Talaan ng mga ḥadīth

Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, magpakamapagpakupkop ka kay Allāh laban sa kanya at lumura ka sa kaliwa mo nang tatlong ulit
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay hindi tumatanggap ng gawa maliban na ito ay naging wagas ukol sa Kanya at hinangad dito ang kaluguran ng mukha Niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakatikim ng lasa ng pananampalataya ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging isang mapagpaimbabaw na lantay; at ang sinumang may naging nasa kanya na isang katangian mula sa mga ito, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa isang pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraydor siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagsasamasamang-loob siya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag namatay ang tao, napuputol sa kanya ang gawa niya maliban sa tatlo: maliban sa isang kawanggawang nagpapatuloy, o isang kaalamang napakikinabangan, o isang anak na maayos na dumadalangin para sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano
{O Sugo ni Allāh, tunay na ang ina ni Sa`d ay namatay. Kaya alin pong kawanggawa ang pinakamainam? Nagsabi siya: "Ang tubig." Nagsabi ito: "Kaya humukay siya ng isang balon at nagsabi: 'Ito ay para sa ina ni Sa`d."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano
Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumasok sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa oras nang pagpanaw ng anak niya[babae],Nagsabi siya:Hugasan niyo siya ng tatlong beses o limang beses,o higit pa rito-kung sa tingin ninyong ito [ay kinakailangan]-gamit ng tubig at Sidr [puno ng Nabaq,at gawin ninyo sa pinakahuli nito ay ang pabango,o kaunting pabango-at kapag natapos kayo-ibigay paalam ninyo ito sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagbabantay sa araw at gabi ay higit na mabuti kaysa sa pag-aayuno ng isang buwan at pagdarasal sa bawat gabi nito. Kung namatay siya, magpapatuloy sa kanya ang gawa niyang ginagawa niya dati, ipagpapatuloy para sa kanya ang panustos sa kanya, at maliligtas siya sa manunubok.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang lahat ng patay ay seselyuhan siya sa kanyang gawain, maliban sa isang makikidigma sa landas ng Allah, dahil lalago o aagos sa kanya ang kanyang gawain hanggang sa Araw ng Pagkabuhay, at maliligtas siya sa tukso o pagsubok sa loob ng puntod.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag kumain ang isa sa inyo ng pagkain;huwag niyang punasan ang kamay niya hanggat hindi niya ito dinilaan o ipadila [sa iba]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag tinipon ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,ang mga naunang tao at ang mga huli,itataas ng bawat lumabag [ sa kasunduan] ang bandila [niya],Sasabihin sa kanya: Ito ang linabag [na kasunduan] ni Pulano na anak ni pulano
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Humingi ng kasagutan si Sa`ad bin `Ubbadah sa Sugo ni Allah,tungkol sa Panata na [nagawa] ng Ina niya,na pumanaw bago niya ito ipatupad?Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tuparin mo ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang mata [tagapagmasid] mula sa mga Mushrikin [ Sumasamba sa mga Diyus-diyosan],habang siya ay nasa paglalakbay niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos na gumawa para sa kanya ng singsing na yari sa ginto
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Lahat ng inumin na nakakahilo ay ipinagbabawal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pagkatapos nito;o sangkatauhan! Tunay na ipinahayag [sa Qur-an] ang pagbabawal ng alak,At ito ay may limang pinagmumulan: sa ubas,dateles,pulot-pukyutan,trigo at lentil
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pinapanagutan ni Allah sa Nakikibaka sa landas Niya na kapag binawian Niya ito ng buhay: Papapasukin Niya ito sa Paraiso,o pababalikin Niya siya na ligtas,na may gantimpala o nadambong
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakarinig ng iba`t-ibang boses na nagtatalo sa pintuan ng kuwarto niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pinuputol ang kamay sa [halagang nanakaw na] ika-apat na bahagi ng Dinar hanggang sa pataas [nito]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kumuha ka sa yaman niya ng sapat lamang, magkakasya sa iyo at magkakasya sa anak mo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagbabantay sa isang araw para sa landas ni Allah,ay higit na mainam sa mundo at sa mga nilalaman nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na si 'Abdurrahmān bin 'Awf at Zubayr bin Al-'Awwām-malugod si Allah sa kanila-ay nagreklamo ng mga kuto sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nag-alay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dalawang tupa na kulay puting nahaluan ng itim na may sungay. Kumatay siya ng dalawang ito sa pamamagitan ng kamay niya. Bumanggit siya [kay Allāh] at nagdakila. Naglagay siya ng paa niya sa mga gilid ng dalawang ito.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang paglabas sa umaga tungo sa landas ni Allah,o sa hapon: ay higit na mainam mula sa pagsikat ng araw at paglubog nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang aking alipin-minadali niya sa Akin ang kanyang sarili-Ipinagbawal ko sa kanya ang Paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Anumang dinaluyan ng dugo,at nabanggit ang Pangalan ni Allah rito,kumain kayo rito,maliban sa [kinatay na hayop gamit ang] buto at ngipin,At ipapahayag ko sa inyo ang mga ito,Ang ngipin ay ang buto,at ang Kuko ay [ginagamit na] kutsilyo ng mga [Hindi mananampalataya] sa Habashah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag ang isang lalaki-o isang tao-ay nanilip sa iyo, nang walang pahintulot mula sa iyo,hinagis mo sa kanya ang bato at nabulag mo ang isang mata niya,Wala kang magiging kasalanan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Wala pa akong nakita na may buhok [hanggang sa balikat] sa damit na pula,na higit na maganda mula sa Sugo ni Allah-
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang sugat na nasugatan para sa landas ni Allah,maliban sa ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay,na ang sugat nito ay dadanak: at ang kulay nito ay kulay ng dugo,at ang amoy nito ay amoy pabango
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang mag-alaga ng aso-maliban sa aso na ginagamit sa pangangaso,o sa pagbabantay ng mga alagang hayop-ay mababawasan ang gantimpala niya ng dalawang Qirāt sa Araw-araw
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang Manumpa sa isang pangakong hindi niya ginawa,[upang] kunin dito ang kayamanan ng isang taong Muslim,Siya sa [gawaing ito] ay isang makasalanan,Haharapin niya si Allah, na sa kanya ay magmamana ng Poot
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang nakapatay na namatay sa mga [kamay] niya,at nagkaroon siya ng saksi o patunay,mapapasakanya ang mga gamit nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nag-alay kami ( ng pagkatay) sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng kabayo,at kinain namin ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nangako ang kapatid ko na maglalakad sa Sagradong Tahanan ni Allah na walang tsinelas,Kaya ipinag-utos niya sa akin na itanong ko ito [Kung ano nararapat niyang gawin] para sa kanya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kaya itinanong ko ito sa kanya, at Nagsabi siya: maglalakad siya at sasakay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagsuot ng sutla maliban sa dalawang lalagyan sa daliri o tatlo o apat
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbabawal sa laman ng Asnong maamo,at ipinahintulot niya ang laman ng kabayo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O `Abdurrahman bin Samrah,Huwag mong hilingin ang [Kapangyarihan] Panunungkulan,Sapagkat kapag ibinigay ko ito sa iyo na hinihiling mo,ipagkakatiwala mo ito [hindi mo ito gagampanan],
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Gusto ba ninyong sabihin ko sa inyo ang tungkol sa tatlong kalalakihan?:Ang isa sa kanila ay umupo [upang makinig sa pag-aalaala] sa Allah,Kaya't ipinagkaloob ni Allah sa kanya [ Ang kainaman at gantimpala ng pag-upong ito], At ang iba naman ay nahiya, Kaya't Nahiya si Allah sa kanya,habang ang iba naman ay tumalikod, Kaya't tinalikuran din siya ni Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sabihin mong: O Allah! tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan-ang Nakakaalam sa mga lingid at mga nakikita;Panginoon ng lahat ng bagay at Tagapamahala nito,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahain maliban sa Iyo,Ako ay nagpapakupkop sa Iyo, mula sa kasamaan ng aking sarili at kasamaan ni Satanas at sa mga kasamaan niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Aming natapos ang araw at kasama nito,ang lahat ng pamamahala at Kapurihan ay sa Allah,Walang [diyos na] may karapatan upang sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa.Walang Katambal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Habang ang mga tao ay nasa Quba`sa dasal na madaling-araw (Subh) ay dumating sa kanila ang Ayah,nagsabi siya: Na ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay ibinaba sa kanya noong gabi ang Qur-an,at ipinag-utos sa kanya ang pagharap sa Qiblah,at humarap sila rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag inibig ni Allah sa isang pinuno ang Kabutihan,itatalaga niya sa kanya ang isang ministro na tapat,Kapag siya ay nakalimot,paalalahanan siya at kapag nakaalala siya ay tutulungan siya.At kapag inibig Niya ang bukod dito,itatalaga Niya sa kanya ang isang Ministro na masama,Kapag siya ay nakalimot,hindi siya paalalahanan,at kapag nakaalala siya,hindi niya ito tutulungan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi nagpadala si Allah ng Propeta at hindi nagtalaga ng Pinuno mula sa pinuno maliban na sa kanya ay may dalawang Tagapangasiwa,Tagapangasiwa na nag-uutos sa kanya ng kabutihan at naghihikayat dito,at Tagapangasiwa na nag-uutos sa kanya ng kasamaan at nag-hihikayat ito sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Bilal ay tumatawag ng Azan sa gabi;kaya kumain kayo at uminom kayo hanggang sa marinig ninyo ang Azan ng anak ni Ummu Maktum
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Matutulog ang lalaki nang mahimbing na pagtulog at kukunin ang Tiwalang Lagak(Ama`nah) sa puso nito,at mag-aanino ang epekto nito na tulad ng maliit na palatandaan na itim,pagkatapos ay matutulog siya ng mahimbing na tulog at kukunin ang Tiwalang Lagak(Ama`nah) sa puso nito,at mag-aanino ang epekto nito na tulad ng epekto ng tuldok na itim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kanan [ay gingamit niya sa paglilinis niya at pagkain niya,At ang Kaliwa ay [ginagamit niya] sa palikuran niya at sa anumang mga nakakapinsala
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nang dumating ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya sa Meccah;Nagsabi ang mga walang pananampalataya;Tunay na darating sa into ang mga grupo na mga Taong pinahina sila ng mga Tagapag-tanggol sa Yathrīb. Ipinag-utos sa kanila ng Propeta na magmadali sa (paglalakad) pag-ikot ng tatlo,at ang lumakad sila ng (dahan-dahan) sa pagitan ng dalawang haligi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Umakyat ako isang araw sa bahay ni Hafsah,Nakita ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nasa palikuran,nakaharap sa Shamat nakatalikod sa Ka`bah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating siya sa itim na bato,at sinabi niyang: Tunay na alam kong ikaw ay isang bato,hindi nakakapinsala at hindi [nakakapag-bigay] pakinabang,Kung hindi lang dahil nakita ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hinahalikan ka niya,Hindi kita hahalikan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsagawa ng Tawaf ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hajj na pamamaalam,[na nakasakay] sa kamelyo,Hinahawakan nito ang Haligi [ng Ka`bah] sa pamamagitan ng tungkod [na may baluktot sa ulo nito]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ko nakita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na humawak sa [haligi ng] Tahanan [ni Allah],maliban sa dalawang Haligi ng Yamani
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allah,Tunay na iniibig ko [ang lalaking] iyan,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipinag-bigay alam moba ito sa kanya?)) Nagsabi siya: Hindi,Nagsabi siya [Ang Propeta]: ((Ipagbigay-alam mo ito sa kanya)),Nakasalubong niya ito at sinabi niya [sa kanya]:Tunay na iniibig kita para kay Allah,Nagsabi siya: Iniibig din kita dahil sa pag-ibig mo sa akin para sa Kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumapasok sa Palikuran,Nagdadala ako at ang isang bata [nasa tamang gulang] ng isang lalagyan ng tubig at patpat,Naglilinis siya rito gamit ang tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kabilang sa pagdadakila kay Allah-Pagkataas-taas Niya:Ay ang paggalang sa matandang muslim,at sa nakapag-saulo ng Qur-an na hindi nagmamalabis dito,at [hindi] naglikas sa [pagbabasa] nito,at paggalang sa isang pinunong makatarungan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na siya ay naglakbay ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng Arafah,Narinig ng Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa likod niya ang malakas na sigaw at pagpalo,at boses ng kamelyo,Nagbigay siya ng senyales sa