Talaan ng mga ḥadīth

Naawa si Allāh sa isang lalaking mapagparaya kapag nagtinda, kapag bumili, at kapag naningil."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May isang lalaki noon na nagpapautang sa mga tao saka siya noon ay nagsasabi sa utusan niya: 'Kapag pumunta ka sa isang nagigipit, magpaumanhin ka sa kanya nang harinawa si Allāh ay magpaumanhin sa atin.'
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na may mga lalaking gumugugol sa yaman ni Allāh nang walang katarungan kaya ukol sa kanila ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Tunay na sa Paraiso ay may pintuan na tinatawag na Ar-Rayyān. Papasok mula roon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, kaya nakakain o nakainom, maglubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān] ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naghihigpit ng tapis.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh, magpapalayo si Allāh sa mukha niya sa Impiyerno ng pitumpung taglagas."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko (s) ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng [salah na] ḍuḥā, at na magsagawa ako ng [salah na] witr bago ako matulog.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nakasaki ako sa `īd kasama ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) saka nagsabi siya: "Ang dalawang ito ay dalawang araw na sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aayuno sa dalawang ito: ang araw ng pagtigil-ayuno ninyo mula sa pag-aayuno ninyo at ang isa pang araw na doon ay kakain kayo mula sa alay ninyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatulqadr) dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna sa pagkakasala niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magpasunuran kayo ng ḥajj at `umrah sapagkat ang dalawang ito ay nag-aalis ng karalitaan at mga pagkakasala kung paanong nag-aalis ang bubulusan ng latak ng bakal, ginto, at pilak. Ang ḥajj na tinanggap ay walang gantimpala kundi ang Paraiso."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano
{Ang talbiyah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: "Labbayka -llāhumma labbayka; labbayka lā sharīka laka labbayk. Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulka, lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang anumang mga araw na ang maayos na gawain sa mga iyon ay higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mga araw na ito." Tumutukoy siya sa unang sampung araw [ng Dhulḥijjah]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Makibaka kayo sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng mga yaman ninyo, mga sarili ninyo, at mga dila ninyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo sapagkat tunay na ang katapatan ay kapanatagan at tunay na ang kasinungalingan ay pag-aalinlangan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay nagpalampas sa Kalipunan ko ng anumang isinaysay nito sa sarili nito hanggat hindi nito ginawa o sinalita."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay hindi tumitingin sa mga anyo ninyo ni sa mga ari-arian ninyo subalit tumitingin Siya sa mga puso ninyo at mga gawa ninyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay naninibugho. Tunay na ang mananampalataya ay naninibugho. Ang paninibugho ni Allāh ay na gumawa ang mananampalataya ng ipinagbawal Niya rito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Umiwas kayo sa pitong tagapagpasawi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng pinakamalaki sa malalaking kasalanan?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang malalaking kasalanan ay ang pagtatambal kay Allāh, ang kasutilan sa mga magulang, ang pagpatay ng buhay, at ang panunumpang mapagpalublob."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang una sa huhusgahan sa mga tao sa Araw ng Pagbangon ay kaugnay sa [pagpapadanak ng] mga dugo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang pumatay ng isang kinasunduan, hindi siya makaaamoy ng amoy ng Paraiso. Tunay na ang amoy nito ay natatagpuan sa [layo ng] paglalakbay na apatnapung taon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng ugnayan sa kaanak."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang umibig na paluwagan para sa kanya sa panustos sa kanya at antalaan para sa kanya sa taning niya ay magpanatili siya ng ugnayan sa kaanak niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang nakikitumbas, bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kanino po ako magsasamabuting-loob?" Nagsabi siya: "Sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ama mo, pagkatapos sa pinakamalapit, saka sa pinakamalapit."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakaaalam ba kayo kung ano ang panlilibak?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "[Ito] ang pagbanggit mo ng kapatid mo hinggil sa anumang kasusuklaman niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang bawat tagapagpalasing ay alak. Ang bawat tagapagpalasing ay bawal. Ang sinumang uminom ng alak sa Mundo saka namatay habang siya ay nasusugapa rito nang hindi nagbalik-loob, hindi siya makaiinom nito sa Kabilang-buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang nanunuhol at ang nagpapasuhol sa paghahatol.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong mag-inggitan. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag kayong magmuhian. Huwag kayong magtalikuran. Huwag magtinda ang ilan sa inyo bilang panunulot sa pagtitinda ng iba pa. Maging mga lingkod kayo ni Allāh bilang magkakapatid
