+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«قَالَ اللَّهُ عَزَّ وَجَلَّ: يُؤْذِينِي ابْنُ آدَمَ يَسُبُّ الدَّهْرَ وَأَنَا الدَّهْرُ، بِيَدِي الأَمْرُ أُقَلِّبُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 4826]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): Namemerhuwisyo sa Akin ang anak ni Adan habang inaalipusta niya ang panahon samantalang Ako ay ang Panahon; nasa kamay Ko ang kautusan, na nagpapasalit-salit Ako ng gabi at maghapon."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 4826]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsasabi sa banal na ḥadīth: "Namemerhuwisyo sa Akin at nangmamata sa Akin ang tao na nang-aalipusta at namumula sa panahon sa sandali ng pagbaba ng mga kasawiang-palad at mga kinasusuklaman." Ito ay dahil Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Tagapangasiwa – tanging Siya – at ang Tagapatnugot sa anumang nangyayari. Kaya ang pag-alipusta sa Panahon ay isang pag-alipusta kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang panahon ay isang nilikhang pinagsisilbi lamang, na nagaganap dito ang mga nangyayari ayon sa utos ni Allāh (napakataas Siya).

من فوائد الحديث

  1. Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa isinasalaysay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Panginoon niya at tinatawag na banal o pandiyos na ḥadīth. Ito ay ang ḥadīth na ang pananalita nito at ang kahulugan nito ay mula kay Allāh, gayon pa man wala rito ang mga kakanyahan ng Qur'ān na ikinabukod nito sa iba gaya ng pagpapakamananamba sa pagbigkas nito, pagsasagawa ng kadalisayan para rito, paghahamon nito, paghihimala, at iba pa rito.
  2. Ang Pagpapakamagalang kay Allāh (Kaluwalhatian sa Kanya) sa Salita at Paniniwala
  3. Ang pagkakinakailangan ng pananampalataya sa pagtatadhana at pagtatakda at ang pagtitiis sa perhuwisyo.
  4. Ang perhuwisyo ay hindi kapinsalaan sapagkat ang tao ay napeperhuwisyo ng pagkarinig ng pangit o pagkapanood nito subalit siya ay hindi napipinsala niyon. Gayundin, napeperhuwisyo siya sa masangsang na amoy gaya ng sibuyas at bawang at hindi naman siya napipinsala dahil doon.
  5. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay napeperhuwisyo ng ilan sa mga masagwang gawain ng mga lingkod Niya subalit Siya (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan) ay hindi napipinsala niyon, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya) sa banal na ḥadīth: "O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay hindi makaaabot sa pagpinsala sa Akin para makapinsala kayo sa Akin at hindi makaaabot sa pagpakinabang sa Akin para makapagpakinabang kayo sa Akin."
  6. Ang pag-alipusta sa panahon at ang paglalarawan dito ay nababahagi sa tatlong bahagi: 1. Na alipustain niya ang panahon sa pagiging ito ay ang tagagawa at na ang panahon ay ang nagpapasalit-salit sa mga bagay-bagay sa kabutihan at kasamaan! Ito ay Malaking Shirk dahil siya ay naniwala na kasama kay Allāh ay may isang tagalikha at dahil siya ay nag-ugnay ng pagpapairal ng mga nangyayari sa iba pa kay Allāh. 2. Na alipustain niya ang panahon hindi dahil sa paniniwala niya na ito ay ang tagagawa; bagkus naniniwala siya na si Allāh ay ang Tagagawa subalit inaalipusta niya ito dahil ito ay kinalalagyan ng bagay na kinasusuklamang ito sa ganang kanya. Ito ay ipinagbabawal. 3. Na pinapakay niya ang payak na kabutihan nang walang paninisi. Ito ay pinapayagan. Kabilang dito ang sabi ni Lot (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): {at nagsabi: "Ito ay isang araw na nakaririndi." } (Qur'ān: 11:77)
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Sinhala Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Telugu Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية Luqadda malgaashka الجورجية المقدونية الماراثية
Paglalahad ng mga salin