عَنْ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُما أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَفَاتِحُ الغَيْبِ خَمْسٌ، {إِنَّ اللَّهَ عِنْدَهُ عِلْمُ السَّاعَةِ وَيُنْزِلُ الغَيْثَ وَيَعْلَمُ مَا فِي الأَرْحَامِ وَمَا تَدْرِي نَفْسٌ مَاذَا تَكْسِبُ غَدًا وَمَا تَدْرِي نَفْسٌ بِأَيِّ أَرْضٍ تَمُوتُ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٌ}».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 4627]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
{Ang mg susi ng Nakalingid ay lima: {Tunay na si Allāh ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali. Nagbababa Siya ng ulan at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.}(Qur'ān 31:34)}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 4627]
Ang Nakalingid ay nasa kay Allāh; walang nakaaalam nito kundi Siya. Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga susi ng Nakalingid at ang mga imbakan nito ay lima: Ang Una. Walang nakaaalam kung kailan sasapit ang Huling Sandali kundi si Allah, bilang pagpapahiwatig sa mga kaalaman sa Kabilang-buhay, sapagkat tunay na ang Araw ng Pagbangon ay ang una sa mga ito. Kapag naikaila ang kaalaman sa pinakamalapit, naikakaila ang kaalaman sa anumang matapos nito. Ang Ikalawa. Walang nakaaalam kung kailan darating ang ulan kundi si Allah, bilang pagpapahiwatig sa mga nauukol sa daigdig na pangkaitaasan. Itinangi ang ulan sa kabila na mayroon itong mga kadahilanang maaaring magpahiwatig ng pagkapangyari ng nakahiratian sa pagkaganap nito subalit ito ay walang pagkatiyak at katiyakan. Ang Ikatlo. Ang nasa mga sinapupunan na lalaki o babae, itim o puti, kumpleto o kulang, miserabl o maligaya, at tulad ng mga ito. Itinangin ang sinapupunan sa pagbanggit dahil sa pagiging ang pinakamarami ay nakakikila rito sa karaniwan. Sa kabila niyon, ikinaila na makaalam ang isa sa reyalidad nito kaya ang iba pa rito ay pinakamarapat [na hindi malaman]. Ang Ikaapat. Walang nakaaalam sa mangyayari sa kinabukasan kundi si Allah, bilang pagpapahiwatig sa mga uri ng panahon at anumang nasa mga ito na mga pangyayari. Nagpahayag si Allah sa pamamagitan ng pananalitang "kinabukasan" upang ang reyalidad nito ay maging ang pinakamalapit sa mga panahon. Kapag sa kabila ng kalapitan nito ay hindi nalalaman ang reyalidad ng magaganap dito sa kabila ng pagsasaposibilidad ng palatandaan at tanda, ang anumang matapos nito ay higit na marapat [na hindi malaman]. Ang Ikalima. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay, bilang pagpapahiwatig sa mga nauukol sa daigdig na pangkababaan. Sa kabila na ang nakahiratian ng pinakamarami sa mga tao na mamatay sa sariling bayan subalit iyon ay hindi [buong] reyalidad; bagkus kung sakaling namatay ang tao sa bayan niya, hindi nalalaman kung sa aling pook siya ililibing mula roon, kahit pa man doon ay may isang sementeryo ng mga ninuno niya. {Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid}, na Nakasasaklaw sa mga nakalantad, mga nakatago, mga nakakubli, mga nakasekreto, at mga lihim. Kaya nagtipon ang talata ng mga uri ng mga nakalingid at nag-alis ng lahat ng mga tiwaling pag-aangkin.