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaingat kayo sa pagpapalagay sapagkat tunay na ang pagpapalagay ay pinakasinungaling na pag-uusap
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang papasok sa Paraiso na isang palasabi-sabi."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O mga tao, tunay na si Allāh ay nag-alis nga sa inyo ng kapalaluan ng Kamangmangan at pagsasadakila nito sa mga ninuno nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pinakakasuklam-suklam sa mga lalaki para kay Allāh ay ang pinakapalaban sa mga kaalitan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagtagpo ang dalawang Muslim kalakip ng dalawang tabak nilang dalawa, ang pumatay at ang pinatay ay sa Impiyerno
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagdala laban sa atin ng sandata ay hindi kabilang sa atin."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong mang-alipusta sa mga patay sapagkat tunay na sila ay humantong sa [mga gawang] ipinauna nila."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ipinahihintulot sa isang tao na umiwas sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong gabi. Nagsasalubong silang dalawa saka tatalikod ito at tatalikod iyan. Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay ang nagpapasimula ng pagbati."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang maggagarantiya sa akin [na mag-ingat] ng nasa pagitan ng bigote at balbas niya at ng nasa pagitan ng mga hita niya, maggagarantiya ako sa kanya ng Paraiso."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi maglalakbay ang babae ng distansiyang dalawang araw [na paglalakbay] malibang habang kasama sa kanya ang asawa niya o ang isang maḥram
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ako mag-iiwan matapos ko ng isang tukso na higit na mapinsala sa mga lalaki kaysa sa mga babae."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang makakakaya sa pagpapamilya ay mag-asawa siya sapagkat tunay na ito ay higit na pumipigil sa [bawal na] tingin at higit na nangangalaga sa ari. Ang sinumang hindi makakakaya, kailangan sa kanya ang pag-aayuno sapagkat tunay na ito para sa kanya ay pampigil."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang karapatan ng maybahay ng isa sa amin sa kanya?" Nagsabi siya: "Na pakainin mo siya kapag kumain ka at padamitan mo siya kapag nagdamit ka o kumita ka. Huwag kang mamalo sa mukha, huwag kang magparatang ng kapangitan, at huwag kang mag-iwan maliban sa bahay."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O katipunan ng mga babae, magkawanggawa kayo sapagkat tunay na ako ay pinakitaang kayo ay higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno." Kaya nagsabi sila: "At dahil sa ano po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Nagpaparami kayo ng pagsumpa at nagkakaila kayo sa utang na loob sa mga asawa. Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapag-alis ng isip ng lalaking naghuhunos-dili kaysa sa isa sa inyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaingat kayo sa pagpasok sa kinaroroonan ng mga babae." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa Anṣār: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka po ba sa lalaking kapatid ng asawa?" Nagsabi siya: "Ang lalaking kapatid ng asawa ay ang kamatayan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang kasal malibang may isang walīy."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang alinmang babae na nagpakasal nang walang pahintulot ng mga walīy niya, ang kasal niya ay walang-saysay – nang tatlong ulit – saka kung nakipagtalik ito sa kanya, ang bigay-kaya ay ukol sa kanya dahil sa ginawa nito sa kanya. Kapag nagtalu-talo sila, ang tagapamahala ay walīy ng sinumang walang walīy para sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isinumpa ang sinumang nakipagtalik sa maybahay niya sa tumbong nito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakakarapat-dapat sa mga kundisyon na tuparin ninyo ay ang isinapahintulot ninyo dahil dito ang pakikipagtalik."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Mundo ay natatamasa at ang pinakamabuti sa natatamasa sa Mundo ay ang babaing maayos."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tingin ng pagkabigla kaya nag-utos siya sa akin na magbaling ako ng paningin ko.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nag-alay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dalawang tupa na kulay puting nahaluan ng itim na may sungay. Kumatay siya ng dalawang ito sa pamamagitan ng kamay niya. Bumanggit siya [kay Allāh] at nagdakila. Naglagay siya ng paa niya sa mga gilid ng dalawang ito.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pang-ibabang kasuutan ng Muslim ay hanggang sa kalahati ng binti. Walang pagkaasiwa" – o "Walang maisisisi" – "sa pagitan nito at ng mga bukungbukong. Ang anumang higit na mababa kaysa sa mga bukungbukong, ito ay sa Impiyerno. Ang sinumang kumaladkad ng tapis niya dala ng kapalaluan, hindi titingin si Allāh sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong magsuot ng manipis na sutla ni makapal na sutla. Huwag kayong uminom sa lalagyang yari sa ginto at pilak at huwag kayong kumain sa mga platong yari sa mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay para sa kanila sa Mundo at para sa atin sa Kabilang-buhay."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa paslit hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagbawal sa qaza`."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang panunumpa ay isang pinaggugulan ng paninda at isang pinagpupuksaan ng tubo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Gupitin ninyo ang mga bigote at hayaan ninyo ang mga balbas."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na kabilang sa mga pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mananampalataya ay talagang makaaabot sa pamamagitan ng kagandahan ng kaasalan niya sa antas ng nag-aayuno na nagdarasal [pa sa gabi]."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan. ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa mga kababaihan nila."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh (basbasan Niya ito at pangalagaan) ay ang pinakamaganda sa mga tao sa kaasalan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang kaasalan ng Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang Qur'ān."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng pagpapaganda sa bawat bagay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga nagpapakamakatarungan ay sa piling ni Allāh sa mga pulpito ng liwanag sa dakong kanan ng Pinakamaawain (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – at ang kapwa mga kamay niya ay kanan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang pamiminsala at walang pakikipagpinsalaan. Ang sinumang nakipagpinsalaan, mamiminsala sa kanya si Allāh; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang paghahalintulad sa kapisang maayos at kapisan sa kasagwaan ay gaya ng tagalako ng pabangong musk at tagaihip ng bubulusan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kang magalit
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang matipuno ay hindi sa pagbuno; tanging ang matipuno ay ang nagpipigil ng sarili niya sa sandali ng pagkagalit."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging isang mapagpaimbabaw na lantay; at ang sinumang may naging nasa kanya na isang katangian mula sa mga ito, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa isang pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraydor siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagsasamasamang-loob siya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bawat nakabubuti ay kawanggawa."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang bawat kasukasuan mula sa mga tao ay may kailangan dito na isang kawanggawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagpawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagbangon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi matitinag ang dalawang paa ng isang tao sa Araw ng Pagbangon hanggang sa matanong siya tungkol sa edad niya kung sa ano niya inubos ito, tungkol sa kaalaman niya kung sa ano niya ginawa ito, tungkol sa yaman niya kung mula saan niya kinita ito at kung sa ano niya ginugol ito, at tungkol sa katawan niya kung sa ano niya nilaspag ito?"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang tagapagpunyagi para sa balo at maralita ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o nagdarasal sa gabi na nag-aayuno sa maghapon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ka ngang magmamaliit mula sa nakabubuti ng anuman, kahit man lamang na sumalubong ka sa kapatid mo nang may maaliwalas na mukha."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob at tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga naaawa ay kaaawaan sila ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo Niyang nasa langit."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Muslim ay ang sinumang nakaligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang tagalikas ay ang sinumang umiwan ng sinaway ni Allāh."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagdalo sa libing, ang pagtugon sa paanyaya, at ang pagsambit ng tashmīt sa bumahin."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi kayo papasok sa Paraiso hanggang sa sumampalataya kayo at hindi kayo sumampalataya hanggang sa mag-ibigan kayo. Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng isang bagay na kapag ginawa ninyo ito ay mag-iibigan kayo? Ipalaganap ninyo ang [pagbati ng] salām sa pagitan ninyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{May isang lalaki na nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling gawain sa Islām ang pinakamabuti. Nagsabi siya: "Magbigay ka ng pagkain at bumigkas ng pagbati sa sinumang nakilala mo at sa sinumang hindi mo nakilala."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ba ako gagabay sa inyo sa anumang pumapawi si Allāh sa pamamagitan nito sa mga kamalian at nagtataas Siya sa pamamagitan nito ng mga antas?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mananampalatayang malakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mananampalatayang mahina. Sa bawat kabutihan,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Makipaglapitan kayo [sa mabuti], magtama kayo, at umalam kayo na walang maliligtas na isa man mula sa inyo dahil sa gawa niya." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ni ikaw?" Nagsabi siya: "Ni ako, maliban na lumipos sa akin si Allāh ng isang awa mula sa Kanya at isang kabutihang-loob."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi tumigil na nagtatagubilin sa akin si Gabriel hinggil sa kapitbahay hanggang sa nagpalagay ako na siya ay magpapamana rito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsanggalang sa dangal ng kapatid niya, magsasanggalang si Allāh sa mukha niya sa Apoy sa Araw ng Pagbangon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang kabanayaran ay hindi nagiging nasa isang bagay malibang gumagayak ito roon at hindi naaalis ito mula sa isang bagay malibang nagpapapangit ito roon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Relihiyong Islām ay magaan. Hindi makikipagmatigasan sa Relihiyong Islām ang isa malibang mananaig ito sa kanya. Kaya magtama kayo, makipaglapit kayo,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magpadali kayo at huwag kayong magpahirap, at magpagalak kayo at huwag kayong magpalayo ng loob."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Kami minsan ay nasa piling ni `Umar saka nagsabi siya: "Sinaway kami laban sa pagpapakahirap-hirap."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag kumain ang isa sa inyo, kumain siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; at kapag uminom siya, uminom siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; sapagkat tunay na ang demonyo ay kumakain sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya at umiinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O bata, sumambit ka ng ngalan ni Allāh, kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo, at kumain ka mula sa nalalapit sa iyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay talagang nalulugod sa tao na kumain ito ng pagkain para magpuri sa Kanya dahil doon o uminom ito ng inumin para magpuri sa Kanya dahil doon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{May isang lalaking kumain sa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng kaliwang kamay nito kaya nagsabi siya: "Kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo." Nagsabi ito: "Hindi ko po nakakaya." Nagsabi siya: "Hindi ka nawa makakaya!
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang kumain ng bawang o sibuyas ay magpakalayu-layo siya sa amin." – o nagsabi: "ay magpakalayu-layo siya" – "sa masjid namin at manatili siya sa bahay niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang kumain ng pagkain saka nagsabi: Alḥamdu lillāhi –­lladhī aṭ`amanī hādhā, wa-razaqanīhi min ghayri ḥawlim minnī wa-lā qūwah (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa akin nito at nagtustos sa akin nito nang walang kapangyarihan mula sa akin ni lakas), magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay naglalagay ng kamay niya o ng isang tela sa bibig niya at nagpapahina, o nagbababa, sa pamamagitan nito ng tunog niyon.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay umiibig na isagawa ang mga pagluluwag Niya gaya ng pagkaibig Niya na isagawa ang mga paghihigpit Niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagnanais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, magpapatama Siya [rito ng pagsubok] mula sa Kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang dumadapo sa Muslim na pagkapata ni pagkakasakit ni alalahanin ni lungkot ni perhuwisyo ni hapis − kahit ang tinik na tumuturok sa kanya − malibang magtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga kamalian niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi natitigil ang pagsubok sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya sa sarili niya, anak niya, at yaman niya, hanggang sa makitagpo siya kay Allāh habang sa kanya ay walang kasalanan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man maliban sa mananampalataya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagkasakit ang tao o naglakbay siya, magtatala para sa kanya ng tulad ng dating ginagawa niya habang nananatili at malusog."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magdali-dali kayo sa mga [maayos na] gawain [bago kayo dapuan ng mga ligalig] gaya ng mga piraso ng gabing madilim,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagnais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, magpapaunawa Siya sa kanya sa Relihiyon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magpaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa amin ng isang bagay saka nagpaabot nito kung paanong narinig niya sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong magpakatuto ng kaalaman upang makipagmayabang kayo nito sa mga maalam at hindi upang makipagtaltalan kayo nito sa mga hunghang
