1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Ḥadīth Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan

عَنْ أُمِّ المُؤْمِنِينَ أُمِّ عَبْدِ اللَّهِ عَائِشَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهَا، قَالَتْ: قَالَ: رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّم:
«مَنْ أَحْدَثَ فِي أَمْرِنَا هَذَا مَا لَيْسَ مِنْهُ فَهُوَ رَدٌّ». وَفِي رِوَايَةٍ لِمُسْلِمٍ: «مَنْ عَمِلَ عَمَلًا لَيْسَ عَلَيْهِ أَمْرُنَا فَهُوَ رَدٌّ».

Ayon sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan."} Sa isang salaysay batay kay Imām Muslim: "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang utos namin, ito ay tatanggihan."

Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim Al-Arba`ūn An-Nawawīyah - 5

Ang Pagbibigay-linaw

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang umimbento sa Relihiyon o gumawa ng isang gawaing hindi pinatutunayan ng isang patunay mula sa Qur'ān at Sunnah, iyon ay ibabalik sa tagagawa nito, hindi tatanggapin sa ganang kay Allāh.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang mga pagsamba ay nakabatay sa nasaad sa Qur'ān at Sunnah. Kaya naman hindi tayo sumasamba kay Allāh malibang sa pamamagitan ng isinabatas Niya, hindi sa pamamagitan ng mga bid`ah at mga pinauso.
  2. Ang Relihiyong Islām ay hindi sa pamamagitan ng opinyon at pagmamagaling. Ito lamang ay sa pamamagitan ng pagsunod sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  3. Ang ḥadīth na ito isang patunay sa kalubusan ng Relihiyong Islām.
  4. Ang bid`ah ay ang bawat pinauso kaugnay sa Relihiyon samantalang hindi ito umiral sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya, na anumang paniniwala o sinasabi o ginagawa.
  5. Ang ḥadīth na ito ay isang saligan kabilang sa mga saligan ng Islām. Ito ay gaya ng timbangan para sa mga gawa. Kaya kung paanong ang bawat gawain na hindi ninais dito ang kaluguran ng mukha ni Allāh (napakataas Siya), walang ukol sa tagagawa nito kaugnay roon na gantimpala. Kaya gayundin ang bawat gawa na hindi alinsunod sa inihatid ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ito ay tatanggihan sa tagagawa nito.
  6. Ang ḥadīth ay isang panuntunan sa pagtulak sa mga bid`ah na ipinauso at nakasasamang pangyayari.
  7. Ang mga pinausong sinasaway ay ang anumang kabilang sa mga nauukol sa Relihiyon at hindi sa pangmundong buhay.

Ang Paglalahad ng mga Salin

58 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
DA Dansk الدنماركية
RN Kirundi الكيروندي
KMR Kurmancî الكرمنجية
MS Bahasa Melayu الملايو