pamamagitan ng tungkod nito sa kanila,at nagsabi siya: (( O mga tao; Nararapat sa inyo ang pagdahan-dahan,sapagkat ang pananampalataya ay hindi sa pagmamadali))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ang isang Arab [Naninirahan sa Disyerto],Umihi siya sa sulok ng Masjid,Itinaboy siya ng mga tao,Pinagbawalan sila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nang matapos siya sa pag-ihi,Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[na kumuha ng] tabo mula sa tubig,ibinuhus ito rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita kitang nagdadasal na [hindi nakaharap] sa Qiblah?Nagsabi siya:Kung hindi ko lang nakita ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ginagawa niya ito,hindi ko ito gagawin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang nananampalataya sa Allah at sa kabilang buhay ay bigyan niyang dangal ang kanyang bisita ng kanyang regalo ang sabi nila: at ano ang kanyang regalo? Oh Sugo ni Allah, sabi Niya: ang araw niya at ang gabi niya, at ang pagbisita ay tatlong araw, kaya kung anuman ang sumobra doon iyon ay kawang gawa sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na nakita ko sa mga Al-Ansar na ginagawa ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga bagay na ito,Ipinangako sa sarili ko na hindi ako magsasama ng sinuman mula sa kanila maliban sa paglilingkuran ko
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Ummu Habibah ay nagregla sa loob ng pitong taon,Nagtanong siya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol rito? Ipinag-utos niya sa kanya na maligo,Nagsabi siya: At siya ay naliligo sa bawat pagdarasal"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag umihi ang isa sa inyo sa tubig na nanatili,yaong hindi dumadaloy,pagkatapos ay maliligo rito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pangaralan ninyo ang mga kababaihan sa kabutihan,Dahil ang isang babae ay nilikha mula sa tadyang,At ang pinakabaluktot sa tadyang ay ang pinakataas nito,At kapag inibig mong ituwid ito,ay mapuputol,at kapag hinayaan mo,mananatili itong baluktot,Pangaralan ninyo sila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nakakita ng isang lalaking nag-iisa,Hindi nagdadasal sa mga tao,Nagsabi siya: O pulano! Ano ang pumipigil sa iyo sa pagdarasal kasama ang mga tao? Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,Ako ay naging Junob ( nakipagtalik o linabasan), at walang tubig.Nagsabi siya: Gumamit ka ng alikabok,sapagkat ito ay sapat na sa iyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at dumating sa Minā,Pumunta siya sa Jamrah at bumato siya rito,pagkatapos ay dumating siya sa bahay niya sa Minā at naghandog ng Sakripisyo,pagkatapos ay sinabi niya sa barbero:((Kunin mo)) at itinuro niya ang tagiliran niya sa bandang kanan,pagkatapos ay sa kaliwa,pagkatapos ay ipinamigay niya ito sa mga tao
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang manumpa sa isang Panunumpa at nakita niya ang higit na kinalulugdan ni Allah,gawin niya ang higit na kinalulugdan ni Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah sumuko ako sa Iyo at naniwala sa Iyo at ako ay nagtiwala at Nagbalik-loob sa Iyo at dahil sa Iyo ako ay nakipaglaban,O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyong Kadakilaan ,Walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Iyo,na iligaw Mo ako,Ikaw ang walang hanggan,na walang kamatayan; At Jinn at Tao ay namamatay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon mo,at ang Katapatan mo,at mga Huling Gawain mo))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinag-utos sa akin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na gawin ko ang kamelyo niya;at ipagkawang-gawa ko ang laman nito at balat nito at umbok nito,at ang hindi ko bigyan ang nagkatay nito kait kaunti
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sa mga Tribo ba ng Arabo ang inyong itinatanong sa akin? Ang pinakamainam sa kanila sa [panahon ng] Kamang-mangan,ay ang pinakamainam sa kanila sa Islam kapag nagkaroon sila ng kaalaman
