+ -

عن عبد الله بن عمرو رضي الله عنهما عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«مَنْ قَتَلَ مُعَاهَدًا ‌لَمْ ‌يَرَحْ ‌رَائِحَةَ الْجَنَّةِ، وَإِنَّ رِيحَهَا تُوجَدُ مِنْ مَسِيرَةِ أَرْبَعِينَ عَامًا».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 3166]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang pumatay ng isang kinasunduan, hindi siya makaaamoy ng amoy ng Paraiso. Tunay na ang amoy nito ay natatagpuan sa [layo ng] paglalakbay na apatnapung taon."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 3166]

Ang pagpapaliwanag

Nililinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang matinding banta na ang sinumang pumatay ng isang kinasunduan – ang sinumang pumasok kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa Tahanan ng Islām nang may kasunduan at seguridad – ay hindi makalalanghap ng amoy ng Paraiso. Tunay na ang amoy nito ay abot sa layo ng paglalakbay na apatnapung taon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagbabawal ng pagpatay sa kinasunduan (mu`āhad), pinangangalagaan (dhimmīy), at pinatitiwasay (musta'man) kabilang sa mga tagatangging sumampalataya; at na ito ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
  2. Ang kinasunduan (mu`āhad) ay ang sinumang binigyan ng kasunduan kabilang sa mga tagatangging sumampalataya habang siya ay naninirahan sa bayan niya nang hindi nakikipagdigmaan sa mga Muslim at hindi sila nakikipagdigmaan sa kanya. Ang pinangangalagaan (dhimmīy) ay ang sinumang namamayan sa Tahanan ng Islām at nagbabayad ng buwis na jizyah. Ang pinatitiwasay (musta'man) ay ang sinumang pumasok sa Lupain ng mga Muslim nang may kasunduan at seguridad para sa isang tinakdaang panahon.
  3. Ang pagbibigay-babala laban sa pagtataksil sa mga kasunduan sa hindi mga Muslim.