+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ لِبِلاَلٍ عِنْدَ صَلاَةِ الفَجْرِ:
«يَا بِلاَلُ، حَدِّثْنِي بِأَرْجَى عَمَلٍ عَمِلْتَهُ فِي الإِسْلاَمِ، فَإِنِّي سَمِعْتُ دَفَّ نَعْلَيْكَ بَيْنَ يَدَيَّ فِي الجَنَّةِ» قَالَ: مَا عَمِلْتُ عَمَلًا أَرْجَى عِنْدِي أَنِّي لَمْ أَتَطَهَّرْ طَهُورًا، فِي سَاعَةِ لَيْلٍ أَوْ نَهَارٍ، إِلَّا صَلَّيْتُ بِذَلِكَ الطُّهُورِ مَا كُتِبَ لِي أَنْ أُصَلِّيَ.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1149]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi kay Bilāl sa sandali ng ṣalāh sa madaling-araw:
"O Bilāl, magsanaysay ka sa akin ng pinakamagantimpalang gawaing ginawa mo sa Islām sapagkat tunay na ako ay nakarinig ng yabag ng sandalyas mo sa harap ko sa Paraiso." Nagsabi ito: "Ang ginagawa kong isang gawaing pinakamagantimpala sa ganang akin ay na ako ay hindi nagpapakadalisay ng isang pagdalisay sa isang oras sa isang gabi o isang maghapon malibang nagdarasal ako dahil sa pagkadalisay na iyon ng iniatas sa akin na dasalin ko."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1149]

Ang pagpapaliwanag

Nakita ng Propeta (s) sa panaginip na siya ay nasa Paraiso saka nagsabi siya kay Bilāl bin Rabāḥ: "Magpabatid ka sa akin hinggil sa pinakamagantimpalang gawain ng pagkukusang-loob na ginawa mo sa Islam sapagkat tunay na ako ay nakarinig ng mahinang tunog ng sandalyas mo sa pagpapahakbang nito sa paglakad sa harap ko sa Paraiso." Nagsabi si Bilāl: "Ang ginagawa kong isang gawaing pinakamagantimpala sa ganang akin ay na ako ay hindi nasiraan ng kadalisayan sa isang oras sa isang gabi o isang maghapon malibang nagsasagawa ako ng wuḍū', pagkatapos nagdarasal ako sa Panginoon ko dahil sa wuḍū' na iyon ng mga kinukusang-loob na ṣalāh na iniatas sa akin na dasalin ko."

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng gawain na itinuro ni Bilāl (malugod si Allāh sa kanya), na walang iba kundi ang pagdarasal sa tuwing nakapagdalisay siya at nakapagsagawa ng wuḍū' at na ito ay kabilang sa pinakamagantimpala sa mga gawain at kadahilanan sa pagpasok sa Paraiso.
  2. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagdarasal matapos ng pagkasagawa ng wuḍū'.
  3. Ang pagtatanong ng tinutularan o tagapagturo tungkol sa gawain ng estudyante niya upang mag-udyok dito sa pagpapakatatag doon kung iyon ay maganda at kung hindi naman ay ang pagsaway rito.
  4. Isang pagsaksi mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Bilāl (malugod si Allāh sa kanya) na ito ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso.
  5. Ang tanong na ito ay noong ṣalāh sa madaling-araw. Dito ay may isang pahiwatig na iyon ay naganap dahil sa pagkakita sa isang panaginip ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang mga panaginip ng mga propeta ay nagkakatotoo.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الهولندية الغوجاراتية الدرية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan