عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ:
كُنَّا فِي غَزَاةٍ فَكَسَعَ رَجُلٌ مِنَ المُهَاجِرِينَ رَجُلًا مِنَ الأَنْصَارِ، فَقَالَ الأَنْصَارِيُّ: يَا لَلْأَنْصَارِ، وَقَالَ المُهَاجِرِيُّ: يَا لَلْمُهَاجِرِينَ، فَسَمَّعَهَا اللَّهُ رَسُولَهُ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: «مَا هَذَا؟» فَقَالُوا: كَسَعَ رَجُلٌ مِنَ المُهَاجِرِينَ رَجُلًا مِنَ الأَنْصَارِ، فَقَالَ الأَنْصَارِيُّ: يَا لَلْأَنْصَارِ، وَقَالَ المُهَاجِرِيُّ: يَا لَلْمُهَاجِرِينَ، فَقَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «دَعُوهَا فَإِنَّهَا مُنْتِنَةٌ» قَالَ جَابِرٌ: وَكَانَتِ الأَنْصَارُ حِينَ قَدِمَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَكْثَرَ، ثُمَّ كَثُرَ المُهَاجِرُونَ بَعْدُ، فَقَالَ عَبْدُ اللَّهِ بْنُ أُبَيٍّ: أَوَقَدْ فَعَلُوا، وَاللَّهِ لَئِنْ رَجَعْنَا إِلَى المَدِينَةِ لَيُخْرِجَنَّ الأَعَزُّ مِنْهَا الأَذَلَّ، فَقَالَ عُمَرُ بْنُ الخَطَّابِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ: دَعْنِي يَا رَسُولَ اللَّهِ أَضْرِبُ عُنُقَ هَذَا المُنَافِقِ، قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «دَعْهُ، لاَ يَتَحَدَّثُ النَّاسُ أَنَّ مُحَمَّدًا يَقْتُلُ أَصْحَابَهُ».
المزيد
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Kami minsan ay nasa isang paglusob saka namalo ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas (Muhajirun) ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya (Ansari). Kaya nagsabi ang Tagaadya: "O saklolo mga Tagaadya." Nagsabi naman ang Tagalikas: "O saklolo mga Tagalikas." Kaya nagparinig nito si Allāh sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Nagsabi siya: "Ano ito?" Kaya nagsabi sila: "Namalo po ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya. Kaya nagsabi ang Tagaadya: O saklolo mga Tagaadya. Nagsabi naman ang Tagalikas: O saklolo mga Tagalikas." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-iwan kayo niyan sapagkat tunay na iyan ay nakasusulasok."} Nagsabi pa si Jābir: {Ang mga Tagaadya noon nang dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na marami. Pagkatapos dumami ang mga Tagalikas matapos niyan. Nagsabi naman si `Abdullāh bin Ubayy: "At ginawa nga ba nila? Sumpa man kay Allāh, talagang kung nakabalik tayo sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang pinakamakapangyarihan mula roon sa pinakakaaba-kaaba." Kaya nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Hayaan mo ako, O Sugo ni Allāh, na tumaga sa leeg ng mapagpaimbabaw na ito." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hayaan siya. Hindi magsasalita ang mga tao na si Muḥammad ay pumapatay ng mga Kasamahan niya."}