عَنْ أَبِي بُرْدَةَ، عَنْ أَبِيهِ أَبِي مُوسَى الأَشْعَريِّ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ:
أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بَعَثَهُ إِلَى اليَمَنِ، فَسَأَلَهُ عَنْ أَشْرِبَةٍ تُصْنَعُ بِهَا، فَقَالَ: وَمَا هِيَ؟، قَالَ: «البِتْعُ وَالمِزْرُ»، فَقِيلَ لِأَبِي بُرْدَةَ: مَا البِتْعُ؟ قَالَ: نَبِيذُ العَسَلِ، وَالمِزْرُ: نَبِيذُ الشَّعِيرِ، فَقَالَ: «كُلُّ مُسْكِرٍ حَرَامٌ» خرجه البخاري.
وَخَرَّجَهُ مُسْلِمٌ وَلَفْظُهُ: قَالَ: بَعَثَنِي رَسُولُ اَلله أَنَا وَمُعَاذٌ إِلَى اَليَمَنِ، فَقُلْتُ: يَا رَسُولُ اَللَّهِ! إِنَّ شَرَابًا يُصْنَعُ بِأَرْضِنَا يُقَال لَهُ: المِزَرُ مِنَ الشَّعِيرِ، وَشَرَابٌ يُقَالُ لَهُ: البِتْعُ مِنَ العَسَلِ، فَقَالَ: «كُلُّ مُسْكِرٍ حَرَامٌ».
وَفِي رِوَايَةٍ لِمُسْلِمٍ: «فَقَالَ: كُلُّ مَا أَسْكَرَ عَنِ الصَّلَاةِ فَهُوَ حَرَامٌ».
وَفِي رِوَايَةٍ لَهُ: «وَكَانَ رَسُولُ الله قَدْ أُعْطِيَ جَوَامِعَ الكَلِمِ بِخَوَاتِمِهِ، فَقَالَ: أَنْهَى عَنْ كُلِّ مُسْكِرٍ أَسْكَرَ عَنْ الصَّلَاةِ».
[صحيح] - [رواه البخاري ومسلم] - [الأربعون النووية: 46]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Burdah, ayon sa ama niyang si Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagpadala sa kanya sa Yemen. Kaya nagtanong siya rito tungkol sa mga inuming ginagawa roon sapagkat nagsabi siya: "At ano po ang mga ito?" Nagsabi ito: "Ang bit` at ang mizr." Sinabi kay Abū Burdah: "Ano ang bit`?" Nagsabi siya: "Ang nabīdh ng pulut-pukyutan at ang mizr ay ang nabīdh ng sebada." Kaya nagsabi ito: "Ang bawat nakalalasing ay bawal."} Nagsadokumento nito si Imām Al-Bukhārīy.
[Tumpak] -
Nagpapabatid si Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagsugo sa kanya sa Yemen. Kaya nagtanong siya rito tungkol sa mga inuming ginagawa roon kung ang mga ito kaya ay bawal. Kaya nagpalinaw ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga ito. Kaya naman nagsabi si Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): Ito ay ang bit`, na nabīdh ng pulut-pukyutan, at ang mizr, na nabīdh ng sebada. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), na binigyan nga ng masasaklaw sa mga pananalita: "Ang bawat nakalalasing ay bawal."