عَنْ أَبِي سَعِيدٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ:
اعْتَكَفَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي المَسْجِدِ، فَسَمِعَهُمْ يَجْهَرُونَ بِالقِرَاءَةِ، فَكَشَفَ السِّتْرَ، فَقَالَ: «أَلَا إِنَّ كُلَّكُمْ مُنَاجٍ رَبَّهُ، فَلَا يُؤْذِيَنَّ بَعْضُكُمْ بَعْضًا، وَلَا يَرْفَعْ بَعْضُكُمْ عَلَى بَعْضٍ فِي القِرَاءَةِ»، أَوْ قَالَ: «فِي الصَّلَاةِ».
[صحيح] - [رواه أبو داود] - [سنن أبي داود: 1332]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagsagawa ng i`tikāf ang Sugo ni Allah (basbasan siya ni Allah at pangalagaan) sa masjid saka nakarinig siya sa kanila na nagpapalakas ng pagbigkas kaya hinawi niya ang pantakip saka nagsabi: "Pansinin, tunay na ang bawat isa sa inyo ay nakikipagniig sa Panginoon niya. Kaya huwag ngang mamerhuwisyo ang iba sa inyo sa iba at huwag mag-angat ang iba sa inyo higit sa iba sa pagbigkas." o nagsabi siya: "... sa pagdarasal."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud] - [سنن أبي داود - 1332]
Ang Propeta minsan (s) ay nanatili, na nagsasagawa ng i`tikāf sa kubol sa loob ng masjid niya para sa pagpapakalapit-loob kay Allah. Nakarinig ang Propeta (s) sa mga Kasamahan niya na nagpapalakas ng pagbigkas ng Qur'an nang pagpapalakas na matinding napeperhuwisyo dahil dito ang isa't isa sa kanila. Kaya hinawi niya ang pantakip sa kubol, sinisi niya ang gumawa niyon, at pinagsabihin niya ito saka nagsabi: "Tunay na ang lahat sa inyo ay nakikipagniig sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagbigkas ng Qur'an. Kaya huwag ngang mamerhuwisyo ang iba sa inyo sa iba at huwag mag-angat ang iba sa inyo ng tinig niya higit sa iba sa pagbigkas o sa pagdarasal."