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinasadya ng isa sa inyo na paluin ang asawa nito tulad ng pagpalo sa isang alipin,at marahil ay nakikipagtalik sa kanya sa huling araw nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang tao ay magiging kasama niya ang sinumang iniibig niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako ay nasa kalagayang Junub,kaya kinamunghian kong maupo sa iyo na ako ay wala sa kadalisayan,Sinabi niya:Kaluwalhatian kay Allah,Tunay na ang mananampalataya ay hindi nagiging marumi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbabawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang Tirador,At nagsabi siya na ito ay hindi nakakapatay ng hayop,at hindi nakakapagtanggol [laban]sa kalaban,at ito ay nakakapagtanggal ng mata,at nakakaputol ng ngipin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Si Ibnu Mas-ūd-malugod si Allah sa kanya - ay laging nagpapaalala sa amin sa bawat araw ng Huwebes,Nagsabi sa kanya ang isang lalaki:O Abu Abdurahman, Tunay na naiibigan ko na magpaalala ka sa amin araw-araw,Nagsabi siya: Katotohanan na ang pumipigil sa akin dito,ay kinamumunghian ko na maging mainipin kayo,Kung-kaya't ako ay nagtatakda sa inyo sa pagbibigay ng paalala,Tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -na nagtatakda sa amin ( ng pagpapaalala) bilang pag-iwas pagka-yamut namin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi kabilang sa amin ang sinumang hindi naaawa sa mga maliliit sa amin,at [hindi niya] alam ang karangalan ng matatanda sa amin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pagpapatantayin ninyo ang inyong mga linya o babaliktarin ni Allah ang inyong mga mukha
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon `Abdullah bin Buhaynah-malugod si Allah sa kanya-at siya ay kabilang sa mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay Nagdasal sa kanila (bilang Imam) nang Dhuhr,Tumindig siya sa unang pangalawang tindig,at hindi siya umupo,kaya`t tumindig din ang mga Tao kasama siya,hanggang sa natapos niya ang pagdarasal,at naghihintay ang mga Tao sa pagsasagawa niya ng Taslem:Nagsagawa siya ng Takbir habang siya ay naka-upo,nagpatirapa siya ng dalawang beses bago siya magsagawa ng Taslem pagkatapos ay saka, nagsagawa ng Taslem))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ako na nakasakay sa babaing Asno,habang ako sa mga oras na iyon ay malapit ng maging binata,At ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal sa mga tao sa Mina na walang nakaharang,Dumaan ako sa harapan ng mga linya,Bumaba ako.Ipinadala ko ang babaing Asno na pinangangalagaan,at pumasok ako sa linya,at walang sumuway sa akin kahit na isa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay tumindig sa pagdarasal,binibigkas niya ang [Allahu Akbar],kapag siya ay tumatayo,pagkatapos ay binibigkas niya ang [Allahu Akbar]", kapag siya ay yumuyuko,Pagkatapos ay sinasabi niyang:Naway dinggin ni Allah ang sinumang pumupuri sa kanya,Kapag itinataas niya ang kanyang likod mula sa pagyuko
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag tumindi ang init [ng araw],hintayin ninyo itong lumamig sa pagsasagawa ng Dasal,Dahil ang matinding init [ng araw] ay mula sa nagbubugang [apoy] sa Impiyerno.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpaalam si Al-`Abbas bin Abdul Muttalib sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na matulog sa Meccah sa gabi ng Mina,upang magsagawa ng Siqayah [para sa mga nagsagawa ng Hajj],ipinahintulot ito sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Madaliin ninyo ang patay,sapagkat kung ito ay mabuti,ito ay kabutihan na inuuna ninyo para sa kanya,at kung ito ay maliban dito;ito ay masama na ilalagay ninyo sa mga leeg ninyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi papanaw ang Mundo hanggang sa maparaan ang lalaki sa isang puntod at magpapagulong-gulong sa ibabaw nito at magsasabi: "O kung sana ako ay nasa kinalalagyan ng nakalibing sa puntod na ito." Wala siyang [dahilan mula sa] relihiyon; wala siyang [dahilan] kundi ang kasawian.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa ilantad ng Yuprates ang isang bundok ng ginto na pag-aawayan. Mamamatay sa bawat isandaan ang siyam na pu't siyam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Iiwanan nila ang Madinah sa napaka-inam [na mga bagay na] taglay nito, Walang lumulukob dito maliban sa mga naghahanap ng kabuhayan-kabuhayan mula sa hayop at mga ibon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talagang darating sa mga tao ang panahon na iikot ang lalaki sa paghahanap ng mapagkawang-gawaan mula sa ginto at wala siyang matatagpuan na kukuha nito,at makikita ang isang lalaki na sinusundan ng apat-napong babae,mag-aagawan sila dito dahil sa liit ng bilang ng kalalakihan at dami ng kababa-ihan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Maglalago ang mga mabubuting tao at ang una ay mauuna, at ang matitira ay ang mga latak na tulad ng latak ng sebada o datiles,Hindi sila bibigyan ni Allāh ng kahit na kaunting pagpapahalaga
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagregalo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang beses ng tupa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Muslim na taga-ingat ng kayamanan na mapagkatiwalaan,ay yaong isinasagawa niya ang ipinag-uutos sa kanya,ibinibigay niya ito ng ganap,at kompleto,na maluwag sa kalooban niya,ipagkakaloob niya ito sa yaong naipag-utos sa kanya rito, ng isa sa mga nagkawanggawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Mayroon dalawang magkapatid sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang isa ay dumarating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ang ikalawa ay naghahanapbuhay,isinumbong ng naghahanap-buhay ang kapatid niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at Sinabi [ng Propeta]: ((Marahil ikaw ay nabibiyayaan dahil sa kanya))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay Nagluluwalhati sa likod ng sinasakyan niya kung saan ito nahaharap,at ibinababa niya ang ulo niya,at si Ibn `Umar ay isinasagawa ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ako sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay bata pa,Marami akong naisa-ulo mula sa kanya,At walang humahadlang sa akin na magsalita maliban sa kahit saan ay mga lalaking higit matanda sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinakita sa akin sa isang panaginip na ako ay naglilinis ng ngipin gamit ang siwak,dumating sa akin ang dalawang kalalakihan,ang isa ay mas malaki mula sa iba,Ibinigay ko ang siwak sa maliit,Ngunit sinabi sa akin: Sa malaki,Kaya ibinigay ko ito sa mas malaki sa kanilang dalawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Binaluktot ko ang kwintas ng hayop [na kakatayin bilang pag-alay] ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos ay linagyan ko ito ng palatandaan at sinabitan niya ng kwintas o sinabitan ko ito ng kwintas-pagkatapos ay ipinapadala niya ito sa Ka`bah,at naninirahan siya sa Madinah.Hindi niya ipinagbawal sa kanyang [sarili] ang mga bagay [na ipinagbabawal sa taong nasa kalagayan ng ihram] na sa kanya ay ipinahintulot
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Allah ay inobliga sa kanya ang Paraiso,at iniligtas siya mula sa Impiyerno
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ako ay sugo ni Allah sa iyo,[upang ipaalam] na Katotohanang si Allah ay iniibig ka,tulad ng pag-ibig mo sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi mahirap ang yaong tumatanggi sa isang dateles at dalawang dateles,at gayundin hindi ang [tumatanggi] sa isang subo at dalawang subo,Ngunit ang tinatawag na mahirap ay yaong hindi humihingi [sa kanyang paangangailangan]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumasok ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Ka`bah,kasama sina Usamah bin Zaid,Bilal,`Uthman bin Talhah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Propeta ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakakita ng isang lalaking humihila ng kamelyo;Nagsabi siya: Sumakay ka rito,Nagsabi siya: Ito ay kamelyo,Nagsabi siya :Sumakay ka rito.Nakito ko siyang nakasakay dito at tinatabihan [sa paglalakbay] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung iibigin mo ay magtiis ka at mapapasaiyo ang Paraiso,at kung iibigin mo ay mananalangin ako sa Allah na ikaw ay mabigyan ng lunas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
walang isang alipin na malalagay [sa isang lugar na] may epidemya,at mananatili siya sa lugar niya na may pagtitimpi at paghahangad sa gantimpala [ni Allah],nalalaman niya na walang tumatama sa kanya maliban sa ito ay nakatadhana ni Allah sa kanya,maliban sa mapapasakanya ang tulad ng gantimpala ng isang martir.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang bangkarota sa kalipunan ko ay ang sinumang darating sa Araw ng Pagkabuhay na may dalang dasal, ayuno, at zakāh. Darating siya samantalang nanlait kay ganito, nanirang-puri kay ganiyan, lumamon ng yaman ni ganoon, nagpadanak ng dugo ni ganito, at nanakit kay ganiyan. Kaya bibigyan si ganito mula sa mga magandang gawa niya at si ganiyan mula sa mga magandang gawa niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dalasan ninyo ang pagsabi ng Yā dha -ljalāli wa –l’ikrām (O Karapat-dapat sa pagpipitagan at pagpaparangal).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Siniyasat ko ang pagdarasal kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Natagpuan ko na ang pagtindig niya,pagyuko niya,ang pagtuwid niya mula sa pagyuko niya,ang pagpapatirapa niya,ang pag-upo niya sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya,ang pagpapatirapa niya,at ang pag-upo niya sa pagitan ng pagsasagawa ng Taslem at pag-alis: ito ay magkakatulad
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Habang ang isang lalaki ay nakatayo sa `Arafah,nahulog ito sa kamelyo niya,Bumagsak ito-o Nagsabi siya: Ibinagsak niya ito- Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Paliguan ninyo siya sa tubig at Puno ng Nabk,At balutin ninyo siya sa damit niya,at huwag ninyo siyang [lagyan ng] pabango,at huwag ninyong takpan ang ulo niya,Sapagkat babangon siya sa Araw ng Pagkabuhay na Tumutugon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Masjid,At pumasok ang isang lalaki at nagdasal,pagkatapos ay dumating siya at bumati sa Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Nagsabi siya: Bumalik ka at magdasal ulit,dahil ikaw ay hindi nakapag-dasal,Bumalik siya at nagdasal ulit tulad ng kanyang pagdarasal ,Pagkatapos ay dumating siya at bumati sa Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: Bumalik ka at magdasal ulit,dahil ikaw ay hindi nakapag-dasal-pangatlo beses-Nagsabi siya: At Sumpa sa Nagpadala sa iyo sa katotohanan,wala nang mas-maganda pa maliban dito,Turuan mo ako;Nagsabi siya: Kapag ikaw ay tumindig sa pagdarasal;bigkasin mo ang Allahu Akbar,pagkatapos ay magbasa ka ng pinaka-madali para sa iyo mula sa Qur-an,pagkatapos ay yumuko ka hanggang sa huminahon ka sa pagyuko,pagkatapos ay bumangon ka hanggang sa huminahon ka sa pagtayo,pagkatapos ay magpatirapa ka hanggang sa huminahon ka sa pagpatirapa,pagkatapos ay bumangon ka hanggang sa huminahon sa pag-upo,at gawin mo ito sa lahat ng pagdarasal mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi ang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Araw ng Uḥud: "Sabihin mo, kung mamatay ako ay saan ako?" Nagsabi siya: "Sa Paraiso." Itinapon niya ang mga datiles na nasa kamay niya. Pagkatapos ay nakipaglaban siya hanggang sa mapatay siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang panalangin ng tao para sa kapatid niya nang palihim ay tinutugon. Sa tabi ng ulo niya ay may isang anghel na itinalaga. Sa tuwing dumalangin siya para sa kapatid niya ng mabuti, nagsasabi ang anghel na itinalaga sa kanya: Amen, at ukol sa iyo tulad niyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdadasal na binubuhat niya si Ama`mah bint Zainab,anak ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan na hindi Ako magpapabaya sa pagdadasal ko (kay ALLAH) para sa inyo tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagdarasal niya (kay Allah) para sa amin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pinagbawalan kami na sumama sa paglilibing, at hindi ito inoobliga sa amin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagtalo ang Paraiso at ang Impiyerno. Nagsabi ang Impiyerno: "Nasa akin ang mga palalo at ang mapagmalaki." Nagsabi ang Paraiso: "Nasa akin ang mga mahina sa mga tao at ang mga dukha nila."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May dinala sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na isang lalaki na uminom ng alak. Nagsabi siya: Paluin ninyo siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ako ay nakakikita ng hindi ninyo nakikita. Umungol ang langit at nagkaroon ito ng karapatang umungol. Wala roong isang puwang ng singluwag ng apat na daliri malibang may isang anghel na naglalapag ng noo nito bilang nagpapatirapa kay Allāh, pagkataas-taas Niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o Mananampalataya at hinugasan niya ang mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali niya na tiningnan niya ng mga mata niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang pumigil sa pagkagalit,na siya ay may kakayanan sa pagpapatupad nito,tatawagin siya ni Allah,napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas,sa harap ng mga nilalang sa Araw ng Pagkabuhay,upang papiliin siya mula sa magagandang babae [na mapapangasawa sa Paraiso],sa sinumang kanyang magustuhan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kay Allah ang kinuha Niya at Kanya ang ipinagkaloob Niya.At ang lahat ng bagay sa Kanya ay may takdang panahon,magtiis ka at humiling sa gantimpala ni Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagtuturo sa amin ng istikhara sa lahat ng gawain,gaya ng pagtuturo niya sa amin ng sūrah ng Qur’an.Sinasabi niya: Kapag nagbalak