Ang kategorya:
+ -

عَنْ أَبِي نَجِيحٍ العِرْبَاضِ بْنِ سَارِيَةَ رضي الله عنه قَالَ: وَعَظَنَا رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ مَوْعِظَةً وَجِلَتْ مِنْهَا القُلُوبُ، وَذَرَفَتْ مِنْهَا العُيُونُ، فَقُلْنَا: يَا رَسُولَ اللهِ! كَأَنَّهَا مَوْعِظَةُ مُوَدِّعٍ؛ فَأَوْصِنَا، قَالَ:
«أُوصِيكُمْ بِتَقْوَى اللَّهِ، وَالسَّمْعِ وَالطَّاعَةِ، وَإِنْ تَأَمَّرَ عَلَيْكُمْ عَبْدٌ، فَإِنَّهُ مَنْ يَعِشْ مِنْكُمْ بَعْدِي فَسَيَرَى اخْتِلَافًا كَثِيرًا، فَعَلَيْكُمْ بِسُنَّتِي وَسُنَّةِ الخُلَفَاءِ الرَّاشِدِينَ المَهْدِيينَ، عَضُّوا عَلَيْهَا بِالنَّوَاجِذِ، وَإِيَّاكُمْ وَمُحْدَثَاتِ الأُمُورِ؛ فَإِنَّ كُلَّ بِدْعَةٍ ضَلَالَةٌ».

[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي] - [الأربعون النووية: 28]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Najīḥ Al-`Irbāḍ bin Sāriyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nangaral sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pangaral, na nasindak dito ang mga puso at tumulo dahil dito ang mga mata. Kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, para bang ito ay isang pangaral ng isang namamaalam kaya magtagubilin ka po sa amin." Nagsabi siya:
"Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh, at pagdinig at pagtalima kahit pa namuno sa inyo ang isang alipin. Tunay na ang sinumang mamumuhay [nang matagal] kabilang sa inyo ay makakikita ng maraming pagkakaiba-iba. Kaya naman manatili kayo sa sunnah ko at sunnah ng mga Matinong Nagabayang Khalīfah at kumagat kayo rito ng mga bagang [ninyo]. Kaingat kayo sa mga pinauso sa mga bagay-bagay sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan ..."}

[Tumpak] - [رواه أبو داود والترمذي] - [الأربعون النووية - 28]

Ang pagpapaliwanag

Nangaral ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya ng isang marubdob na pangaral na nangamba rito ang mga puso at lumuha dahil dito ang mga mata. Kaya nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, para bang iyan ay isang pangaral ng isang namamaalam." Dahil ito sa nakita nila na pagpapasidhi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pangangaral kaya humiling sila ng isang tagubilin upang kapitan nila matapos niya. Nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – at iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga kinakailangan at pag-iwan sa mga ipinagbabawal – at ng pagdinig at pagtalima – ibig sabihin: sa mga pinuno – kahit pa namuno sa inyo ang isang alipin o namahala ito sa inyo. Ibig sabihin: ang pinakamababang nilikha ay naging pinuno sa inyo. Kaya huwag kayong mangmata niyon at tumalima kayo sa kanya, dala ng pangamba ng pagpukaw ng mga sigalot sapagkat tunay na ang sinumang mamumuhay kabilang sa inyo ay makakikita ng maraming pagkakaiba-iba. Pagkatapos nilinaw niya sa kanila ang labasan mula sa pagkakaiba-ibang ito. Iyon ay sa pamamagitan ng pagkapit sa Sunnah niya at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah noong matapos niya, na sina Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, `Umar bin `Al-Khaṭṭāb, `Uthmān bin `Affān, at `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanilang lahat), at ng pagkagat dito ng mga bagang-bait – ibig sabihin: ang mga huling bagang. Ipinakakahulugan sa pamamagitan niyon ang pagseseryoso sa pananatili sa Sunnah at pagkapit dito. Nagbigay-babala siya laban sa mga pinausong ginawang bid`ah na gawain sa Relihiyong Islām sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan.

من فوائد الحديث

  1. Ang kahalagahan ng pagkapit sa Sunnah at pagsunod dito.
  2. Ang pagmamalasakit sa mga pangaral at ang pagpapalambot ng mga puso.
  3. Ang utos ng pagsunod sa Apat na Matinong Napatnubayang Khalīfah noong matapos niya. Sila ay sina Abū Bakr, `Umar, `Uthmān, at `Alīy (malugod si Allāh sa kanila).
  4. Ang pagsaway laban sa paggawa ng bid`ah sa Relihiyon at na ang lahat ng mga bid`ah ay kaligawan.
  5. Ang pagdinig at ang pagtalima sa sinumang bumabalikat sa pamamahala sa mga mananampalataya sa isang hindi pagsuway.
  6. Ang kahalagahan ng pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa lahat ng mga oras at mga kalagayan.
  7. Ang pagkakaiba-iba ay nagaganap sa Kalipunang ito. Sa sandali ng pangyayari nito, inoobliga ang pagbalik sa Sunnah ng Sugo ni Allāh at mga Matinong Khalīfah.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano الأمهرية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الليتوانية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga المجرية التشيكية الموري Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin
Ang mga kategorya
Ang karagdagan