+ -

عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُما قَالَ:
إِنَّ اللهَ عَزَّ وَجَلَّ أَنْزَلَ: {وَمَنْ لَمْ يَحْكُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللهُ فَأُولَئِكَ هُمِ الْكَافِرُونَ} [المائدة: 44] وَ {فَأُولَئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ} [المائدة: 45] وَ {فَأُولَئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ} [المائدة: 47] ، قَالَ: قَالَ ابْنُ عَبَّاسٍ: أَنْزَلَهَا اللهُ فِي الطَّائِفَتَيْنِ مِنَ اليَهُودِ، وَكَانَتْ إِحْدَاهُمَا قَدْ قَهَرَتِ الأُخْرَى فِي الجَاهِلِيَّةِ، حَتَّى ارْتَضَوْا وَاصْطَلَحُوا عَلَى أَنَّ كُلَّ قَتِيلٍ قَتَلَتْهُ العَزِيزَةُ مِنَ الذَّلِيلَةِ فَدِيَتُهُ خَمْسُونَ وَسْقًا، وَكُلَّ قَتِيلٍ قَتَلَتْهُ الذَّلِيلَةُ مِنَ العَزِيزَةِ فَدِيَتُهُ مِائَةُ وَسْقٍ، فَكَانُوا عَلَى ذَلِكَ حَتَّى قَدِمَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ المَدِينَةَ، وَذَلَّتِ الطَّائِفَتَانِ كِلْتَاهُمَا لِمَقْدَمِ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، ورَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَوْمَئِذٍ لَمْ يَظْهَرْ، وَلَمْ يُوطِئْهُمَا عَلَيْهِ، وَهُوَ فِي الصُّلْحِ، فَقَتَلَتِ الذَّلِيلَةُ مِنَ العَزِيزَةِ قَتِيلًا، فَأَرْسَلَتِ العَزِيزَةُ إِلَى الذَّلِيلَةِ: أَنِ ابْعَثُوا إِلَيْنَا بِمِائَةِ وَسْقٍ، فَقَالَتِ الذَّلِيلَةُ: وَهَلْ كَانَ هَذَا فِي حَيَّيْنِ قَطُّ دِينُهُمَا وَاحِدٌ، وَنَسَبُهُمَا وَاحِدٌ، وَبَلَدُهُمَا وَاحِدٌ، دِيَةُ بَعْضِهِمْ نِصْفُ دِيَةِ بَعْضٍ؟ إِنَّا إِنَّمَا أَعْطَيْنَاكُمْ هَذَا ضَيْمًا مِنْكُمْ لَنَا، وَفَرَقًا مِنْكُمْ، فَأَمَّا إِذْ قَدِمَ مُحَمَّدٌ فَلَا نُعْطِيكُمْ ذَلِكَ، فَكَادَتِ الحَرْبُ تَهِيجُ بَيْنَهُمَا، ثُمَّ ارْتَضَوْا عَلَى أَنْ يَجْعَلُوا رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بَيْنَهُمْ، ثُمَّ ذَكَرَتِ العَزِيزَةُ، فَقَالَتْ: وَاللهِ مَا مُحَمَّدٌ بِمُعْطِيكُمْ مِنْهُمْ ضِعْفَ مَا يُعْطِيهِمْ مِنْكُمْ، وَلَقَدْ صَدَقُوا، مَا أَعْطَوْنَا هَذَا إِلَّا ضَيْمًا مِنَّا، وَقَهْرًا لَهُمْ، فَدُسُّوا إِلَى مُحَمَّدٍ مَنْ يَخْبُرُ لَكُمْ رَأْيَهُ: إِنْ أَعْطَاكُمْ مَا تُرِيدُونَ حَكَّمْتُمُوهُ، وَإِنْ لَمْ يُعْطِكُمْ حَذِرْتُمْ فَلَمْ تُحَكِّمُوهُ، فَدَسُّوا إِلَى رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ نَاسًا مِنَ المُنَافِقِينَ لِيَخْبُرُوا لَهُمْ رَأْيَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَلَمَّا جَاءَ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَخْبَرَ اللهُ رَسُولَهُ بِأَمْرِهِمْ كُلِّهِ وَمَا أَرَادُوا، فَأَنْزَلَ اللهُ عَزَّ وَجَلَّ {يَا أَيُّهَا الرَّسُولُ لَا يَحْزُنْكَ الَّذِينَ يُسَارِعُونَ فِي الْكُفْرِ مِنَ الذِينَ قَالُوا آمَنَّا} [المائدة: 41] إِلَى قَوْلِهِ: {وَمَنْ لَمْ يَحْكُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللهُ فَأُولَئِكَ هُمِ الْفَاسِقُونَ} [المائدة: 47] ثُمَّ قَالَ فِيهِمَا: وَاللهِ نَزَلَتْ، وَإِيَّاهُمَا عَنَى الله عَزَّ وَجَلَّ.

[حسن] - [رواه أحمد] - [مسند أحمد: 2212]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang ), [ayon sa tagasalaysay] na nagsabi:
{Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagbaba ng: {Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 5:44), {... ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 5:45), at {... ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47). Nagsabi [ang tagasalaysay]: Nagsabi ang Anak ni `Abbās: "Nagpababa ng mga ito si Allāh kaugnay sa dalawang pangkatin kabilang sa mga Hudyo. Ang isa sa dalawang ito noon ay lumupig sa isa pa sa Panahon ng Kamangmangan hanggang sa nagkalugud-lugod sila at nagkasundu-sundo sila na ang bawat napatay na pinatay ng minamataas na pangkatin mula sa minamababang pangkatin ay may bayad-pinsala na limampung wasq at ang bawat napatay na pinatay ng minamababang pangkatin mula sa minamataas na pangkatin ay may bayad-pinsala na isandaang wasq. Sila noon ay ayon doon hanggang sa dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah. Naaba ang dalawang pangkatin - ang kapwa dalawang ito - dahil sa pagkadating ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong araw na iyon ay hindi pa nangibabaw at hindi pa nanaig sa dalawang ito, habang siya ay nasa pakikipagpayapaan pa, nang nakapatay naman ang minamababang pangkatin ng isang napatay mula sa minamataas na pangkatin. Kaya nagpamensahe ang minamataas na pangkatin sa minamababang pangkatin: "Magpadala kayo sa amin ng isangdaalng wasq [bilang bayad-pinasala]." Nagsabi naman ang minamababang pangkatin: "Nangyari na kaya ito sa dalawang nayon kailanman, na ang relihiyon ng dalawa ay iisa, ang kaangkanan ng dalawa ay iisa, at ang bayan ng dalawa ay iisa, na ang bayad-pinsala ng ilan sa kanila ay kalahati ng bayad-pinsala ng iba pa? Tunay na kami ay nagbigay lamang sa inyo nito dahil sa isang pang-aapi mula sa inyo sa amin at dahil sa isang pagkatakot sa inyo. Ngunit noong dumating na si Muḥammad, hindi na kami magbibigay sa inyo niyon." Kaya halos ang digmaan ay napukaw sa pagitan ng dalawang pangkatin. Pagkatapos nagkalugud-lugod sila na magtalaga sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang tagapagpasya sa pagitan nila. Pagkatapos nag-isip ang minamataas na pangkatin saka nagsabi ito [sa isa't isa]: "Sumpa man kay Allāh, hindi si Muḥammad magbibigay sa inyo mula sa kanila ng doble ng ibibigay niya sa kanila mula sa inyo." - talaga ngang nagsabi sila ng totoo - "Hindi sila nagbigay sa atin nito kundi dahil sa isang pang-aapi mula sa atin at dahil sa isang paglupig sa kanila. Kaya magpapuslit kayo papunta kay Muḥammad ng sinumang magpapabatid para sa inyo ng pananaw niya. Kung magbibigay siya ng ninanais ninyo, pahatulin ninyo siya; at kung hindi siya magbibigay sa inyo, mag-ingat kayo at huwag ninyo siyang pahatulin." Kaya nagpapuslit sila papunta sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga taong kabilang sa mga mapagpaimbabaw upang magpabatid sa kanila ng pananaw ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating iyon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagpabatid si Allāh sa Sugo Nito hinggil sa nauukol sa kanila sa kabuuan nito at ninanais nila. Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) [ng sabi Niya]: {O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga nagsabi: "Sumampalataya kami," ...} (Qur'ān 5:41) hanggang sa sa sabi Niya: {... Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47) Pagkatapos nagsabi pa [ang Anak ni `Abbās] kaugnay sa dalawang [pangkating] ito: "Bumaba ito at sa dalawang iyon tumukoy si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}

[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad] - [مسند أحمد - 2212]

Ang pagpapaliwanag

Kabialang noon sa mga Hudyo ng Madīnah ang angkan ng Qurayḍ̆ah at ang angkan ng An-Naḍīr. Ang isa sa dalawang angkan ay nakalupig sa isa sa Panahon ng Kamangmangan at nanaig dito ngunit nagkalugud-lugod sila at nagkasundu-sundo na ang bawat napatay na pinatay ng angkang minamataas na nanaig mula sa angkang minamababa na dinaig ay may bayad-pinsala na limampung wasq lamang at ang bawat napatay na pinatay ng angkang minamababa mula sa angkang minamataas ay may bayad-pinsalang doble na isandaang wasq. Ang isang wasq ay animnapung ṣā`.§ Sila ay nasa gayon hanggang sa dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah bilang isang tagalikas. Napasailalim ang dalawang pangkatin - ang kapwa dalawang pangkatin - dahil sa pagdating ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang siya noong araw na iyon ay hindi pa nakagapi sa mga kaaway niya at hindi pa nakapanaig sa dalawang pangkatin sa pagtalima sa kanya dahil iyon sa simula ng pagkalikas samantalang siya ay nasa pakikipagpayapaan. Nakapatay ang pangkating minamababa ng isa mula sa pangkating minamataas. Kaya nagpamensahe ang minamataas sa minamababa: "Magpadala kayo sa amin ng isandaang wasq ayon sa kasunduan." Nagsabi naman ang minamababa: "Nangyari na kaya ito sa dalawang nayon kailanman, na ang relihiyon ng dalawa ay iisa, ang kaangkanan ng dalawa ay iisa, at ang bayan ng dalawa ay iisa, na ang bayad-pinsala ng ilan sa kanila ay kalahati ng bayad-pinsala ng iba pa? Tunay na kami ay nagbigay lamang sa inyo nito dahil sa isang kawalang-katarungan mula sa inyo sa amin at dahil sa isang pangamba sa inyo. Ngunit noong dumating na si Muḥammad, hindi na kami magbibigay sa inyo niyon magpakailanman." Kaya halos ang digmaan ay napukaw sa pagitan ng dalawang pangkatin. Pagkatapos nagkalugud-lugod sila na magtalaga sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maghahatol sa pagitan nila. Pagkatapos nagbulay-bulay ang minamataas na pangkatin saka nagsabi ito [sa isa't isa]: "Sumpa man kay Allāh, hindi si Muḥammad magbibigay sa inyo mula sa kanila ng doble ng ibibigay niya sa kanila mula sa inyo." - talaga ngang nagsabi sila ng totoo - "Hindi sila nagbigay sa atin nito kundi dahil sa isang kawalang-katarungan mula sa atin at dahil sa isang paglupig sa kanila. Kaya magsugo kayo kay Muḥammad nang pakubli ng sinumang maghahatid sa inyo ng pananaw niya. Kung magbibigay siya sa inyo ng ninanais ninyo, pahatulin ninyo siya; at kung hindi siya magbibigay sa inyo ng ninanasa ninyo, iwan ninyo siya at huwag ninyo siyang pahatulin sa pagitan ninyo." Kaya nagsugo sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang pakubli ng mga taong kabilang sa mga mapagpaimbabaw upang magpaalam ng pananaw niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagbaba si Allāh ng pagkasi at nagpabatid sa Sugo Nito hinggil sa nauukol sa kanila sa kabuuan nito at ninanais nila. Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Kabanatang Al-Mā;idah ng sabi Niya: {O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga nagsabi: "Sumampalataya kami," ...} (Qur'ān 5:41) hanggang sa sa sabi Niya: {... Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47) Pagkatapos nagsabi pa ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) kaugnay sa dalawang pangkatin. Nagbaba si Allāh ng sabi Niya (napakataas Siya): {Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 5:44), {... ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 5:45), at {... ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47). "Sa dalawang iyon tumukoy si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkakilala ng mga Hudyo sa katapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagkamapagkakatiwalaan niya.
  2. Ang pagpapakana ng mga Hudyo at ang kawalang-katarugan nila pati sa mga sarili nila.
  3. Ang pagpapabatid ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na ang mga Hudyo ay pag-uukulan ng kahihiyan sa Mundo at mabigat na pagdurusa sa Kabilang-buhay.
  4. Ang kawalan ng paghatol ayon sa pinababa ni Allāh at ang kawalan ng pagkalugod sa hatol ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang patunay sa kawalang-pananampalataya, kawalang-katarungan, at kasuwailan.
  5. Ang panganib ng mga mapagpaimbabaw at ang pagkikipagtulungan nila sa mga Hudyo.
Ang Salin: Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الهولندية الدرية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin