عَنِ النُّعْمَانِ بْنِ بَشِيرٍ رَضيَ اللهُ عنهُما قَالَ:
كُنْتُ عِنْدَ مِنْبَرِ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ رَجُلٌ: مَا أُبَالِي أَلَّا أَعْمَلَ عَمَلًا بَعْدَ الإِسْلَامِ إِلَّا أَنْ أُسْقِيَ الحَاجَّ، وَقَالَ آخَرُ: مَا أُبَالِي أَلَّا أَعْمَلَ عَمَلًا بَعْدَ الإِسْلَامِ إِلَّا أَنْ أَعْمُرَ المَسْجِدَ الحَرَامَ، وَقَالَ آخَرُ: الجِهَادُ فِي سَبِيلِ اللهِ أَفْضَلُ مِمَّا قُلْتُمْ، فَزَجَرَهُمْ عُمَرُ، وَقَالَ: لَا تَرْفَعُوا أَصْوَاتَكُمْ عِنْدَ مِنْبَرِ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَهُوَ يَوْمُ الجُمُعَةِ، وَلَكِنْ إِذَا صَلَّيْتُ الجُمُعَةَ دَخَلْتُ فَاسْتَفْتَيْتُهُ فِيمَا اخْتَلَفْتُمْ فِيهِ، فَأَنْزَلَ اللهُ عَزَّ وَجَلَّ: {أَجَعَلْتُمْ سِقَايَةَ الْحَاجِّ وَعِمَارَةَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ كَمَنْ آمَنَ بِاللهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ} [التوبة: 19] الآيَةَ إِلَى آخِرِهَا.
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1879]
المزيــد ...
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Ako minsan ay nasa tabi ng pulpito ng Sugo ni Allah (s) saka may nagsabing isang lalaki: "Hindi ako nagbibigay-pinsan na hindi ako gumawa ng isang gawain matapos ng pag-anib sa Islam kundi na magpainom ako sa tagapagsagawa ng hajj." May nagsabing isa pa: "Hindi ako nagbibigay-pinsan na hindi ako gumawa ng isang gawain matapos ng pag-anib sa Islam kundi na magtaguyod ako sa Masjid na Pinakababanal." May nagsabi namang isa pa: "Ang pakikibaka sa landas ni Allah ay higit na mainam kaya sa sinabi ninyo." Kaya napagsalitaan sila ni `Umar at napagsabihan: "Huwag kayong magtaas ng mga tinig ninyo sa tabi ng pulpito ng Sugo ni Allah (s) habang araw ng Biyernes; subalit kapag nakapagdasal ako ng dasal sa Biyernes, pupunta ako saka sasangguni ako sa kanya hinggil sa bagay na nagkaiba-iba kayo." Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng: {Gumawa ba kayo sa [nakatalaga sa] pagpapainom sa tagasagawa ng ḥajj at sa pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal gaya ng sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ...} (Qur'ān 9:19) hanggang sa hulihan nito.}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1879]
Bumanggit si An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allah sa kanilang dalawa) na siya minsan ay nakaupo sa tabi ng pulpito ng Propeta (s) saka nakarinig siya ng isang lalaking nagsasabi: "Hindi ako nagbibigay-pinsan na hindi ako gumawa ng isang gawain matapos na umanib ako sa Islam kundi na magpainom ako sa tagapagsagawa ng hajj." May nagsabing isa pa: "Hindi ako nagbibigay-pinsan na hindi ako gumawa ng isang gawain matapos na umanib ako sa Islam kundi na magtaguyod ako sa Masjid na Pinakababanal." May nagsabi namang isa pa: "Ang pakikibaka sa landas ni Allah ay higit na mainam kaya sa sinabi ninyong dalawa." Kaya napagsalitaan sila ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb laban sa pagtataas ng tinig sa tabi ng pulpito ng Propeta (s) nang umaga ng araw ng Biyernes. Nagsbi siya: "Subalit kapag nakapagdasal ako ng dasal sa Biyernes, pupunta ako saka sasangguni ako sa Propeta (s) hinggil sa bagay na nagkaiba-iba kayo." Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng:
{Gumawa ba kayo sa [nakatalaga sa] pagpapainom sa tagasagawa ng ḥajj at sa pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal gaya ng sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at nakibaka ayon sa landas ni Allāh? Hindi sila nagkakapantay sa ganang kay Allāh. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 9:19)