عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضيَ اللهُ عنهُما قَالَ: مَرَرْنَا مَعَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَلَى الْحِجْرِ، فَقَالَ لَنَا رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَا تَدْخُلُوا مَسَاكِنَ الَّذِينَ ظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ، إِلَّا أَنْ تَكُونُوا بَاكِينَ؛ حَذَرًا أَنْ يُصِيبَكُمْ مِثْلُ مَا أَصَابَهُمْ» ثُمَّ زَجَرَ فَأَسْرَعَ حَتَّى خَلَّفَهَا.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2980]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Naparaan kami kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥijr kaya nagsabi sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag kayong pumasok sa mga tirahan ng mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila maliban na kayo ay maging mga umiiyak, bilang pag-iingat na tumama sa inyo ang tulad ng tumama sa kanila." Pagkatapos nagbunsod siya [sa sinasakyan] kaya nagmabilis siya hanggang sa nag-iwan siya niyon.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2980]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong naparaan siya sa mga tahanan ng Thamūd, laban sa pagpasok sa mga tahanan ng mga pinagdusa na lumabag sa katarungan sa mga sarili nila o laban sa pagpunta roon, maliban na ang pumapasok ay umiiyak na napangangaralan dahil sa kanila, dala ng takot na tumama sa kanya ang tulad ng tumama sa kanila na pagdurusa. Pagkatapos sumigaw siya sa sasakyang hayop niya kaya nagmabilis siya dahil dito hanggang sa nakalampas siya roon.