+ -

عن أنس رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«جَاهِدُوا المشركين بأموالكم وأنفسكم وألسنتكم».

[صحيح] - [رواه أبو داود والنسائي وأحمد] - [سنن أبي داود: 2504]
المزيــد ...

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Makibaka kayo sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng mga yaman ninyo, mga sarili ninyo, at mga dila ninyo."}

[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 2504]

Ang pagpapaliwanag

Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pakikibaka sa mga tagatangging sumampalataya at pagkakaloob ng pagsisikap sa pakikipagharap sa kanila sa pamamagitan ng bawat kaparaanan ayon sa abot ng kakayahan upang ang Salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas. Kabilang doon:
1. Ang paggugol ng salapi sa pakikibaka sa kanila gaya ng pagbili ng sandata at panustos sa mga nakikibaka at tulad niyon.
2. Ang pagdalo ng sarili at katawan sa pakikipagtagpo sa kanila at pagtatanggol laban sa kanila.
3. Ang pag-aanyaya sa kanila sa Relihiyong ito ng Islām sa pamamagitan ng dila, paglalatag ng katwiran sa kanila, pagsawata sa kanila, at pagtugon sa kanila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية النيبالية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pakikibaka sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng sarili, salapi, at dila. Ang bawat isa ay alinsunod sa kakayahan niya. Ang pakikibaka ay hindi nalilimitahan sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng sarili.
  2. Ang pag-uutos ng pakikibaka ay para sa pagkakinakailangan. Maaaring ito ay maging isang tungkuling pang-individuwal at maaari ring ito ay maging isang tungkuling pangkomunidad.
  3. Nagsabatas si Allāh ng pakikibaka dahil sa mga kadahilanan, na kabilang sa mga ito: 1. Ang paglaban sa Shirk at mga Mushrik dahil si Allāh ay hindi tumatanggap ng Shirk magpakailanman. 2. Ang pag-aalis ng mga balakid na humaharang sa landas ng pag-aanyaya tungo kay Allāh. 3. Ang pangangalaga sa paniniwala laban sa bawat anumang kumukontra rito. 4. Ang pagtatanggol sa mga Muslim, sa mga bayan nila, sa mga dignidad nila, at mga ari-arian nila.