+ -

عَنْ عَمْرِو بْنِ الحَارِثِ خَتَنِ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَخِي أُمِّ المؤمِنين جُوَيْرِيَةَ بِنْتِ الحَارِثِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُم، قَالَ:
مَا تَرَكَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عِنْدَ مَوْتِهِ دِرْهَمًا وَلاَ دِينَارًا وَلاَ عَبْدًا وَلاَ أَمَةً وَلاَ شَيْئًا، إِلَّا بَغْلَتَهُ البَيْضَاءَ، وَسِلاَحَهُ، وَأَرْضًا جَعَلَهَا صَدَقَةً.

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 2739]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Amr bin Al-Ḥārith na bayaw ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapatid ng Ina ng mga Mananampalataya na si Juwayrīyah bin Al-Ḥārith (malugod si Allāh sa kanila) na nagsabi:
{Hindi nag-iwan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandali ng pagkamatay niya ng isang dirham ni isang dinar ni isang lalaking alipin ni isang babaing alipin ni isang anuman maliban sa puting mola niya, sandata niya, at isang lupain, na gumawa siya sa mga ito bilang kawanggawa.}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 2739]

Ang pagpapaliwanag

Pinapanaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang hindi nag-iwan ng isang dirham na pilak ni isang dinar na ginto ni isang lalaking aliping minamay-ari ni isang babaing aliping minamay-ari ni isang tupa ni isang kamelyo ni isang anumang kabilang sa ari-arian maliban sa puting mola niya na sinasakyan niya, sandata niya na binibitbit niya, at isang lupaing isinakawanggawa noong kalusugan niya para sa kinapos sa daan.

من فوائد الحديث

  1. Ang mga propeta ay hindi nagpapamana.
  2. Ang paglilinaw sa naiwan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng pagkamatay niya.
  3. Pinapanaw ang siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) nang hindi nag-iwan ng anumang may kahalagahan dahil sa kagalantehan niya, paggugol niya, at pagmamagandang-loob niya.
  4. Nagsabi si Al-Kirmānīy: Ang panghalip sa sabi niyang: "gumawa siya sa mga ito" ay tumutukoy sa tatlo: ang mola, ang sandata, at ang lupain, at hindi sa lupain lamang.
  5. Ang khatan [na nabanggit sa ḥadīth] ay ang lalaking kapatid ng maybahay at ang akhtān ay tumutukoy sa mga kabayawan sa panig ng maybahay.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الهولندية الغوجاراتية الدرية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin