Ang kategorya:
+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ عَبْدِ الرَّحْمَنِ بْنِ صَخْرٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: سَمِعْت رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّم يَقُولُ:
«مَا نَهَيْتُكُمْ عَنْهُ فَاجْتَنِبُوهُ، وَمَا أَمَرْتُكُمْ بِهِ فَافْعَلُوا مِنْهُ مَا اسْتَطَعْتُمْ، فَإِنَّمَا أَهْلَكَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ كَثْرَةُ مَسَائِلِهِمْ، وَاخْتِلَافُهُمْ عَلَى أَنْبِيَائِهِمْ».

[صحيح] - [رواه البخاري ومسلم] - [الأربعون النووية: 9]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah `Abdirraḥmān bin Ṣakhr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang sinaway ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gawin ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga bago pa ninyo dahil sa dami ng mga pagtatanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila."}

[Tumpak] -

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw sa atin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya, kapag sumaway siya sa atin laban sa isang bagay, ay nag-oobliga sa atin ng pag-iwas nito nang walang pagtatangi; at kapag nag-utos siya sa atin ng isang bagay, ay kailangan sa atin na gumawa tayo mula rito ng makakayanan natin. Pagkatapos nagbigay-babala siya sa atin nang sa gayon hindi tayo maging gaya ng ilan sa mga kalipunang nauna noong dinalasan nila ang mga tanong sa mga propeta nila kasama ng pagsalungat nila sa mga iyon kaya naman pinarusahan sila ni Allāh sa pamamagitan ng mga uri ng kapahamakan at pagkawasak. Kaya nararapat na hindi tayo maging tulad nila nang sa gayon hindi tayo mapahamak kung paanong napahamak sila.

من فوائد الحديث

  1. Ang ḥadīth ay isang panuntunan sa paglilinaw sa kinakailangan sa paggawa ng ipinag-uutos at pag-iwas sa sinasawata.
  2. Ang pagsaway ay hindi nagpipermiso sa paggawa ng anuman mula sa sinasaway at ang pag-uutos ay nilimitahan ayon sa kakayahan dahil ang pagtigil ay nakakaya at ang paggawa ay nangangailangan ng kakayahan sa pagpapairal ng gawaing ipinag-uutos.
  3. Ang sinasaway ay sumasaklaw sa kaunti at marami dahil hindi magagawa ang pag-iwas nito maliban sa pag-iwas sa kaunti nito at marami nito. Halimbawa: Sumaway siya sa atin laban sa patubo (ribā) kaya sumasaklaw ito sa kaunti nito at marami nito.
  4. Ang pag-iwan sa mga kadahilanang humahantong sa ipinagbabawal dahil iyon ay kabilang sa kahulugan ng pag-iwas.
  5. Hindi nararapat sa tao, kapag nakarinig siya ng utos ng Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), na magsabi: "Iyan kaya ay kinakailangan o kaibig-ibig," bagkus kailangan sa kanya ang pagdadali-dali sa paggawa, batay sa sabi nito: "gampanan ninyo mula rito ang makakaya ninyo."
  6. Ang dami ng pagtatanong ay isang kadahilanan ng kasawian, lalo na sa mga bagay-bagay na hindi maaari ang pag-abot ng isip sa mga iyon tulad ng mga usaping pangnakalingid (ghayb) at paglalarawan sa mga kalagayan ng Araw ng Pagbangon. Huwag kang magparami ng tanong hinggil sa mga ito sapagkat mapapahamak ka at ikaw ay magiging isang nagpapakaselan-selang nagpapakalalim-lalim.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Pushto Asami Albaniyano الأمهرية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga المجرية التشيكية الموري Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin
Ang mga kategorya
Ang karagdagan