عَنْ ابْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«نَحْنُ آخِرُ الأُمَمِ، وَأَوَّلُ مَنْ يُحَاسَبُ، يُقَالُ: أَيْنَ الأُمَّةُ الأُمِّيَّةُ وَنَبِيُّهَا؟ فَنَحْنُ الآخِرُونَ الأَوَّلُونَ».
[صحيح] - [رواه ابن ماجه] - [سنن ابن ماجه: 4290]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
Tayo ay ang kahuli-hulihan sa mga kalipunan at ang kauna-unahan sa tutuusin. Sasabihin: "Nasaang ang Kalipunang iliterato at ang Propeta nito?" Kaya tayo ang mga kahuli-hulihan at ang mga kauna-unahan.}
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah] - [سنن ابن ماجه - 4290]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Kalipunan niya ay ang kahuli-hulihan sa mga kalipunan sa pag-iral at sa panahon at ang kauna-unahan sa mga kalipunan na tutuusin sa Araw ng Pagbangon. Sasabihin sa Araw ng Pagbangon: "Nasaan ang Kalipunang iliterato at ang Propeta nito?" Ito ay bilang pag-uugnay sa pagkailiterato ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa hindi pagkaalam ng pagbasa at pagsulat. Tatawagin sila para sa pagtutuos, una sa lahat, sapagkat tayo ang mga kahuli-hulihan sa panahon at pag-iral at ang mga kauna-unahan sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon sa sa pagpasok sa Paraiso.