+ -

عن عمر بن الخطاب رضي الله عنه قال: قَدِمَ رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم بِسَبْيٍ فإذا امرأةٌ مِنَ السَّبْيِ تَسْعَى، إِذْ وَجَدَتْ صَبِيَّا في السَّبْيِ أَخَذَتْهُ فَأَلْزَقَتْهُ بِبَطْنِهَا فَأَرْضَعَتْهُ، فقال رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم : «أَتَرَوْنَ هَذِهِ المرأةَ طَارِحَةً وَلَدَهَا في النَّارِ؟» قلنا: لا واللهِ. فقال: «للهُ أَرْحَمُ بِعِبَادِهِ مِنْ هَذِهِ بِوَلَدِهَا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Dumating ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na may dalang mga bihag. Walang anu-ano ay may isang babaing kabilang sa mga bihag na tumatakbo nang makatagpo ito ng isang paslit sa mga bihag. Kinuha nito iyon at idinikit sa tiyan iyon at pinasuso iyon. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Maniniwala ba kayo na ang babaing ito ay magtatapon ng anak niya sa apoy? Nagsabi kami: Hindi po. Nagsabi siya: Talagang si Allah ay higit na maawain sa mga lingkod Niya kaysa rito sa anak nito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Dinalhan ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga bihag. Walang anu-ano ay may isang babaing tumatakbo nang makatagpo ito ng isang paslit sa mga bihag. Kinuha nito iyon, idinikit nito iyon sa tiyan nito bilang awa roon, at pinasuso nito iyon. Kaya itinuro ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa mga kasamahan niya na ang awa ni Allah ay higit na malaki kaysa sa awa ng ina.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan