Ang kategorya:
+ -

عَنْ أَبِي يَعْلَى شَدَّادِ بْنِ أَوْسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنْ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّ اللهَ كَتَبَ الْإِحْسَانَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ، فَإِذَا قَتَلْتُمْ فَأَحْسِنُوا القِتْلَةَ، وَإِذَا ذَبَحْتُمْ فَأَحْسِنُوا الذِّبْحَةَ، وَلْيُحِدَّ أَحَدُكُمْ شَفْرَتَهُ، وَلْيُرِحْ ذَبِيحَتَهُ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [الأربعون النووية: 17]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Ya`lā Shaddād bin Aws (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Tunay na si Allāh ay nag-obliga ng pagpapahusay sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo ay magpahusay kayo sa paraan ng pagpatay at kapag kumatay kayo ay magpahusay kayo sa paraan ng pagkatay. Humasa ang isa sa inyo ng patalim niya at magpaginhawa siya sa kakatayin niya."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [الأربعون النووية - 17]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nag-obliga sa atin ng paggawa ng maganda sa lahat ng mga bagay. Ang paggawa ng maganda ay ang pagsasaalang-alang kay Allāh palagi sa pagsamba sa Kanya at sa pagkakaloob ng kabutihan at pagpigil ng perhuwisyo sa mga nilikha. Kabilang doon ang paggawa ng maganda sa pagpatay at pagkatay.
Ang paggawa ng maganda sa pagpatay ay sa sandali ng ganting-pinsala sa pamamagitan ng pagpili ng pinakamadali sa mga pamamaraan, pinakamagaan sa mga ito, at pinakamabilis sa mga ito sa pagpaslang sa papatayin.
Ang paggawa ng maganda sa pagkatay ay sa sandali ng pagkatay ng hayop sa pamamagitan ng pagpapakabanayad sa hayop sa pamamagitan ng paghahasa ng kasangkapan, na hindi maghasa nito sa harap ng kakatayin habang ito ay nakatingin sa patalim, at na hindi magkatay nito habang doon ay may mga hayop na nakatingin sa kakatayin.

من فوائد الحديث

  1. Ang awa ni Allāh at ang kabaitan Niya sa nilikha.
  2. Ang paggawa ng maganda sa pagpatay at pagkatay ay sa pamamagitan ng pagiging ito ay alinsunod sa paraang isinasabatas.
  3. Ang kalubusan ng Batas ng Islām at ang pagkasaklaw nito sa bawat kabutihan. Kabilang doon ang pagkaawa sa hayop at ang kabanayaran dito.
  4. Ang pagsaway laban sa pagluray sa tao matapos ng pagkapatay rito.
  5. Ang pagbabawal sa bawat anumang may pagpapasakit sa hayop.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano الأمهرية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga المجرية التشيكية الموري الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin
Ang mga kategorya
Ang karagdagan