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang nagpakatuto ng Qur'ān at nagturo nito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ay bumibigkas mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung talata saka hindi sila kumukuha sa sampung [talatang] iba pa hanggang sa makaalam sila ng nasa mga ito na kaalaman at gawain
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya dahil dito ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Sasabihin sa tagatangkilik ng Qur'ān: "Bumasa ka, umakyat ka, at bumigkas ka kung paanong ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sapagkat tunay na ang antas mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakaiibig ba ang isa sa inyo, kapag bumalik sa mag-anak niya, na makatagpo siya roon ng tatlong kamelyong buntis na damulag na matataba?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magpanatili kayo ng pagbabasa ng Qur'ān na ito sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ito ay higit na matindi sa pagkawala kaysa sa mga kamelyo mula sa mga gapos ng mga ito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan; tunay na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Ama ni Al-Mundhir, nakaaalam ka ba kung aling talata mula sa Aklat ni Allāh na nasa iyo ang higit na dakila?" Nagsabi ito: "Nagsabi ako: {Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili...} (Qur'ān 2:255) Kaya tumapik siya sa dibdib ko at nagsabi: "Sumpa man kay Allāh, talagang magpapaigaya sa iyo ang kaalaman, O Ama ni Al-Mundhir."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsaulo ng sampung talata mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya laban sa Bulaang Kristo."} Sa isang salaysay: "mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagdalangin ay ang pagsamba
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay umaalaala kay Allāh sa lahat ng mga sandali niya.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang anumang higit na marangal kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang anumang Muslim na dumadalangin ng isang panalanging wala ritong kasalanan at wala ritong pagputol ng ugnayang pangkaanak malibang magbibigay sa kanya si Allāh dahil dito ng isa sa tatlo: Maaari na madaliin para sa kanya ang panalangin niya, maaari na mag-imbak nito para sa kanya sa Kabilang-buhay, at maaari na magbaling palayo sa kanya ng kasagwaan tulad nito." Nagsabi sila: "Samakatuwid, magpaparami tayo [ng panalangin]." Nagsabi siya: "Si Allāh ay higit na marami [sa pagtugon]."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaya kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsasabi ng: "Ya muqalliba –lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma aṣliḥ lī dīni -llādhī huwa `iṣmatu amrī,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma innī as'aluka -l`āfiyata fi -ddunyā wa-l'ākhirah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma innī as'aluka mina -lkhayri kullih, `ājilihi wa-ājilihi, mā `alimtu minhu wa-mā lam a`lam, wa-a`ūdhu bika mina -shsharri kullihi, `ājilihi wa-ājilihi, mā `alimtu minhu wa-mā lam a`lam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pananampalataya ay talagang naluluma sa kaloob-looban ng [bawat] isa sa inyo kung paanong naluluma ang lumang kasuutan. Kaya naman humiling kayo kay Allāh na magpanibago Siya ng pananampalataya sa mga puso ninyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakatikim ng lasa ng pananampalataya ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kang makaliligta sa bawat wakas ng salah na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakamalapit na lagay na ang tao ay magiging mula sa Panginoon niya ay habang siya ay nakapatirapa, kaya damihan ninyo ang pagdalangin."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang pinakamadalas na panalangin noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: "Allāhumma rabbanā ātinā fi –ddunyā ḥasanatan wa-fi –l’ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba –nnār. (O Allāh, Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda; at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, pinakabusilak sa mga ito sa ganang May-ari ninyo, pinakaangat sa mga ito sa mga antas ninyo,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talaga ngang humiling ka sa akin tungkol sa isang dakilang gawain. Tunay na ito ay talagang madali sa sinumang nagpadali nito si Allāh doon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumunta siya sa higaan niya bawat gabi, ay nagbubuklod ng mga kamay niya. Pagkatapos bumubuga siya sa mga ito saka bumibigkas sa mga ito ng ika-112 kabanata, ika-113 kabanata, at ika-114 kabanata [ng Qur'ān]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pangunahin sa paghingi ng tawad
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma bika aṣbaḥnā, wa-bika amsaynā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt, wa-ilayka -nnushūr
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang magsabi ng: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un fi -l'arḍi wa-lā fi -ssamā'i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allah na walang nakapipinsala sa pangalan Niya na bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam)" nang tatlong ulit, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa mag-umaga;
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Qul huwa –llāhu aḥad... (Qur'ān112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Qur'ān 113 at Qur'ān 114) kapag gumagabi at kapag nag-uumaga nang tatlong ulit. Sasapat ang mga ito sa iyo laban sa bawat bagay."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma, innī a`ūdhu bi-riḍāka min sakhaṭika, wa-bimu`āfātika min `uqūbatika, wa-a`ūdhu bika minka; lā uhṣī thanā’an `alayka, anta kamā athnayta `alā nafsika. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa pagkalugod Mo laban sa pagkayamot Mo at sa pagpapaumanhin Mo laban sa pagpaparusa Mo at nagpapakupkop sa Iyo laban sa Iyo. Hindi ako nakabibilang ng pagbubunyi sa Iyo. Ikaw ay kung paanong nagbunyi Ka sa sarili Mo.)"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh ay apat: Subḥāna -­llāh (Kaluwalhatian kay Allāh), Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), Lā ilāha illa ­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Hindi makapipinsala sa iyo kung sa alin man sa mga ito nagsimula ka."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsabi ng Lā ilāha illa ­–llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu ­–lmulku wa-lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan) nang sampung ulit
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May dalawang pangungusap na magaan sa dila, na mabigat sa timbangan [ang gantimpala], na kaibig-ibig sa Napakamaawain
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna llāhi wa-biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya) nang isandaang ulit sa isang araw, aalisin sa kanya ang mga kamalian niya kahit pa ang mga ito ay tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang magsabi ako ng subḥāna –­llāh (kaluwalhatian kay Allāh), alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), lā ilāha illa –­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa anumang sinikatan ng araw."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakamainam na pag-alaala [kay Allāh] ay Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) at ang pinakamainam na panalangin ay Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan pagkatapos nagsabi ng: A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya), hindi siya pipinsalain ng anuman hanggang sa lumisan siya sa tuluyan niyang iyon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, magsabi siya ng: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo)."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag pumasok ang lalaki sa bahay nito saka bumanggit siya kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya at sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Walang pagmamagdamagan para sa inyo at walang hapunan para sa inyo.'
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumasok sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa oras nang pagpanaw ng anak niya[babae],Nagsabi siya:Hugasan niyo siya ng tatlong beses o limang beses,o higit pa rito-kung sa tingin ninyong ito [ay kinakailangan]-gamit ng tubig at Sidr [puno ng Nabaq,at gawin ninyo sa pinakahuli nito ay ang pabango,o kaunting pabango-at kapag natapos kayo-ibigay paalam ninyo ito sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsagawa ng ḥajj para sa akin kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa Ḥajj ng Pamamaalam samantalang ako ay pitong taong gulang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsagawa ng ḥajj sakay ng sasakyang kamelyo at ito ay tagapasan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagbabantay sa araw at gabi ay higit na mabuti kaysa sa pag-aayuno ng isang buwan at pagdarasal sa bawat gabi nito. Kung namatay siya, magpapatuloy sa kanya ang gawa niyang ginagawa niya dati, ipagpapatuloy para sa kanya ang panustos sa kanya, at maliligtas siya sa manunubok.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nanatili noon [sa masjid] sa bawat Ramaḍān nang sampung araw. Noong taon na kinuha siya, nanatili siya [sa masjid] nang dalawampung araw.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang `Ukāđ, ang Mijannah, at ang Dhulmajāz ay mga palengke noong Panahon ng Kamangmangan. Nangamba silang magkasala sa pangangalakal sa mga panahon [ng ḥajj] kaya bumaba [ang talata]: Hindi kasalanan para sa inyo na maghanap kayo ng kagandahang-loob mula sa Panginoon ninyo. (Qur'an 2:198)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang lahat ng patay ay seselyuhan siya sa kanyang gawain, maliban sa isang makikidigma sa landas ng Allah, dahil lalago o aagos sa kanya ang kanyang gawain hanggang sa Araw ng Pagkabuhay, at maliligtas siya sa tukso o pagsubok sa loob ng puntod.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag kumain ang isa sa inyo ng pagkain;huwag niyang punasan ang kamay niya hanggat hindi niya ito dinilaan o ipadila [sa iba]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya-ay komunsulta sa mga Tao [tungkol] sa nakunan na babae
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Humingi ng kasagutan si Sa`ad bin `Ubbadah sa Sugo ni Allah,tungkol sa Panata na [nagawa] ng Ina niya,na pumanaw bago niya ito ipatupad?Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tuparin mo ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang mata [tagapagmasid] mula sa mga Mushrikin [ Sumasamba sa mga Diyus-diyosan],habang siya ay nasa paglalakbay niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nag-away ang dalawang kababaihan mula sa Hudhayl.Nagbatuhan ang bawat isa sa kanila ng bato,Napatay niya ito at ang nasa sinapupunan nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kinakagat ng isa sa inyo ang kapatid niya tulad ng pagkagat ng lalaking [kamelyo o kabayo],Walang kabayaran para sa iyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos na gumawa para sa kanya ng singsing na yari sa ginto
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Lahat ng inumin na nakakahilo ay ipinagbabawal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pagkatapos nito;o sangkatauhan! Tunay na ipinahayag [sa Qur-an] ang pagbabawal ng alak,At ito ay may limang pinagmumulan: sa ubas,dateles,pulot-pukyutan,trigo at lentil
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang mga Quraysh ay nagdalamhati sila sa kapakanan ng Makhzumiyyah na nagnakaw
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pinapanagutan ni Allah sa Nakikibaka sa landas Niya na kapag binawian Niya ito ng buhay: Papapasukin Niya ito sa Paraiso,o pababalikin Niya siya na ligtas,na may gantimpala o nadambong
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nasindak namin ang isang kuneho sa lugar na " Mar Dhahran" hinabol ito ng mga tao ngunit napagod sila,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakarinig ng iba`t-ibang boses na nagtatalo sa pintuan ng kuwarto niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpadala ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng ilang sundalo sa Najd,lumabas si Ibn `Umar kasama rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pinalaya ng isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar [kapag siya ay namatay] ang kanyang alipin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tinanong ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa [kaparusahan ng] babaing alipin,kapag siya ay nangalunya at walang asawa?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na si 'Abdurrahmān bin 'Awf at Zubayr bin Al-'Awwām-malugod si Allah sa kanila-ay nagreklamo ng mga kuto sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hiniling ko sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[na makapunta sa pakikipaglaban] ,sa Araw ng Uhud,at ako ay nasa labing-apat na taong gulang
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang paglabas sa umaga tungo sa landas ni Allah,o sa hapon: ay higit na mainam mula sa pagsikat ng araw at paglubog nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naghati sa nadambong: Para sa [mandirigmang] nakasakay sa kabayo ay may dalawang bahagi,at para sa lalaking [walang kabayo] ay isang bahagi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -ay nagbibigay sa iba ng mga karagdagang [biyaya] na napagtanto para lamang sa mga sarili nila,sa sinumang ipinapadala niya sa hukbo ng sandatahan,Maliban pa sa ibinabahagi sa pangakalahatang Hukbo ng sandatahan))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga kayamanan ng Tribo ng Nadher:ay kabilang sa ipinagkaloob ni Allah na labi ng digmaan [Fai] sa kanyang Sugo-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hindi kabilang sa mga iniudyok ng mga Muslim sa kanya [sa pamamagitan] ng Kabayo o Kamelyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi maghahatol ang isa sa inyo sa pagitan ng dalawa na siya ay galit
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag ang isang lalaki-o isang tao-ay nanilip sa iyo, nang walang pahintulot mula sa iyo,hinagis mo sa kanya ang bato at nabulag mo ang isang mata niya,Wala kang magiging kasalanan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu