Talaan ng mga ḥadīth

Ang Mundo ay bilangguan ng mananampalataya at Paraiso ng tagatangging sumampalataya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kamay na mataas ay higit na mabuti kaysa sa kamay na mababa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Ḥakīm, tunay na ang yamang ito ay kaakit-akit na matamis
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nawawalang-kakayahan ba ang isa sa inyo na kumita sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allāh, walang pamumuhay kundi ang pamumuhay sa Kabilang-buhay. Kaya magpatawad Ka sa mga tagaadya at mga tagalikas."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talagang ang kumuha ang isa sa inyo ng lubid niya saka magdala siya ng isang bigkis ng panggatong sa ibabaw ng likod niya saka magtinda nito para makapigil si Allāh dahil dito sa [paghamak sa] mukha niya ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa manghingi siya sa mga tao: magbigay man sila sa kanya o magkait man sila sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh dito, magpapala Siya sa inyo rito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Noong nagpanik sa akin [sa langit], naparaan ako sa mga taong mayroon silang mga kukong yari sa tanso, na kumakalmot sila sa pamamagitan ng mga ito sa mga mukha nila at mga dibdib nila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang paghahalintulad sa ipinadala sa akin ni Allāh na patnubay at kaalaman ay gaya ng paghahalintulad sa maraming ulan, na tumama sa isang lupain
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Mag-adya ka sa kapatid mo habang nang-aapi o habang inaapi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{HIndi ba kayo [nagtamasa] sa pagkain at pag-inom na niloob ninyo? Talaga ngang nakakita ako sa Propeta ninyo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang hindi siya nakatatagpo ng mababang uri ng datiles na ipampupuno niya sa tiyan niya.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakakaibig-ibig sa mga bayan kay Allāh ay ang mga masjid ng mga ito at ang pinakakasuklam-suklam sa mga bayan kay Allāh ay ang mga palengke ng mga ito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung sakaling nagkaroon ang anak ni Adan ng dalawang lambak ng yaman, talaga sanang naghangad siya ng ikatlong lambak
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma innī a`ūdhu bika min munkarāti -l'akhlāqi wa-l'a`māli wa-l'ahwā'. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga nakasasama sa mga kaasalan, mga gawain, at mga pithaya.)"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagkaroon ng gawang kawalang-katarungan sa kapatid niya sa dangal nito o anuman, magtanggal siya nito sa ngayong araw bago hindi magkaroon ng isang dinar ni isang dirham
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kakalapin ang mga tao sa Araw ng Pagbangon habang mga nakayapak, mga nakahubo, mga supot
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay nagkasi sa akin na magpakumbaba kayo nang sa gayon walang magmayabang na isa man sa isa at walang lumabag na isa man laban sa isa."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sa ngalan ni Allāh, nag-oorasyon ako para sa iyo laban sa bawat bagay na namemerhuwisyo sa iyo at laban sa bawat kasamaan ng sarili o matang naiinggit. Si Allāh ay magpagaling sa iyo. Sa ngalan ni Allāh, nag-oorasyon ako para sa iyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magalak ka sa dalawang liwanag na walang binigyan ng dalawang ito na isang propeta bago mo: ang Pambungad ng Aklat at ang mga Pangwakas ng Kabanatang Al-Baqarah. Hindi ka bibigkas ng isang titik mula sa dalawang ito malibang bibigyan ka [ng hiling mo]."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumpa man kay Allāh, walang nangunguhang isang kabilang sa inyo ng anuman nang walang karapatan sa kanya malibang makikitagpo siya kay Allāh habang nagpapasan siya nito sa Araw ng Pagbangon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O `Ā’ishah, tunay na si Allāh ay Malumay na umiibig sa kalumayan at nagbibigay Siya dahil sa kalumayan ng hindi Niya ibinibigay dahil sa karahasan at ng hindi Niya ibinibigay dahil sa iba rito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na sa iyo ay may dalawang kalikasang nakaiibig sa dalawang ito si Allāh: Ang pagtitimpi at ang paghihinay-hinay."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talaga ngang may pumalibot nga sa mag-anak ni Muḥammad na maraming babaing naghihinaing ng mga asawa nila. Ang mga iyon ay hindi pinakamabubuti ninyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi, wa-lkasali, wa-ljubni, wa-lbukhli, wa-lharami, wa `adhābi -lqabr. Allāhumma, ātī nafsī taqwāhā, wa-zakkihā anta khayru man zakkāḥā, anta walīyuhā wa-mawlāhā. Allāhumma, innī a`ūdhu bika min `ilmin lā yanfa`, wa-min qalbin lā yakhsha`, wa-min nafsin lā tashba`, wa-min da`watin lā yustajābu lahā. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, karamutan, pag-uulyanin, at pagdurusa sa libingan. O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko ng pangingilag magkasala nito at magpabusilak Ka nito: Ikaw ay pinakamabuti sa sinumang nagpabusilak dito; Ikaw ay ang Katangkilik nito at ang Mapagtangkilik dito. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kaalamang hindi nagpapakinabang, laban sa pusong hindi nagtataimtim, laban sa sariling hindi nabubusog, at laban sa panalanging hindi tinutugon.)"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May tatlong hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon, hindi Siya magpapabusilak sa kanila, at ukol sa kanila ay isang masakit na pagdurusa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang magluluksang isang babae sa isang patay nang higit sa tatlong [araw] maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kalamangan ng maaalam sa mananamba ay gaya ng kalamangan ko higit sa pinakamababa sa inyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma qinī `adhābaka yawma tajma`u aw tab`athu `ibādak. (O Allāh, magsanggalang Ka sa akin laban sa pagdurusang dulot Mo sa araw na magtitipon Ka o magbubuhay Ka ng mga lingkod Mo.)"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Siya noon ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya," tumutukoy siya sa pagsisilbi sa mag-anak niya, "saka kapag sumapit ang pagdarasal, lumalabas siya papunta sa pagdarasal."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagpakatuto ng isang kaalamang kabilang sa hinahangad dito ang kaluguran ng mukha ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) — na hindi pala nagpapakatuto nito kundi upang magkamit siya sa pamamagitan nito ng isang mahihita mula sa Mundo — hindi makaamoy ng samyo ng Paraiso sa Araw ng pagbangon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh, kapag umibig Siya sa isang tao, ay tumatawag kay Gabriel saka nagsasabi: "Tunay na Ako ay umiibig kay Polano kaya umibig ka sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya iibig sa kanya si Gabriel
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung sakaling nakaaalam ang nagdaraan sa harapan ng nagdarasal kung ano ang [kasalanan] sa kanya, talaga sanang ang tumindig siya nang apatanapu ay naging higit na mabuti para sa kanya kaysa sa magdaan siya sa harapan niyon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Maglubus-lubos ka sa pagsasagawa ng wuḍū'. Magsingit ka sa pagitan ng [isa't isa sa] mga daliri. Magpalabis ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay magdudulot ng pagdurusa sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao sa Mundo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na walang nararapat na magdulot ng pagdurusa sa pamamagitan ng apoy kundi ang Panginoon ng apoy."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay ang mga masjid na ito ay hindi naaangkop para sa isang bagay kabilang sa ihing ito ni sa minamarumi. Ang mga ito lamang ay para sa pag-alaala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pagdarasal, at pagbigkas ng Qur'ān
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway na mag-iwang ng dumi [ng hayop] at buto [ng hayop]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi mag-iiwang ang isa sa inyo ng mababa sa tatlong bato."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talagang si Allāh ay higit na maawain sa mga lingkod Niya kaysa sa [babaing] ito sa anak nito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Gumawa kayo mula sa gawain ng makakayanan ninyo; sapagkat sumpa man kay Allāh, hindi magsasawa si Allāh hanggang sa magsawa kayo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Bahagi ng Sunnah na kapag nagsabi ang mu'adhdhin sa adhān ng madaling-araw ng: "Ḥayya `ala -lfalāḥ (Halina sa tagumpay)" ay magsasabi siya ng: "Aṣṣālatu khayrum mina -nnawm (Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa sa pagtulog)."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bigkasin ninyo ang Qur'ān sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagbangon bilang mapagpamagitan sa mga tagatangkilik nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa magpayabangan ang mga tao sa mga masjid."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagtuturing ka ba – kapag nagdasal ako ng mga ṣalāh na isinatungkulin, nag-ayuno ako sa Ramaḍān, nagpahintulot ako ng ipinahihintulot at nagbawal ako ng bawal,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Inutusan ako na makipaglaban sa mga tao hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa pag-aangkin nila, talaga sanang may nag-angkin na mga lalaki ng mga yaman ng mga tao at mga buhay ng mga ito; subalit ang katunayan ay nasa nag-aangkin at ang pa ay nasa sinumang nagkaila."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh at ang Sugo Niya ay nagbawal ng pagtitinda ng alak, patay, baboy, at mga anito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng unang pagkapropeta: Kapag hindi ka nahiya, gawin mo ang niloob mo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ikaw sa Mundo ay maging para bang ikaw ay isang estranghero o isang tumatawid sa landas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi matitigil ang dila mo na basa dahil sa pag-alaala kay Allāh."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At hindi ba gumawa na si Allāh para sa inyo ng ipangkakawanggawa ninyo? Tunay na sa bawat tasbīḥah ay may kawanggawa, sa bawat takbīrah ay may kawanggawa, sa bawat taḥmīdah ay may kawanggawa, at sa bawat tahlīlah ay may kawanggawa. Ang isang pag-uutos ng nakabubuti ay kawanggawa at ang isang pagsaway sa nakasasama ay kawanggawa. Sa pakikipagtalik ng isa sa inyo [sa maybahay] ay may kawanggawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Iwasan ninyo ang kasalaulaang ito na sumaway si Allāh laban dito. Kaya ang sinumang nakagawa nito ay magpatakip siya ng pagtatakip ni Allāh at magbalik-loob siya kay Allāh sapagkat tunay na ang sinumang naglantad sa atin ng pagkasalarin niya, magpapatupad tayo sa kanya ng Aklat ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng mga tungkulin kaya huwag kayong magpabaya sa mga ito, naghangganan ng mga hangganan kaya huwag kayong lumampas sa mga ito, nagbawal ng ilang bagay kaya huwag kayong lumabag sa mga ito, at nanahimik sa ilang bagay dala ng pagkaawa sa inyo hindi dala ng pagkalimot kaya huwag kayong maghanap ng mga ito."} Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang Ayon kay Abū `Abdirraḥmān `Abdullāh bin `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:||"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."} Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay tinitipon ang paglikha sa kanya sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan Ayon kay Abū `Abdillāh An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:||"Tunay na ang ipinahihintulot ay malinaw at tunay na ang ipinagbabawal ay malinaw. Sa pagitan ng dalawang ito ay may mga mapaghihinalaan, na hindi nakaaalam sa mga ito ang marami sa mga tao. Ang sinumang nangilag sa mga mapaghihinalaan ay nakapag-ingat para sa relihiyon niya at dangal niya. Ang sinumang nasadlak sa mga mapaghihinalaan ay nasadlak sa ipinagbabawal, gaya ng pastol na nagpapastol sa paligid ng isang kanlungan, na halos magpanginain siya roon. Pansinin at tunay na bawat hari ay may kanlungan. Pansinin at tunay na ang kanlungan ni Allāh ay ang mga pagbabawal Niya. Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang kimpal na laman na kapag umayos ay aayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag nasira ito ay masisira ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso."} Ayon kay Abū Ruqayyah Tamīm bin Aws Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:||"Ang Relihiyon ay ang pagpapayo." Nagsabi kami: "Alang-alang kanino po?" Nagsabi siya: "Alang-alang kay Allāh, alang-alang sa Aklat Niya, alang-alang sa Sugo Niya, at alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim at madla nila."} Ang sinaway ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gawin ninyo mula rito ang makakaya ninyo Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):||"Tunay na si Allāh ay Kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo sapagkat nagsabi Siya (napakataas Siya): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} (Qur'ān 23:51) at nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} (Qur'ān 2:172) Pagkatapos binanggit niya ang lalaki – na nagpapahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya papunta sa langit – [habang nananalangin]: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain niya ay bawal, ang iniinom niya ay bawal, ang isinusuot niya ay bawal, na pinakakain sa bawal, kaya paanong tutugunin siya roon?"} Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo tungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."} Ayon kay Abū Ḥamzah Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya), na tagapaglingkod ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:||"Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya."} Tunay na si Allāh ay nag-obliga ng pagpapahusay sa bawat bagay O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Magmaalalahanin ka kay Allāh, magmamaalalahanin Siya sa iyo. Magmaalalahanin ka kay Allāh, makatatagpo ka sa Kanya sa dako mo. Kapag humiling ka, humiling ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh Ayon kay Abū Mas`ūd `Uqbah bin `Amr Al-Anṣārīy Al-Badrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):||"Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng unang pagkapropeta: Kapag hindi ka nahiya, gawin mo ang niloob mo."} Ayon kay Abū `Amr – at sinabing Abū `Amrah – Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:||{Nagsabi ako: "O Sugo, ni Allāh, magsabi ka sa akin kaugnay sa Islām ng isang masasabing hindi ako makapagtatanong tungkol doon sa isang iba pa sa iyo." Nagsabi siya: "Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh, pagkatapos magpakatuwid ka."} Nagtuturing ka ba – kapag nagdasal ako ng mga isinatungkulin, nag-ayuno ako sa Ramaḍān, nagsapahintulot ako ng ipinahihintulot at nagbawal ako ng bawal, Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna -llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):||"Ang bawat kasukasuan ng mga tao ay kailangan dito [ang magbigay] ng isang kawanggawa sa bawat araw na sumisikat dito ang araw. Ang magpakamakatarungan ka sa pagitan ng dalawang [tao] ay isang kawanggawa. Ang tumulong ka sa tao sa sasakyang hayop niya saka magbubuhat ka sa kanya sa ibabaw nito o mag-aangat ka para sa kanya sa ibabaw nito ng dala-dalahan niya ay isang kawanggawa. Ang salitang kaaya-aya ay isang kawanggawa. Ang bawat hakbang na nilalakad mo patungo sa pagdarasal ay isang kawanggawa. Ang mag-alis ka ng perhuwisyo palayo sa daan ay isang kawanggawa."} Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh, at pagdinig at pagtalima kahit pa namuno sa inyo ang isang alipin. Tunay na ang sinumang mamumuhay [nang matagal] kabilang sa inyo ay makakikita ng maraming pagkakaiba-iba. Kaya naman manatili kayo sa sunnah ko at sunnah ng mga Matinong Nagabayang Khalīfah Talaga ngang humiling ka tungkol sa isang dakilang gawain. Tunay na ito ay talagang madali sa sinumang nagpadali nito si Allāh sa kanya Walang kapinsalaan at walang pamiminsala."} Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:||"Kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa pag-aangkin nila, talaga sanang may nag-angkin na mga lalaki ng mga yaman ng mga tao at mga buhay ng mga ito; subalit ang katunayan ay nasa nag-aangkin at ang panunumpa ay nasa sinumang nagkaila."} Tunay na si Allāh ay nagtakda ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, pagkatapos naglinaw Siya niyon Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsabi: {Ang sinumang nakipag-away sa isang katangkilik para sa Akin, nagpahayag nga Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpakalapit-loob sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa isinatungkulin Ko sa kanya Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ang pithaya niya ay maging sunod sa inihatid ko."} Ang bawat nakalalasing ay bawal. Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):||"May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging mapagpaimbabaw. Kung naging may isang katangian mula sa mga ito sa kanya, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagmamasamang-loob siya; at kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraidor siya Kung sakaling kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo kung paanong tumutustos Siya sa ibon: umaalis ito sa umaga na impis at bumabalik ito sa gabi na bundat."} Ang pagsasamabuting-loob ay kagandahan ng kaasalan. Ang kasalanan ay anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid doon ang mga tao Hindi titigil ang dila mo sa pagkanamamasa sa pag-alaala kay Allāh Tunay na si Allāh ay nagpalampas para sa akin sa Kalipunan ko ng pagkakamali, pagkalimot, at anumang pinilit sila."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magwalang-halaga ka sa Mundo, iibig sa iyo si Allāh; at magwalang-halaga ka sa anumang nasa ganang mga tao, iibig sa iyo ang mga tao."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagkapasuso ay nagbabawal sa [gaya ng] ipinagbabawal ng pagkapanganak."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi pumuno ang isang tao ng isang sisidlang higit na masama kaysa sa isang tiyan. Kasapatan sa anak ni Adan na may mga makakaing magtatayo sa likod niya; saka kung naging hindi posible, isang sangkatlo ay para sa pagkain niya, isang sangkatlo ay para sa inumin niya, at isang sangkatlo ay para sa paghinga niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bahagi ng kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng tao ang pag-iwan niya ng anumang hindi pumapatungkol sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magregaluhan kayo, mag-iibigan kayo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano
Kung sakaling pumasok sila roon, hindi sana sila nakalabas mula roon hanggang sa Araw ng Pagbangon. Ang pagtalima ay nakabubuti."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano
Hugasan ninyo siya nang tatlong ulit o limang ulit o higit kaysa roon, kung nakakita kayo [ng pangangailangan doon], ng tubig at [dahon ng] mansanitas. Maglagay kayo sa huli ng alkampor o kaunting alkampor. Kapag nakatapos kayo, manawagan kayo sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na magsaklolo Siya sa amin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsabi sa akin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bumigkas ka sa akin [ng Qur'ān
