+ -

عَنْ عُمَرَ بْنِ الخَطَّابِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ:
أَنَّ رَجُلًا مِنَ اليَهُودِ قَالَ لَهُ: يَا أَمِيرَ المُؤْمِنِينَ، آيَةٌ فِي كِتَابِكُمْ تَقْرَؤُونَهَا، لَوْ عَلَيْنَا مَعْشَرَ اليَهُودِ نَزَلَتْ لاَتَّخَذْنَا ذَلِكَ اليَوْمَ عِيدًا، قَالَ: أَيُّ آيَةٍ؟ قَالَ: {اليَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الإِسْلاَمَ دِينًا} [المائدة: 3] قَالَ عُمَرُ: قَدْ عَرَفْنَا ذَلِكَ اليَوْمَ، وَالمَكَانَ الَّذِي نَزَلَتْ فِيهِ عَلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، وَهُوَ قَائِمٌ بِعَرَفَةَ يَوْمَ جُمُعَةٍ.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 45]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya):
{May isang lalaking kabilang sa mga Hudyo na nagsabi sa kanya: "O Pinuno ng mga Mananampalataya, may talata sa Aklat ninyo na binibigkas ninyo. Kung sakaling sa amin na katipunan ng mga Hudyo bumaba ito, talaga sanang gumawa kami sa araw na iyon bilang isang pagdiriwang." Nagsabi siya: "Aling talata?" Nagsabi ito (Qur'ān 5:3): {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} Nagsabi si `Umar: "Nakaalam nga kami ng araw na iyon at lugar na bumaba ito roon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nakatayo sa `Arafah sa araw ng Biyernes."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 45]

Ang pagpapaliwanag

May dumating na isang lalaking kabilang sa mga Hudyo sa Pinuno ng mga Mananampalataya na si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) at nagsabi ito sa kanya: "May talata sa Aklat ninyo na binibigkas ninyo. Kung sakaling bumaba ito sa amin - katipunan ng mga Hudyo - sa kasulatan namin, ang Torah, talaga sanang gumawa kami sa araw na iyon bilang isang pagdiriwang, na magdiriwang kamit nito bilang pasasalamat sa pagpapala ng pagbaba ng dakilang talatang ito." Kaya nagsabi rito si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Aling talata?" Nagsabi ito (Qur'ān 5:3): {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} Nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Nakaalam nga kami sa araw na iyon at lugar na bumaba roon ang marangal na talatang ito sapagkat bumaba nga ito sa araw ng pagdiriwang - ang araw ng Biyernes - sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nakatayo sa `Arafah." Ang dalawang ito ay dalawang dakilang araw sa ganang mga Muslim.

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa taglay ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na pagmamalasakit sa lugar at panahon ng pagbaba ng talata.
  2. Ang talatang ito ay nagsaad ng paglilinaw sa iminabuting-loob ni Allāh (napakataas Siya) sa Kalipunang ito yayamang bumuo Siya ng Relihiyon nito at lumubos Siya ng mga biyaya Niya rito sa punto na hindi ito nangangailangan ng isang karagdagan sa nauukol sa Relihiyon. Kaya ang bawat nauso matapos na bumuo nito si Allāh (napakataas Siya), na anumang walang patunay para rito mula sa Kanya, ay itinuturing na isang bid`ah ng kaligawan, gaya ng pagkapatibay niyon buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan."
  3. Ang ḥadīth na ito ay maaaring magpahinuha na ang mga pagdiriwang ay hindi batay sa pananaw o imbensiyon gaya ng ginawa ng mga Kristiyano at mga Hudyo bago pa natin; ang mga ito ay batay lamang sa Kapahayagan at pagsunod lamang. Kaya ang talatang ito, dahil naglaman ito ng pagkabuo ng Relihiyon at pagkalubos ng biyaya, ay ibinaba ni Allāh sa isang araw na isinabatas Niya bilang isang pagdiriwang sa Kalipunang ito sa dalawang anggulo. Ang una ay na ito ay araw ng pagdiriwang ng isang linggo, ang araw ng Biyernes at ang ikalawa ay na ito ay araw ng pagdiriwang ng mga nakadalo sa okasyon, ang araw ng pinakamalaking pagkatipon nila at pinakadakilang pagkatigil nila [sa `Arafah].
  4. Nagsabi si As-Sa`dīy sa pagpapakahulugan sa talatang ito (Qur'ān 5:3): [Ang pagsakabi ng:] {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo} ay dahil sa pagkalubos ng pag-aadya, pagkabuo ng mga batas na nakalantad at nakakubli, na mga saligan at mga sangay. Dahil dito, ang Qur'ān at ang Sunnah ay nakasasapat nang buong kasapatan sa mga patarakan ng Relihiyon sa mga saligan nito at mga sangay nito. Ang bawat tagapagkunwari ay nag-aakala na walang pagkaiwas sa mga tao sa pag-alam sa mga paniniwala nila at mga patakaran nila sa mga kaalamang hindi kaalaman sa Qur'ān at Sunnah gaya ng `ilmulkalām (teolohiyang pilosopikal) at iba pa rito. Kaya siya ay isang mangmangang na tagapagpawalang-saysay sa pag-aangkin niya. Nag-akala nga siya na ang Relihiyon ay hindi nabubuo kundi sa pamamagitan ng sinabi niya at ipinaaanyaya niya. Ito ay bahagi ng pinakamabigat na kawalang-katarungan at pagpapamangmang kay Allāh at sa Propeta Niya. [Ang sabi ni Allāh na]: {lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko} na nakalantad at nakakubli {at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} ay nangangahulungang: "Pumili Ako nito at humirang Ako nito para sa inyo bilang Relihiyon kung paanong nalugod Ako sa inyo para rito." Kaya isagawa ninyo ito bilang pasasalamat sa Panginoon ninyo at purihin ninyo Siya na nagmabuting-loob sa inyo ng pinakamainam, pinakamarangal, at pinakakumpletong Relihiyon.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الهولندية الغوجاراتية الدرية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin