+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«قَالَ اللَّهُ تَعَالَى: ثَلاَثَةٌ أَنَا خَصْمُهُمْ يَوْمَ القِيَامَةِ: رَجُلٌ أَعْطَى بِي ثُمَّ غَدَرَ، وَرَجُلٌ بَاعَ حُرًّا فَأَكَلَ ثَمَنَهُ، وَرَجُلٌ اسْتَأْجَرَ أَجِيرًا فَاسْتَوْفَى مِنْهُ وَلَمْ يُعْطِهِ أَجْرَهُ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 2270]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
{Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "May tatlong Ako ay kaalitan nila sa Araw ng Pagbangon: isang taong nagbigay ng pangako sa Akin pagkatapos sumira siya, isang taong nagbenta ng isang malaya [bilang alipin] saka kumain ng bayad dito, at isang taong umupa ng isang upahan saka lumubos siya ng trabaho mula rito pagkatapos hindi siya nagbigay rito ng upa nito."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 2270]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsabi: "May tatlong uri na Ako ay kaalitan nila sa Araw ng Pagbangon at ang sinumang Ako ay naging kaalitan niya, makikipag-alitan Ako sa kanya at gagapi sa Kanya: Ang una ay ang sinumang nagbigay ng pangako niya at panunumpa niya sa Akin at nakipagkasunduan ng isang kasunduan pagkatapos lumabag siya at sumira siya; Ang ikalawa ay ang sinumang nagbenta ng isang taong malaya bilang isang alipin saka kumain ng bayad dito at gumamit ng halaga nito; Ang ikatlo ay ang sinumang umupa ng isang upahan sa trabaho saka lumubos siya ng mula rito ng trabaho pagkatapos hindi siya nagbigay rito ng bayad sa trabaho nito.

من فوائد الحديث

  1. Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa isinasalaysay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Panginoon niya at tinatawag na banal o pandiyos na ḥadīth. Ito ay ang ḥadīth na ang pananalita nito at ang kahulugan nito ay mula kay Allāh, gayon pa man wala rito ang mga kakanyahan ng Qur'ān na ikinabukod nito sa iba gaya ng pagpapakamananamba sa pagbigkas nito, pagsasagawa ng kadalisayan para rito, paghahamon nito, paghihimala, at iba pa rito.
  2. Nagsabi si As-Sindīy: Sinabi: Ang pagbanggit sa tatlo ay hindi para sa paglilimita dahil Siya (napakataas Siya) ay kaalitan ng lahat ng mga tagalabag sa katarungan; bagkus para sa pagdidiin sa tatlong ito.
  3. Nagsabi si Ibnu Al-Jawzīy: Ang malaya ay lingkod ni Allāh. Kaya ang sinumang naniniil dito, ang kaalitan nito ay ang Amo nito ay siyang si Allāh.
  4. Nagsabi si Al-Khaṭṭābīy: Ang pagsasaalipin ng malayang tao ay nagaganap dahil sa dalawang pangyayari. [Ang una] ay na magpalaya nito pagkatapos magkukubli niyon o magkakaila at ang ikalawa ay na gumamit nito nang sapilitan matapos ng pagkapalaya. Ang una ay ang pinakamatindi sa dalawa. Masasabi ko: Ang ḥadīth ng paksa ay higit na matindi dahil nasaad dito, kasama ng pagkukubli ng pagkapalaya o ng pagkakaila nito, ang paggawa ayon sa ipinahihiwatig niyon ng pagbebenta at pagkain ng pinagbilhan kaya naman dahil doon ang banta sa kanya ay higit na matindi.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الهولندية الغوجاراتية الدرية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin