عَنْ عَلِيٍّ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ: إِذَا حَدَّثْتُكُمْ عَنْ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَلَأَنْ أَخِرَّ مِنَ السَّمَاءِ أَحَبُّ إِلَيَّ مِنْ أَنْ أَكْذِبَ عَلَيْهِ، وَإِذَا حَدَّثْتُكُمْ فِيمَا بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ فَإِنَّ الحَرْبَ خَدْعَةٌ، سَمِعْتُ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«يَأْتِي فِي آخِرِ الزَّمَانِ قَوْمٌ حُدَثَاءُ الأَسْنَانِ سُفَهَاءُ الأَحْلاَمِ، يَقُولُونَ مِنْ خَيْرِ قَوْلِ البَرِيَّةِ، يَمْرُقُونَ مِنَ الإِسْلاَمِ كَمَا يَمْرُقُ السَّهْمُ مِنَ الرَّمِيَّةِ، لاَ يُجَاوِزُ إِيمَانُهُمْ حَنَاجِرَهُمْ، فَأَيْنَمَا لَقِيتُمُوهُمْ فَاقْتُلُوهُمْ، فَإِنَّ قَتْلَهُمْ أَجْرٌ لِمَنْ قَتَلَهُمْ يَوْمَ القِيَامَةِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3611]
المزيــد ...
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): {Kapag nagsanaysay ako sa inyo tungkol sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sapagkat ang bumagsak ako mula sa langit ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa magsinungaling ako hinggil sa kanya. Kapag nagsanaysay ako sa inyo kaugnay sa namagitan sa akin at sa inyo ay sapagkat tunay na ang digmaan ay isang panlilinlang. Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"May darating sa katapusan ng panahon na mga tao, na mga baguhan ang mga ngipin, na mga hunghang ang mga pag-iisip, na magsasabi ng anumang pinakamabuti sa sabi ng sangkinapal. Lalampas sila mula sa Islām kung paanong lumalampas ang palaso mula sa tinutudla. Hindi lalampas ang pananampalataya nila mula sa mga lalamunan nila. Kaya saanman kayo nakatagpo sa kanila, patayin ninyo sila sapagkat tunay na ang pagpatay sa kanila ay may pabuya para sa sinumang pumatay sa kanila sa Araw ng Pagbangon."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3611]
Nagpabatid ang pinuno ng mga mananampalataya na si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya): {Kapag nakarinig kayo sa akin na nagsasanaysay sa inyo tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tunay na ako ay hindi nagpapasaring, hindi nagkukunwari, at hindi nagbabalatkayo, at nagtatahas lamang ako. Ang bumagsak ako mula sa langit ay higit na madali sa ganang akin at higit na magaan kaysa magsanaysay ako tungkol sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang ako ay nagsisinungaling hinggil sa kanya. Kapag nagsanaysay ako kaugnay sa namagitan sa akin at sa mga tao ay sapagkat ang digmaan ay isang panlilinlang lamang kaya naman maaaring nagpapasaring ako o nagkukunwari ako o nagbabalatkayo ako. Nakarinig nga ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "May darating sa katapusan ng panahon na mga kabataang nakababata ang edad, na mahihina ang mga isip, na magsasabi ng mula sa Qur'ān at magpaparami ng pagbasa nito. Lalabas sila mula sa Islām at lalampas sila sa mga hangganan nito kung paanong lumalabas ang palaso mula sa tinutudla.* Hindi lalampas ang pananampalataya nila mula sa mga lalamunan nila. Kaya saanman kayo nakatagpo sa kanila, patayin ninyo sila sapagkat tunay na ang pagpatay sa kanila ay may pabuya para sa sinumang pumatay sa kanila sa Araw ng Pagbangon."