عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صلَّى اللَّهُ عليْه وسلَّمَ، قَالَ:
«إِذَا أُقِيمَتِ الصَّلَاةُ فَلَا صَلَاةَ إلَّا المَكْتُوبَةُ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 710]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh, walang ṣalāh kundi ang iniatas."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [Ṣaḥīḥ Muslim - 710]

Ang pagpapaliwanag

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nasa masjid na magsimula sa isang kinukusang-loob na ṣalāh matapos ng pagkasagawa ng iqāmah ng ṣalāh na isinatungkulin.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng kinukusang-loob na ṣalāh kapag isasagawa na ang ṣalāh na tungkulin kapag nasa loob ng masjid.
  2. Ang pagsaway laban sa pagsisimula ng isang kinukusang-loob na ṣalāh matapos ng pagkasagawa ng iqāmah ng ṣalāh, maging ito man ay isang karaniwang kusang-loob na ṣalāh gaya ng sunnah para sa ṣalāh sa fajr at ḍ̆uhr o iba pa rito.
  3. Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh habang siya ay nasa pagsasagawa ng kinukusang-loob na ṣalāh, saka kung may natira mula rito na maiksi kaysa sa isang rak`ah, maglulubos siya nito at kung hindi ay puputulin niya ito nang sa gayon makaabot siya kainaman ng pagsasagawa ng takbīr ng pagpapasimula ng ṣalāh.
Paglalahad ng mga salin
Ang Wika: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang karagdagan (21)
Ang karagdagan