عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قِيلَ: يَا رَسُولَ اللهِ ادْعُ عَلَى المُشْرِكِينَ قَالَ:
«إِنِّي لَمْ أُبْعَثْ لَعَّانًا، وَإِنَّمَا بُعِثْتُ رَحْمَةً».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2599]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Sinabi: "O Sugo ni Allāh, manalangin ka laban sa mga tagapagtambal." Nagsabi siya:
"Tunay na ako ay hindi ipinadala bilang palasumpa. Ipinadala lamang ako bilang awa."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2599]
Hiniling sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na manalangin siya laban sa mga tagapagtambal kay Allāh. Kaya nagsabi siya: "Hindi ako ipinadala at isinugo ni Allāh bilang palasumpa, na nananalangin laban sa mga tao ng pagpapalayo at pagtataboy mula sa awa ni Allāh para makaputol ako sa kanila sa kabutihan. Tunay na ako ay hindi ipinadala dahil sa ganito. Ipinadala lamang ako upang ako ay maging isang kadahilanan ng kabutihan at awa sa mga tao sa pangkalahatan at sa mga mananampalataya lalo na."