عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رضي الله عنهما قَالَ:
«بَيْنَمَا جِبْرِيلُ قَاعِدٌ عِنْدَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ سَمِعَ نَقِيضًا مِنْ فَوْقِهِ، فَرَفَعَ رَأْسَهُ، فَقَالَ: هَذَا بَابٌ مِنَ السَّمَاءِ فُتِحَ الْيَوْمَ لَمْ يُفْتَحْ قَطُّ إِلَّا الْيَوْمَ، فَنَزَلَ مِنْهُ مَلَكٌ، فَقَالَ: هَذَا مَلَكٌ نَزَلَ إِلَى الْأَرْضِ لَمْ يَنْزِلْ قَطُّ إِلَّا الْيَوْمَ، فَسَلَّمَ، وَقَالَ: أَبْشِرْ بِنُورَيْنِ أُوتِيتَهُمَا لَمْ يُؤْتَهُمَا نَبِيٌّ قَبْلَكَ: فَاتِحَةُ الْكِتَابِ، وَخَوَاتِيمُ سُورَةِ الْبَقَرَةِ، لَنْ تَقْرَأَ بِحَرْفٍ مِنْهُمَا إِلَّا أُعْطِيتَهُ».
المزيد
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Samantalang si Anghel Gabriel ay nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), nakarinig siya ng isang langitngit mula sa ibabaw niya kaya nag-angat siya ng ulo niya saka nagsabi siya: "Iyon ay isang pinto mula sa langit, na binuksan ngayong araw, na hindi iyon binuksan kailanman kundi ngayong araw." May bumaba mula roon na isang anghel kaya nagsabi siya: "Ito ay isang anghel na bumaba papunta sa Lupa, na hindi ito bumaba kailanman kundi ngayong araw." Bumati ito at nagsabi ito: "Magalak ka sa dalawang liwanag na walang binigyan ng dalawang ito na isang propeta bago mo: ang Pambungad ng Aklat at ang mga Pangwakas ng Kabanatang Al-Baqarah. Hindi ka bibigkas ng isang titik mula sa dalawang ito malibang bibigyan ka [ng hiling mo]."}