عَن أَبي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«الْحَلِفُ مَنْفَقَةٌ لِلسِّلْعَةِ، مَمْحَقَةٌ لِلرِّبْحِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1606]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang panunumpa ay isang pinaggugulan ng paninda at isang pinagpupuksaan ng tubo."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1606]
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa panunumpa at pagpaparami nito kahit pa man naging tapat sa pagtitinda at pagbili. Nagpabatid siya na ito ay isang kadahilanan ng pagkamabili ng paninda at inilalako subalit ito ay isang kakulangan at isang pagpapawalang-saysay sa pagpapala sa tubo at kita. Maaaring magpangibabaw si Allāh (napakataas Siya) dito ng mga pangyayaring sisira sa mga ito, na maaaring pagnanakaw o pagkasunog o pagkalubog o pagkamkam o pagdambong o mga iba pang insidenteng sisira sa ari-arian.