عن ابن عمر رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«كل مُسْكِرٍ خَمْرٌ، وكل مُسْكِرٍ حرام، ومن شرِب الخمر في الدنيا فمات وهو يُدْمِنُهَا لَمْ يَتُبْ، لَمْ يَشْرَبْهَا في الآخرة».
[صحيح] - [رواه مسلم وأخرج البخاري الجملة الأخيرة منه] - [صحيح مسلم: 2003]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang bawat tagapagpalasing ay alak. Ang bawat tagapagpalasing ay bawal. Ang sinumang uminom ng alak sa Mundo saka namatay habang siya ay nasusugapa rito nang hindi nagbalik-loob, hindi siya makaiinom nito sa Kabilang-buhay."
[Tumpak] - - [صحيح مسلم - 2003]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat nagpapalaho ng isip at nag-aalis nito, iyon ay alak na tagapagpalasing, maging iyon man ay naiinom o nakakain o nasisinghot o iba pa roon. Ang bawat nagpapalasing at nag-aalis ng isip ay ipinagbawal nga ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at sinaway Niya ang kaunti niyon at ang marami niyon. Ang bawat sinumang uminom ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng mga tagapagpalasing na iyon, nanatili sa pag-inom nito, at hindi nagbalik-loob mula rito hanggang sa mamatay, siya ay karapat-dapat sa parusa ni Allāh sa pamamagitan ng pagkakait sa kanya ng pag-inom nito sa Paraiso.