Ang kategorya:
+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَة رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُول اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إنَّ اللَّهَ تَعَالَى قَالَ: مَنْ عَادَى لِي وَلِيًّا فَقْد آذَنْتُهُ بِالحَرْبِ، وَمَا تَقَرَّبَ إلَيَّ عَبْدِي بِشَيْءٍ أَحَبَّ إلَيَّ مِمَّا افْتَرَضْتُ عَلَيْهِ، وما يَزَالُ عَبْدِي يَتَقَرَّبُ إلَيَّ بِالنَّوَافِلِ حَتَّى أُحِبَّهُ، فَإِذَا أَحْبَبْتُهُ كُنْتُ سَمْعَهُ الَّذِي يَسْمَعُ بِهِ، وَبَصَرَهُ الَّذِي يُبْصِرُ بِهِ، وَيَدَهُ الَّتِي يَبْطِشُ بِهَا، وَرِجْلَهُ الَّتِي يَمْشِي بِهَا، وَإِنْ سَأَلَنِي لَأُعْطِيَنَّهُ، وَلَئِنْ اسْتَعَاذَنِي لَأُعِيذَنَّهُ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [الأربعون النووية: 38]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsabi: {Ang sinumang nakipag-away sa isang katangkilik para sa Akin, nagpahayag nga Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpakalapit-loob sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa isinatungkulin Ko sa kanya. Hindi tumitigil ang lingkod Ko na nagpapakalapit-loob sa Akin sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba hanggang sa umibig Ako sa kanya. Kaya kapag umibig Ako sa kanya, Ako ay naging ang pandinig niya na ipinandidinig niya, ang paningin niya na ipinantitingin niya, ang kamay niya na ipinanghahawak niya, at ang paa niya na ipinanlalakad niya. Kung humingi siya sa Akin, talagang magbibigay nga Ako sa kanya. Talagang kung humiling siya sa Akin ng pagkupkop, talagang magkukupkop nga Ako sa kanya. ...}"}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa banal na ḥadīth na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagsabi: "Ang sinumang namerhuwisyo sa isang katangkilik kabilang sa mga katangkilik Ko, gumalit rito, at namuhi rito, magpapaalam nga Ako sa kanya at magpapahayag nga Ako sa kanya ng away." Ang katangkilik ay ang mananampalatayang mapangilag magkasala. Magiging ayon sa sukat ng taglay ng tao na pananampalataya at pangingilag magkasala ang bahagi niya mula sa pagtangkilik ni Allāh. Hindi nagpakalapit-loob ang Muslim sa Panginoon nito sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Kanya kaysa sa isinatungkulin Niya rito at inobliga Niya rito na paggawa ng mga pagtalima at pagwaksi ng mga ipinagbabawal. Hindi tumitigil ang Muslim na nagpapakalapit-loob sa Panginoon nito sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba kasama ng mga tungkuling pagsamba hanggang sa magtamo ito ng pag-ibig ni Allāh. Kaya kapag umibig dito si Allāh, si Allāh ay magiging tagapagtama rito sa apat na bahaging ito ng katawan: Magtatama si Allāh dito sa pandinig nito kaya hindi ito didinig kundi ng nagpapalugod sa Kanya. Magtatama si Allāh dito sa paningin nito kaya hindi ito titingin kundi sa iniibig Niya ang pagtingin doon at kinalulugdan Niya. Magtatama si Allāh dito sa kamay nito kaya hindi ito gagawa sa pamamagitan ng kamay nito kundi ng nagpapalugod sa Kanya. Magtatama si Allāh sa paa nito kaya hindi ito maglalakad kundi tungo sa nagpapalugod sa Kanya at hindi ito magpupunyagi kundi sa anumang naroon ang kabutihan. Sa kabila nito, kung humiling siya kay Allāh ng isang bagay, tunay na si Allāh ay magbibigay sa kanya ng hiniling niya kaya siya ay magiging tinutugon ang panalangin. Talagang kung humiling siya kay Allāh ng pagkupkop at dumulog siya kay Allāh dala ng paghahanap ng pagsasanggalang, tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay magkukupkop sa kanya at magsasanggalang sa kanya laban sa pinangangambahan niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Pushto Asami Albaniyano الأمهرية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga المجرية التشيكية الموري Italiyano الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin
Ang mga kategorya
Ang karagdagan