Ang kategorya:
+ -

عَنْ أَبِي العَبَّاسِ، عَبْدِ الله بْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ: كُنْت خَلْفَ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَوْمًا، فَقَالَ:
«يَا غُلَامِ! إنِّي أُعَلِّمُك كَلِمَاتٍ: احْفَظِ اللَّهَ يَحْفَظْكَ، احْفَظِ الله تَجِدْهُ تُجَاهَكَ، إذَا سَأَلْتَ فَاسْأَلِ اللهَ، وَإِذَا اسْتَعَنْتَ فَاسْتَعِنْ بِاَللهِ، وَاعْلَمْ أَنَّ الأُمَّةَ لَوْ اجْتَمَعَتْ عَلَى أَنْ يَنْفَعُوكَ بِشَيْءٍ لَمْ يَنْفَعُوكَ إلَّا بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللَّهُ لَكَ، وَإِنِ اجْتَمَعُوا عَلَى أَنْ يَضُرُّوكَ بِشَيْءٍ لَمْ يَضُرُّوكَ إلَّا بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللَّهُ عَلَيْكَ؛ رُفِعَتِ الأَقْلَامُ، وَجَفَّتِ الصُّحُفُ». وَفِي رِوَايَةِ غَيْرِ التِّرْمِذِيِّ: «احْفَظِ اللهَ تَجِدْهُ أَمَامَكَ، تَعَرَّفْ إلَى اللهِ فِي الرَّخَاءِ يَعْرِفْكَ فِي الشِّدَّةِ، وَاعْلَمْ أَنَّ مَا أَخْطَأَكَ لَمْ يَكُنْ لِيُصِيبَكَ، وَمَا أَصَابَك لَمْ يَكُنْ لِيُخْطِئَكَ، وَاعْلَمْ أَنَّ النَّصْرَ مَعَ الصَّبْرِ، وَأَنْ الفَرَجَ مَعَ الكَرْبِ، وَأَنَّ مَعَ العُسْرِ يُسْرًا».

[صحيح] - [رواه الترمذي وغيره] - [الأربعون النووية: 19]
المزيــد ...

Ayon kay Abu Al-`Abbās `Abdillāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ako minsan ay nasa likuran ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nagsabi siya:
"O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Magmaalalahanin ka kay Allāh, magmamaalalahanin Siya sa iyo. Magmaalalahanin ka kay Allāh, makatatagpo ka sa Kanya sa dako mo. Kapag humiling ka, humiling ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh. Alamin mo na ang kalipunan, kung sakaling nagkabuklod ito na magpakinabang sa iyo ng isang bagay, hindi sila makapagpapakinabang sa iyo kundi ng isang bagay na itinakda na ni Allāh para sa iyo; at kung nagkabuklod sila na puminsala sa iyo ng isang bagay, hindi sila makapipinsala sa iyo kundi ng isang bagay na itinakda na ni Allāh laban sa iyo. Iniangat ang mga panulat at natuyo ang mga kalatas."}

[Tumpak] -

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanya) na noong siya ay isang bata pa na nakasakay kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga usapin at mga bagay na magpapakinabang sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng mga ito: Magmaalalahanin ka kay Allāh sa pamamagitan ng pagmamaalalahanin sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, kung saan makatatagpo Siya sa iyo sa mga pagtalima at mga pagpapakalapit-loob at hindi Siya makatatagpo sa iyo sa mga pagsuway at mga kasalanan. Kung ginawa mo iyon, ang ganti sa iyo ay na magmaalalahanin sa iyo si Allāh laban sa mga kinasusuklaman sa Mundo at Kabilang-buhay at mag-adya Siya sa iyo sa mga gawain mo saan ka man dumako. Kapag nagnais ka na humingi ng isang bagay, huwag kang humingi kundi kay Allāh sapagkat tunay na Siya – tanging Siya – ang tumutugon sa mga humihingi. Kapag nagnais ka ng tulong, huwag kang magpatulong kundi kay Allāh. Magkaroon sa iyo ng isang katiyakan na walang mangyayari para sa iyo na isang kapakinabangan kahit pa man nagkabuklod sa pagpapakinabang sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitala ni Allāh para sa iyo at walang mangyayari laban sa iyo na isang kapinsalaan kahit pa man nagkabuklod sa pagpinsala sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitakda ni Allāh laban sa iyo. Ang bagay na ito ay naitala na ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at naitakda na Niya alinsunod sa hiniling ng karunungan Niya at kaalaman Niya. Walang pagpapalit sa naitala ni Allāh. Ang sinumang nagmaalalahanin kay Allāh sa pamamagitan ng pagmamaalalahanin sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, tunay na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay nasa harapan ng lingkod, na nakaaalam sa anumang nasa kanya, nag-aadya sa kanya, at umaalalay sa kanya. Ang tao, kapag tumalima siya kay Allāh sa kaalwanan, ay tunay na si Allāh ay gagawa para sa kanya sa sandali ng kagipitan ng isang pagkagalak at isang malalabasan [sa kagipitan]. Malugod ang bawat tao sa anumang itinakda ni Allāh sa kanya na kabutihan o kasamaan. Sa kabila ng mga kagipitan at mga pagsubok, mananatili ang tao sa pagtitiis sapagkat tunay na ang pagtitiis ay susi ng pagkagalak. Ang dalamhati, kapag tumindi ito, ay dumarating ang pagkagalak mula kay Allāh. Ang hirap, kapag nangyari ito, ay pinasusundan ni Allāh ng ginhawa.

من فوائد الحديث

  1. Ang dakilang nagagalak na balita ay na ang tao, kapag dumapo sa kanya ang hirap, ay maghintay siya ng ginhawa.
  2. Ang pagpapalubag-loob sa tao sa sandali ng pagkatamo ng kasawian at pagkaalpas ng naiibigan ay nasaad sa sabi niya: "Alamin mo na ang anumang tumama sa iyo ay hindi naging ukol magmintis sa iyo at ang anumang nagmintis sa iyo ay hindi naging ukol tumama sa iyo." Ang unang sugnay ay pagpapalubag-loob sa pagkatamo ng kinasusuklaman at ang ikalawa ay pagpapalubag-loob sa pagkaalpas ng naiibigan.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Pushto Asami Albaniyano الأمهرية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga المجرية التشيكية الموري الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin
Ang mga kategorya
Ang karagdagan