى حَلْقَةٍ مِنْ أَصْحَابِهِ، فَقَالَ: «مَا أَجْلَسَكُمْ؟» قَالُوا: جَلَسْنَا نَذْكُرُ اللهَ وَنَحْمَدُهُ عَلَى مَا هَدَانَا لِلْإِسْلَامِ، وَمَنَّ بِهِ عَلَيْنَا، قَالَ: «آللَّهِ مَا أَجْلَسَكُمْ إِلَّا ذَاكَ؟» قَالُوا: وَاللهِ مَا أَجْلَسَنَا إِلَّا ذَاكَ، قَالَ: «أَمَا إِنِّي لَمْ أَسْتَحْلِفْكُمْ تُهْمَةً لَكُمْ، وَلَكِنَّهُ أَتَانِي جِبْرِيلُ فَأَخْبَرَنِي أَنَّ اللهَ عَزَّ وَجَلَّ يُبَاهِي بِكُمُ الْمَلَائِكَةَ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2701]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy na nagsabi: {Pumunta si Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) sa kinaroroonan ng isang umpukan sa masjid saka nagsabi siya: "Ano ang nagpaupo sa inyo?" Nagsabi sila: "Umupo kami na nag-aalaala kay Allāh." Nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa inyo kundi iyan?" Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa amin kundi iyan." Nagsabi siya: "Pansinin, tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo. Hindi nagkaroon ng isang nasa katayuan ko sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na higit na kaunti sa pagsasalaysay ng ḥadīth tungkol sa kanya kaysa sa akin.
Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumunta sa kinaroroonan ng isang umpukan ng mga Kasamahan saka nagsabi: 'Ano ang nagpaupo sa inyo?'" Nagsabi sila: "Umupo kami na nag-aalaala kay Allāh at nagpupuri sa Kanya dahil sa pagkapatnubay Niya sa amin sa Islām at pagmamagandang-loob Niya nito sa amin." Nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa inyo kundi iyan?" Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa amin kundi iyan." Nagsabi siya: "Pansinin, tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo. Subalit pumunta sa akin si Anghel Gabriel saka nagpabatid sa akin na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagmamapuri sa inyo sa mga anghel."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2701]
Pumunta si Mu`āwiyah bin Abī Sufyān (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa kinaroroonan ng isang umpukan sa masjid saka nagtanong siya hinggil sa aling bagay nagtipon sila. Kaya nagsabi sila: "Nag-aalaala kami kay Allāh." Kaya nagpasumpa siya sa kanila (malugod si Allāh sa kanila) na sila ay hindi nagnais sa pag-upo nila at pagtitipon nila kundi ang pag-aalaala. Kaya sumumpa naman sila sa kanya. Pagkatapos nagsabi siya sa kanila: "Tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo at dala ng pagdududa." Pagkatapos nagpabatid siya ng katayuan niya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na hindi nagkaroon ng isang nasa katayuan ng kalapitan niya rito dahil sa pagiging si Ummu Ḥabibah na kapatid niya ay maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at dahil sa pagiging siya ay kabilang sa mga tagasulat ng kasi. Gayon pa man, siya ay kaunti ang pagsasalaysay ng mga ḥadīth. Nagsanaysay ito sa kanila na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas ng bahay niya isang araw saka nakatagpo siya sa kanila na mga nakaupo sa masjid na nag-aalaala kay Allāh at nagpupuri sa Kanya dahil sa pagkapatnubay Niya sa kanila sa Islām at pagmamagandang-loob Niya nito sa kanila. Nagtanong siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kanila at nagpasumpa siya sa kanila ng tulad sa ginawa ni Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) sa mga Kasamahan niya. Pagkatapos nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kadahilanan ng pagtatanong niya sa kanila at pagpapasumpa sa kanila: na pumunta sa kanya si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) saka nagpabatid ito si kanya na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nakikipagmapuri at nakikipagmalaki sa inyo sa mga anghel, naghahayag ng kainaman ninyo sa kanila, nagpapakita sa kanila ng kagandahan ng gawain ninyo, at nagbubunyi sa inyo sa piling nila.