+ -

عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الْخُدْرِيِّ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَنَّهُ قَالَ:
«لَا يَمْنَعَنَّ رَجُلًا مِنْكُمْ مَخَافَةُ النَّاسِ أَنْ يَتَكَلَّمَ بِالْحَقِّ إِذَا رَآهُ أَوْ عَلِمَهُ».

[صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد] - [مسند أحمد: 11403]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Huwag ngang pipigil sa isang taong kabilang sa inyo ang pangangamba sa mga tao na magsalita siya hinggil sa totoo kapag nakita niya ito o nalaman niya ito."}

[Tumpak] - - [مسند أحمد - 11403]

Ang pagpapaliwanag

Nagtalumpati ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya. Kabilang sa itinagubilin niya na hindi pumigil sa Muslim ang pangamba at ang panghihilakbot sa mga tao at kapangyarihan nila na magwaksi siya ng pagsasabi ng totoo o pag-uutos nito kapag nakita niya ito o nalaman niya ito.

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa paglalantad ng totoo at hindi pagkukubli nito dala ng pangamba sa mga tao.
  2. Ang pagsasabi ng totoo ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng pagsunod sa etiketa sa pamamaraan ng pagsabi nito o sa karunungan at magandang pangaral dito.
  3. Ang pagkakinakailangan ng pagmamasama sa nakasasama at ang pag-uuna sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya) higit sa mga kapakanan ng mga tao, na kumukontra sa kanya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Sinhala Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin