Ang kategorya:
+ -

عَنِ النَّوَّاسِ بْنِ سِمْعَانَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«البِرُّ: حُسْنُ الخُلُقِ، وَالإِثْمُ مَا حَاكَ فِي صَدْرِكَ، وَكَرِهْتَ أَنْ يَطَّلِعَ عَلَيْهِ النَّاسُ». وَعَنْ وَابِصَةَ بْنِ مَعْبَدٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: أَتَيْتُ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَ: «جِئْتَ تَسْأَلُ عَنِ البِرِّ وَالإِثْمِ»، قُلْتُ: نَعَمْ، قَالَ: «اسْتَفْتِ قَلْبَكَ، البِرُّ: مَا اطْمَأَنَّتْ إلَيْهِ النَّفْسُ، وَاطْمَأَنَّ إلَيْهِ القَلْبُ، وَالإِثْمُ: مَا حَاكَ فِي نَفْسِكَ وَتَرَدَّدَ فِي الصَّدْرِ، وَإِنْ أَفْتَاكَ النَّاسُ وَأَفْتَوْكَ».

[صحيح] - [الحديث الأول: رواه مسلم، والحديث الثاني: رواه أحمد والدارمي.] - [الأربعون النووية: 27]
المزيــد ...

Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang pagsasamabuting-loob ay kagandahan ng kaasalan. Ang kasalanan ay anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid doon ang mga tao."}

[Tumpak] - [الحديث الأول: رواه مسلم، والحديث الثاني: رواه أحمد والدارمي] - [الأربعون النووية - 27]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagsasamabuting-loob at kasalanan sapagkat nagsabi siya: Ang pinakadakila sa mga kakanyahan ng pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng kaasalan kay Allāh sa pamamagitan ng pangingilag magkasala at sa nilikha sa pamamagitan ng pagbata ng perhuwisyo, kakauntian ng galit, pagkamasayahin ng mukha, kaayahan ng pagsasalita, pagpapanatili ng ugnayan, pagtalima, kabaitan, kabutihang-loob, at kagandahan ng pakikisalamuha at pakikisama, at na ang pagsasamabuting-loob ay anumang natahimik doon ang puso at ang kaluluwa. Hinggil naman sa kasalanan, ito ang anumang kumilos sa sarili na mga napaghihinalaan, nag-atubili nang walang pagluwag ang dibdib doon, at nangyari sa puso dahil doon ang pagdududa at ang pangamba sa pagiging ito ay isang pagkakasala at hindi ka nagnais na maglantad ka nito dahil sa pagiging ito ay pangit sa mga prominente at mga ideyal sa mga tao at mga lubos sa kanila. Iyon ay dahil ang kaluluwa, ayon sa kalikasan nito, ay nakaiibig sa pagkabatid ng mga tao sa kabutihan nito. Kaya kapag nasuklam ito sa pagkabatid sa ilan sa mga gawain nito, iyon ay kasalanang walang kabutihan doon. Kung nagpayo sa iyo ang mga tao, huwag kang tumanggap ng payo nila hanggat ang palatandaan ng paghihinala ay nag-aatubili sa sarili mo sapagkat tunay na ang payo ay hindi nag-aalis ng paghihinala hanggat ang paghihinala ay tumpak at ang tagapagpayo ay nagpapayo batay sa hindi kaalaman. Hinggil naman sa kapag ang payo ay batay sa isang patunay na pambatas, ang kinakailangan sa humihingi ng payo ay ang pagsangguni doon, kahit pa hindi lumuwag sa kanya ang dibdib niya.

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pagtataglay ng mararangal sa mga kaasalan dahil ang kagandahan ng kaasalan ay kabilang sa pinakadakila sa mga kakanyahan ng pagsasamabuting-loob.
  2. Ang katotohanan at ang kabulaanan ay hindi nakalilito ang nauukol sa dalawang ito sa mananampalataya; bagkus nakikilala niya ang katotohanan sa pamamagitan ng liwanag na nasa puso niya at nilalayuan ng loob niya ang kabulaanan saka minamasama niya ito.
  3. Kabilang sa mga palatandaan ng kasalanan ang pagkabagabag ng puso, ang pagkaligalig nito, ang pagkasuklam sa pagkabatid ng mga tao rito.
  4. Nagsabi si As-Sindīy: Ito ay kaugnay sa mga napaghihinalaan kabilang sa mga bagay na hindi nakaaalam ang mga tao sa mga ito sa pamamagitan ng pagtatakda sa isa sa dalawang panig; at kung hindi ang ipinag-uutos sa Batas nang walang paglitaw ng patunay rito sa kasalungatan niyon ay bahagi ng pagsasamabuting-loob at ang sinasaway gayon din naman ay bahagi ng kasalanan. Walang pangangailangan sa dalawang ito sa pagsangguni sa puso at kapanatagan nito.
  5. Ang kinakausap sa ḥadīth ay ang mga tagataglay ng maayos na naturalesa, hindi ang mga tagataglay ng mga pusong natiwali na hindi nakakikilala ng nakabubuti at hindi nagkakaila ng nakasasama maliban sa kinahumalingan mula sa pithaya nito.
  6. Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Sinabing ipinakahulugan ang pagsasamabuting-loob sa ḥadīth sa sarisaring kahulugan. Nagpakahulugan siya nito sa isang banda bilang anumang napanatag doon ang kaluluwa at napanatag doon ang puso. Nagpakahulugan siya nito sa isang banda bilang pananampalataya, sa isang banda bilang anumang nagpapalapit-loob sa iyo kay Allāh, at dito bilang kagandahan ng kaasalan. Nagpakahulugan siya ng kagandahan ng kaasalan bilang pagbata ng perhuwisyo, kakauntian ng galit, pagkamasayahin ng mukha, at kaayahan ng pagsasalita. Ang kabuuan ng mga ito ay nagkakalapitan sa kahulugan.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano الأمهرية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الليتوانية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga المجرية التشيكية الموري Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin
Ang mga kategorya
Ang karagdagan