عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ:
«مَنْ قَالَ: لاَ إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ، وَحْدَهُ لاَ شَرِيكَ لَهُ، لَهُ المُلْكُ وَلَهُ الحَمْدُ، وَهُوَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ، فِي يَوْمٍ مِائَةَ مَرَّةٍ، كَانَتْ لَهُ عَدْلَ عَشْرِ رِقَابٍ، وَكُتِبَتْ لَهُ مِائَةُ حَسَنَةٍ، وَمُحِيَتْ عَنْهُ مِائَةُ سَيِّئَةٍ، وَكَانَتْ لَهُ حِرْزًا مِنَ الشَّيْطَانِ يَوْمَهُ ذَلِكَ حَتَّى يُمْسِيَ، وَلَمْ يَأْتِ أَحَدٌ بِأَفْضَلَ مِمَّا جَاءَ بِهِ إِلَّا أَحَدٌ عَمِلَ أَكْثَرَ مِنْ ذَلِكَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3293]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang nagsabi ng: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd. Wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)" sa isang araw nang isang daang ulit, may magiging ukol sa kanya na katumbas ng sampung pagpapalaya, may itatala para sa kanya na isang daang magandang gawa, may buburahin sa kanya na isang daang masagwang gawa, may magiging ukol sa kanya na isang pananggalang laban sa demonyo sa araw niyang iyon hanggang sa gumabi. Walang nakagawang isa man ng higit na mainam kaysa inihatid nito kundi isang gumawa ng higit na marami kaysa roon."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3293]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si ang sinumang nagsabi ng: "Walang Diyos" at walang sinasamba ayon sa karapatan "kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya" sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. "Ukol sa Kanya ang paghahari" at ang pamamatnugot at ang pangangasiwa sa kabuuan nito "at ukol sa Kanya ang papuri" sa lahat ng nililikha Niya at itinatakda Niya. "Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan" nang walang tagakontra at walang tagatutol. Ang anumang hindi Niya niloob ay hindi nangyayari. Ang sinumang nagsabi ng dhikr na ito sa isang araw at nag-ulit-ulit nito nang isang daang ulit, may itatala para sa kanya na pabuya mula kay Allāh gaya ng sa sinumang nagpalaya ng sampung tao kabilang sa mga alipin; may itatala para kanya dahil sa mga ito na isang daang mabuting gawa at antas sa Paraiso; may buburahin sa kanya at aalisin na isang daang masagwang gawa; may magiging ukol sa kanya na isang pananggalang, isang pangangalaga, isang panangga, at isang pantanggol laban sa demonyo, mga tagatulong nito, at paghahari nito sa araw niyang iyon hanggang sa sumapit ang gabi sa pagkalubog ng araw. Walang nakagawang isa man sa Araw ng Pagbangon ng higit na mainam kaysa inihatid nito kundi isang gumawa ng higit na marami kaysa roon at nagdagdag doon.