عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مِنْ حُسْنِ إِسْلَامِ المَرْءِ تَرْكُهُ مَا لَا يَعْنِيهِ».
[قال النووي: حديث حسن] - [رواه الترمذي وغيره] - [الأربعون النووية: 12]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Bahagi ng kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng tao ang pag-iwan niya ng anumang hindi pumapatungkol sa kanya."
-
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bahagi ng kakumpletuhan ng mga kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng Muslim at kalubusan ng pananampalataya niya ang paglayo niya sa anumang hindi pumapatungkol sa kanya, hindi natatangi sa kanya, hindi minamahalaga sa kanya, at hindi nagbebenepisyo sa kanya na mga sinasabi at mga ginagawa, o kabilang sa anumang hindi pumapatungkol sa kanya mula sa mga nauukol sa buhay panrelihiyon at buhay o. Ang pagpapakaabala sa anumang hindi ukol sa tao ay marahil aabala sa kanya palayo sa nauukol sa kanya o magpapahantong sa kanya tungo sa kinakailangang iwasan. Tunay na ang tao ay tatanungin tungkol sa mga gawain niya sa Araw ng Pagbangon.