عن أبي أمامة الباهلي رضي الله عنه قال: سمعتُ رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«اقرؤوا القرآنَ فإنَّه يأتي يوم القيامة شَفِيعًا لأصحابه، اقرؤوا الزَّهرَاوَين البقرةَ وسورةَ آل عِمران، فإنهما تأتِيان يوم القيامة كأنهما غَمَامَتان، أو كأنهما غَيَايَتانِ، أو كأنهما فِرْقانِ من طَيْر صَوافٍّ، تُحاجَّان عن أصحابهما، اقرؤوا سورة البقرة، فإن أخذها بَرَكة، وتركها حَسْرة، ولا تستطيعها البَطَلَة».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 804]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Bigkasin ninyo ang Qur'ān sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagbangon bilang mapagpamagitan sa mga tagatangkilik nito. Bigkasin ninyo ang dalawang makinang: ang Kabanatang Al-Baqarah at ang Kabanatang Āl `Imrān sapagkat tunay na ang dalawang ito ay darating sa Araw ng Pagbangon na para bang ang dalawang ito ay dalawang ulap o para bang ang dalawang ito ay dalawang lilim o para bang ang dalawang ito ay dalawang kawan ng mga ibong na mga nakahanay na makikipangatwiran para sa mga tagatangkilik ng dalawang ito. Bigkasin ninyo ang Kabanatang Al-Baqarah sapagkat tunay na ang paghawak dito ay biyaya at ang pag-iwan dito ay isang panghihinayang. Hindi nakakakaya rito ang mga manggagaway."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 804]
Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapamalagi ng pagbigkas ng Qur'ān sapagkat tunay na ito ay mamamagitan sa Araw ng Pagbangon para sa mga tagabigkas nito, na gumagawa ayon dito. Pagkatapos nagbigay-diin siya sa pagbigkas ng Kabanatang Al-Baqarah at Kabanatang Āl `Imrān at tumawag sa dalawang ito bilang ang dalawang makinang na tagapagbigay-liwanag dahil sa liwanag ng dalawang ito at kapatnubayan ng dalawang ito. Ang pabuya at ang gantimpala sa pagbigkas sa dalawang ito, pagninilay-nilay sa mga kahulugan ng dalawang ito, at paggawa ayon sa nasaad sa dalawang ito ay darating sa Araw ng Pagbangon gaya ng dalawang ulap o iba pa sa dalawang ito o para bang ang dalawang ito ay dalawang pangkat ng mga ibon habang naglaladlad ng mga pakpak ng mga ito habang nagkakarugtong sa isa't isa sa mga ito, na naglilim sa tagatangkilik ng dalawang ito at nagtatanggol para rito. Pagkatapos nagbigay-diin siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapatuloy sa pagbigkas ng Kabanatang Al-Baqarah, pagnilay-nilay sa mga kahulugan nito, at paggawa ayon sa nasaad dito. Iyon may dulot na pagpapala at dakilang kapakinabangan sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang pagwaksi niyon ay may dulot na panghihinayang at pagsisisi sa Araw ng Pagbangon. Kabilang sa kainaman ng Kabanatang ito ay na ang mga manggagaway ay hindi nakakakaya sa na maminsala sa sinumang bumibigkas nito.