عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا قَالَ:
مَا قَاتَلَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَوْمًا قَطُّ حَتَّى يَدْعُوَهُمْ.
[صحيح] - [رواه أحمد والبيهقي] - [سنن البيهقي: 18232]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Hindi nakipaglaban ang Sugo ni Allah (s) sa mga tao kailanman hanggang sa makapag-anyaya siya sa kanila.}.
[Tumpak] - [رواه أحمد والبيهقي] - [سنن البيهقي - 18232]
Nagpabatid ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang Propeta (s) ay hindi nagsimula sa pakikipaglaban sa mga tao hanggang sa makapag-anyaya siya muna sa kanila tungo sa Islam saka kung hindi sila tumugon sa paanyaya niya, makikipaglaban siya sa kanila.