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi bahagi ng pagsasamabuting-loob ang pag-aayuno sa paglalakbay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Oo. Nag-uutos siya sa amin, nang kami minsan ay nasa isang paglalakbay o mga naglalakbay, na huwag kaming mag-alis ng mga khuff namin nang tatlong araw at mga gabi ng mga ito - maliban sa janābah - dahil sa pagdumi, pag-ihi, at pagkatulog
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsabi siya ng: "Sami`a -llāhu li-man ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)," ay walang nagbabaluktot na isa man sa amin ng likod niya hanggang sa lumapag ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nakapatirapa, pagkatapos lumalapag kami sa pagpapatirapa matapos niya.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pakainin ninyo ang nagugutom, dalawin ninyo ang maysakit, at palayain ninyo ang bihag."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapasimula ng salah sa pamamagitan ng pagsasagawa ng takbir at pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (s) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah];
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'Huwag kayong magparusa ng pagdurusang dulot ni Allāh.'
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong nagtalaga ito sa kanya sa Yemen, ay nag-utos sa kanya na kumuha ka mula sa mga baka mula sa bawat tatlumpu ng isang lalaking tabī` o isang babaing tabī`
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang panakip-sala sa pamamanata ay ang panakip-sala sa panunumpa."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi magtatagumpay ang mga taong nagpangasiwa ng pamamahala sa kanila sa isang babae."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay hindi natutulog at hindi nararapat para sa Kanya na matulog
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
Tunay na ang pinakamapangilag magkasala sa inyo at ang pinakamaalam sa inyo kay Allāh ay ako."}
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
Tayo ay ang kahuli-hulihan sa mga kalipunan at ang kauna-unahan sa tutuusin
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
{Kami noon ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang kami ay mga binatilyong matitipuno. Natutuhan namin ang pananampalataya bago namin matutuhan ang Qur'ān, pagkatapos natutuhan namin ang Qur'ān kaya nadagdagan kami dahil dito ng pananampalataya.}
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
Walang kabilang sa mga propeta na isang propeta malibang binigyan ng tulad nito, na natiwasay sa kanya ang tao
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
{Tinanong si Anas kung papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi ito: "Ito noon ay pagpapahaba
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
na ito ay tinanong tungkol sa pagbigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
Pansinin, tunay na ang bawat isa sa inyo ay nakikipagniig sa Panginoon niya. Kaya huwag ngang mamerhuwisyo ang iba sa inyo sa iba
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapabigkas sa amin noon ng Qur'ān sa bawat kalagayan hanggat siya ay hindi junub.}
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
Bagkus magsabi kayo (Qur'an 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.}
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
may talata sa Aklat ninyo na binibigkas ninyo. Kung sakaling sa amin na katipunan ng mga Hudyo bumaba ito, talaga sanang gumawa kami sa araw na iyon bilang isang pagdiriwang
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
{Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagbaba ng: {Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya.}
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
{Ang mg susi ng Nakalingid ay lima
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
{Gumawa ba kayo sa [nakatalaga sa] pagpapainom sa tagasagawa ng ḥajj at sa pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal gaya ng sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ...} (Qur'ān 9:19)}
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
{Ang Sugo ni Allāh ay napaliliguan noon ng isang ṣā` ng tubig mula sa janāba at napagsasagawaan ng wudu ng isang mudd.}
عربي Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla
Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man naging. Pasundan mo ang gawang masagwa ng gawang maganda na papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi nalalabag ang buhay ng isang taong Muslim malibang dahil sa isa sa tatlo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipamigay ninyo ang mga isinasatungkuling mana sa mga pinag-uukulan ng mga ito saka ang anumang natira ay ukol sa pinakamalapit na kaanak na lalaki."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu