عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤْمِنِينَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْها أَنَّهَا قَالَتْ:
أَوَّلُ مَا بُدِئَ بِهِ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ مِنَ الوَحْيِ الرُّؤْيَا الصَّالِحَةُ فِي النَّوْمِ، فَكَانَ لاَ يَرَى رُؤْيَا إِلَّا جَاءَتْ مِثْلَ فَلَقِ الصُّبْحِ، ثُمَّ حُبِّبَ إِلَيْهِ الخَلاَءُ، وَكَانَ يَخْلُو بِغَارِ حِرَاءٍ فَيَتَحَنَّثُ فِيهِ -وَهُوَ التَّعَبُّدُ- اللَّيَالِيَ ذَوَاتِ العَدَدِ قَبْلَ أَنْ يَنْزِعَ إِلَى أَهْلِهِ، وَيَتَزَوَّدُ لِذَلِكَ، ثُمَّ يَرْجِعُ إِلَى خَدِيجَةَ فَيَتَزَوَّدُ لِمِثْلِهَا، حَتَّى جَاءَهُ الحَقُّ وَهُوَ فِي غَارِ حِرَاءٍ، فَجَاءَهُ المَلَكُ فَقَالَ: اقْرَأْ، قَالَ: «مَا أَنَا بِقَارِئٍ» قَالَ: «فَأَخَذَنِي فَغَطَّنِي حَتَّى بَلَغَ مِنِّي الجَهْدَ ثُمَّ أَرْسَلَنِي، فَقَالَ: اقْرَأْ، قُلْتُ: مَا أَنَا بِقَارِئٍ، فَأَخَذَنِي فَغَطَّنِي الثَّانِيَةَ حَتَّى بَلَغَ مِنِّي الجَهْدَ ثُمَّ أَرْسَلَنِي، فَقَالَ: اقْرَأْ، فَقُلْتُ: مَا أَنَا بِقَارِئٍ، فَأَخَذَنِي فَغَطَّنِي الثَّالِثَةَ ثُمَّ أَرْسَلَنِي، فَقَالَ: {اقْرَأْ بِاسْمِ رَبِّكَ الَّذِي خَلَقَ خَلَقَ الإِنْسَانَ مِنْ عَلَقٍ اقْرَأْ وَرَبُّكَ الأَكْرَمُ}»، [العلق:1-3] فَرَجَعَ بِهَا رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَرْجُفُ فُؤَادُهُ، فَدَخَلَ عَلَى خَدِيجَةَ بِنْتِ خُوَيْلِدٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهَا، فَقَالَ: «زَمِّلُونِي، زَمِّلُونِي» فَزَمَّلُوهُ حَتَّى ذَهَبَ عَنْهُ الرَّوْعُ، فَقَالَ لِخَدِيجَةَ وَأَخْبَرَهَا الخَبَرَ: «لَقَدْ خَشِيتُ عَلَى نَفْسِي» فَقَالَتْ خَدِيجَةُ: كَلَّا وَاللَّهِ مَا يُخْزِيكَ اللَّهُ أَبَدًا، إِنَّكَ لَتَصِلُ الرَّحِمَ، وَتَحْمِلُ الكَلَّ، وَتَكْسِبُ المَعْدُومَ، وَتَقْرِي الضَّيْفَ، وَتُعِينُ عَلَى نَوَائِبِ الحَقِّ، فَانْطَلَقَتْ بِهِ خَدِيجَةُ حَتَّى أَتَتْ بِهِ وَرَقَةَ بْنَ نَوْفَلِ بْنِ أَسَدِ بْنِ عَبْدِ العُزَّى، ابْنَ عَمِّ خَدِيجَةَ، وَكَانَ امْرَأً تَنَصَّرَ فِي الجَاهِلِيَّةِ، وَكَانَ يَكْتُبُ الكِتَابَ العِبْرَانِيَّ، فَيَكْتُبُ مِنَ الإِنْجِيلِ بِالعِبْرَانِيَّةِ مَا شَاءَ اللَّهُ أَنْ يَكْتُبَ، وَكَانَ شَيْخًا كَبِيرًا قَدْ عَمِيَ، فَقَالَتْ لَهُ خَدِيجَةُ: يَا ابْنَ عَمِّ، اسْمَعْ مِنَ ابْنِ أَخِيكَ، فَقَالَ لَهُ وَرَقَةُ: يَا ابْنَ أَخِي، مَاذَا تَرَى؟ فَأَخْبَرَهُ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ خَبَرَ مَا رَأَى، فَقَالَ لَهُ وَرَقَةُ: هَذَا النَّامُوسُ الَّذِي نَزَّلَ اللَّهُ عَلَى مُوسَى، يَا لَيْتَنِي فِيهَا جَذَعًا، لَيْتَنِي أَكُونُ حَيًّا إِذْ يُخْرِجُكَ قَوْمُكَ، فَقَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «أَوَ مُخْرِجِيَّ هُمْ؟»، قَالَ: نَعَمْ، لَمْ يَأْتِ رَجُلٌ قَطُّ بِمِثْلِ مَا جِئْتَ بِهِ إِلَّا عُودِيَ، وَإِنْ يُدْرِكْنِي يَوْمُكَ أَنْصُرْكَ نَصْرًا مُؤَزَّرًا. ثُمَّ لَمْ يَنْشَبْ وَرَقَةُ أَنْ تُوُفِّيَ، وَفَتَرَ الوَحْيُ.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
Ang kauna-unahan na sinimulan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkakasi ay ang maayos na panaginip sa pagkatulog sapagkat hindi siya nananaginip ng isang panaginip malibang dumarating ito tulad ng bukang-liwayway ng madaling-araw. Pagkatapos ipinaibig sa kanya ang pag-iisa. Siya noon ay nag-iisa sa yungib ng Ḥirā' saka nagdedebosyon doon – ito ang pagpapakamananamba – sa mga gabi nang makailang bilang bago siya manabik sa mag-anak niya. Nagbabaon siya para roon. Pagkatapos umuuwi siya kay Khadījah saka nagbabaon ng tulad niyon, hanggang sa dumating sa kanya ang katotohanan habang siya ay nasa yungib ng Ḥirā' sapagkat dumating sa kanya ang anghel saka nagsabi ito: "Bumasa ka!" Nagsabi siya: "Ako ay hindi nakababasa." Nagsabi pa siya: "Kaya dinaklot niya ako at piniga niya ako hanggang sa umabot ito mula sa akin sa kasukdulan, pagkatapos pinakawalan niya ako, saka nagsabi siya: 'Bumasa ka!' Nagsabi naman ako: 'Ako ay hindi nakababasa.' Kaya dinaklot niya ako at piniga niya ako nang ikalawa, hanggang sa umabot ito mula sa akin sa kasukdulan, pagkatapos pinakawalan niya ako. saka nagsabi siya: 'Bumasa ka!' Kaya nagsabi naman ako: 'Ako ay hindi nakababasa.' Kaya dinaklot niya ako at piniga niya ako nang ikatlo, pagkatapos pinakawalan niya ako. saka nagsabi siya: {1. Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha, 2. lumikha sa tao mula sa isang malalinta. 3. Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay,} (Qur'ān 96:1-3)." Kaya nag-uwi nito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang kumakabog ang puso niya saka pumasok siya sa kinaroroonan ni Khadījah bint Khuwaylid (malugod si Allāh dito) saka nagsabi siya: "Balutin ninyo ako! Balutin ninyo ako!" Kaya binalot naman nila siya hanggang sa umalis sa kanya ang pagkasindak, saka sinabi niya kay Khadījah at ibinalita niya rito ang balita: "Talaga ngang natakot ako para sa sarili ko." Kaya nagsabi naman si Khadījah: "Aba'y huwag! Sumpa man kay Allāh, hindi magpapahiya sa iyo si Allāh magpakailanman. Tunay na ikaw ay talagang nakikiugnay sa kaanak, pumapasan ng pabigat [ng iba], nagpapakamit sa nawawalan, nagsisilbi sa panauhin, at tumutulong sa mga nasawing-palad sa katotohanan." Kaya lumisan kasama niya si Khadījah hanggang sa makapagdala ito sa kanya kay Waraqah bin Nawfal bin Asad bin `Abdil`uzzā na pinsan ni Khadījah. Siya ay isang lalaking nagkristiyano sa Panahon ng Kamangmangan. Nagsusulat siya noon ng kasulatang Hebreo kaya sumusulat siya mula sa Ebanghelyo sa Hebreo ng niloob ni Allāh na isulat niya. Siya noon ay lubhang matanda na nabulag na. Nagsabi sa kanya si Khadījah: "O anak ng tiyuhin ko, makinig ka sa anak ng kapatid mo." Kaya nagsabi si Waraqah sa kanya: "O Anak ng kapatid ko, ano ang nakikita mo?" Kaya nagbalita rito dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng balita ng nakita niya. Kaya nagsabi sa kanya si Waraqah: "Ito ang Nāmūs na pinababa ni Allāh kay Moises. O kung sana ako ay bata pa, kung sana ako ay magiging buhay pa kapag magpapalayas sa iyo ang mga kalipi mo." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "At magpapalayas ba sa akin sila?" Nagsabi ito: "Oo; walang nagdala na isang lalaki kailanman ng tulad sa inihatid mo malibang inaway siya. Kung makaaabot sa akin ang araw mo, mag-aadya ako sa iyo ng isang pag-aadyang pinaigting." Pagkatapos hindi na naglaon; si Waraqah ay pinapanaw siya at natigil ang pagkakasi.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3]
Nagpabatid ang ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah na (malugod si Allāh sa kanya) na ang kauna-unahan na sinimulan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkakasi ay ang nagkakatotoong panaginip sa pagkatulog sapagkat hindi siya nananaginip sa pagkatulog niya ng isang panaginip malibang dumarating ito nang maliwanag na nakawawangis ng tanglaw ng madaling-araw. Pagkatapos ipinaibig sa kanya ang pag-iisa. Siya noon ay nag-iisa sa yungib ng Ḥirā' saka nagpapakamananamba siya roon sa mga gabi nang makailang bilang bago siya umuwi sa mag-anak niya. Nagsasama siya ng baon para roon. Pagkatapos umuuwi siya sa ina ng mga mananampalataya na si Khadījah (malugod si Allāh dito). Nagbabaon siya ng tulad sa bilang ng mga gabi [sa yungib], hanggang sa dumating sa kanya ang totoong utos habang siya ay nasa yungib ng Ḥirā': sapagkat dumating sa kanya ang anghel saka nagsabi ito: "Bumasa ka!” Nagsabi siya: "Ako ay hindi nakababasa.” Nagsabi pa siya: "Kaya dinaklot niya ako at piniga hanggang sa umabot ito mula sa akin sa kasukdulan, pagkatapos pinakawalan niya ako, saka nagsabi siya: 'Bumasa ka!’ Nagsabi naman ako: 'Ako ay hindi nakababasa.’ Kaya dinaklot niya ako at piniga nang ikalawa, hanggang sa umabot ito mula sa akin sa kasukdulan, pagkatapos pinakawalan niya ako. saka nagsabi siya: 'Bumasa ka!’ Kaya nagsabi naman ako: 'Ako ay hindi nakababasa.’ Kaya dinaklot niya ako at piniga nang ikatlo, pagkatapos pinakawalan niya ako. saka nagsabi siya: {1. Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha, 2. lumikha sa tao mula sa isang malalinta. 3. Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay,} (Qur'ān 96:1-3). Kaya nag-uwi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga talata habang kumakabog ang puso niya dala ng takot sa kamatayan, saka pumasok siya sa kinaroroonan ng maybahay niya na ina ng mga mananampalataya na si Khadījah bint Khuwaylid (malugod si Allāh dito) saka nagsabi siya: "Balutin ninyo ako ng tela! Balutin ninyo ako ng tela!" Kaya binalot naman nila siya ng tela hanggang sa umalis sa kanya ang pangamba, saka sinabi niya kay Khadījah at ibinalita niya rito ang balita at sinabi: "Talaga ngang nangamba ako para sa sarili ko." Kaya nagsabi naman si Khadījah: "Aba'y hindi! Sumpa man kay Allāh, hindi magpapahiya sa iyo si Allāh magpakailanman. Tunay na ikaw ay talagang nakikiugnay sa kaanak, pumapasan patungo sa mahinang hindi nakapagsasarili ng nauukol sa kanya, nagpapakamit sa maralitang nawawalan yayamang nagbibigay ka sa mga tao ng hindi nila natatagpuan sa iba pa sa iyo, nagsisilbi sa panauhin, at tumutulong sa mga nasawing-palad sa katotohanan." Kaya lumisan kasama niya si Khadījah hanggang sa makapagdala ito sa kanya kay Waraqah bin Nawfal bin Asad bin `Abdil`uzzā. na anak ng tiyuhin nito. Siya ay isang lalaking umiwan sa Panahon ng Kamangmangan at naging isang Kristiyano. Nagsusulat siya noon mula sa Ebanghelyo sa Hebreo ng niloob ni Allāh na isulat niya. Siya noon ay lubhang matanda na nawala na ang paningin niya. Nagsabi sa kanya si Khadījah: "O anak ng tiyuhin ko, makinig ka sa anak ng kapatid mo." Kaya nagsabi sa kanya si Waraqah: "O Anak ng kapatid ko, ano ang nakikita mo?" Kaya nagbalita rito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng balita ng nakita niya. Kaya nagsabi sa kanya si Waraqah: "Ito ay si Anghel Gabriel na pinababa ni Allāh sa Propeta Niyang si Moises (sumakanya ang pangangalaga). O kung sana ako roon ay binatang bata pa, kung sana ako ay magiging buhay pa kapag magpapalayas sa iyo ang mga kalipi mo." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "At magpapalayas ba sa akin sila?" Nagsabi ito: "Oo; walang nagdala na isang lalaki kailanman ng tulad sa inihatid mo malibang pinerhuwisyo siya at inaway siya. Kung makaaabot sa akin ang araw mo, mag-aadya ako sa iyo ng isang pag-aadyang malakas." Pagkatapos hindi na nagtagal; si Waraqah ay pinapanaw siya at nahuli ang pagkakasi nang isang yugto ng panahon.