ang isa sa inyo ng isang bagay ay magdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi isinatungkuling [ṣalāh]. Pagkatapos ay sabihin niya:O Allah, sumasangguni ako sa Iyo sa pamamagitan ng kaalaman Mo. Humihiling ako sa Iyo ng kakayahan sa pamamagitan ng kakayahan Mo.Humihingi ako mula sa sukdulang kabutihang-loob Mo,sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya at hindi ako nakakakaya,at nakaaalam Ka at hindi ako nakaaalam at Ikaw ay ang pinakanakaaalam sa mga nakalingid.O Allah, kung nalalaman Mo na ang bagay na ito [banggitin dito ang kailangan] ay mabuti para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko ay itakda Mo na mangyari ito sa akin at pagaanin Mo ito para sa akin, pagkatapos ay biyayaan Mo ako rito.Kung nalalaman Mo na ang bagay na ito ay masama para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko ilayo Mo ito sa akin at ilayo Mo ako rito, at itakda Mo na mangyari sa akin ang mabuti saan man ito,pagkatapos ay palugudin Mo ako dito. Hindi magsisi ang sinumang humingi ng patnubay sa Tagapalikha, sumangguni sa mga nilikhang mananampalataya,at nagpakatatag sa pasya niya sapagkat nagsabi Siya,Napakamaluwalhati Niya: at sanguniin mo sila sa usapin. Kaya kapag nagpasya ka ay manalig ka kay Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pagtitimpi ay sa unang pagsubok
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan inyong nalalaman ang mga gawaing higit na manipis para sa inyong paningin mula sa buhok,ngunit amin itong ibinibilang sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kabilang sa mga malalaking kasalanan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang makakatagpo ninyo sa mga susunod sa akin ang makasarili,Magtiis kayo hanggang sa makatagpo ninyo ako sa [mahiwagang] lawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Napag-utusan si Bilal na gawin niyang pares ang pagtawag ng Adhan,at gawing gansal ang Iqamah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Abū Dharr,nakikita ko sa iyo ang kahinaan,at tunay na iniibig ko para sa iyo,ang mga bagay na iniibig ko para sa aking sarili,;Huwag na huwag kang mamumuno sa dalawa,at huwag na huwag kang mamahala sa mga yaman ng mga batang ulila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tumayo kayo at manalangin ako para sa inyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagpa-alam sa isa sa inyo ang asawa nito na pumunta sa Masjid,ay huwag niya itong pigilan.Nagsabi siya:Sinabi ni Bilal bin Abdullah.Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila;Nagsabi siya:Lumapit sa kanya si Abdullah,at minura niya ito ng matinding pagmumura,hindi ko siya narinig na nagmura ng tulad nito kailanman,at nagsabi siya:Ipinahayag ko sayo na ito ay buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sasabihin mong:Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
((Katotohanan ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at si Abu bakar at umar -malugod si Allah sa kanilang dalawa-sila ay nagsisimula sa pagdarasal ng(Alhamdu Lillahi Rabbil A`lameen)" Ang papuri ay ukol kay Allah,Panginoon ng mga nilalang".At sa ibang salaysay:((Nagdasal ako kasama sina Abubakar at Umar at Uthman,at hindi ko narinig mula sa kanila na nagbasa ng(Bismillaher Rahmaner Raheem)"Sa ngalan ni Allah,ang Napakama-awain,ang Maawain".At sa salaysay ni Muslim:((Nagdasal ako sa likod ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at Abu bakar at umar at Uthman,at sila ay nagsisimula sa (Alhamdu lillahi rabbil A`lameen)" Ang papuri ay ukol kay Allah,Panginoon ng mga nilalang" at hindi nila binibigkas ang (Bismillaher Rahamaner Raheem)"Sa ngalan ni Allah,ang Napakama-awain,ang Maawain" sa unang basa at sa huli nito.))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang may pinakamasamang kalagayan sa mga tao para kay Allah sa Araw ng Pagkabuhay ay ang lalaking nakipagtalik sa kanyang asawa at nakipagtalik din siya sa kanya,pagkatapos ay ikinakalat nito ang lihim niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan ng kabutihan ay madaliin niya sa kanya ang parusa sa mundong ibabaw, at kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan siya ng kasamaan ay kanya itong pipigilan bunsod ng kanyang nagawang kasalan at ito'y ibibigay sa kanya sa kabilang buhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tiyak ang dakilang Allah itinipon sa akin ang lupa, dahil doon nakita ko ang silangan niya at ang kanluran niya, at tiyak ang aking ummah (nasyon) aabot ang kanyang kapangyarihan sa kung ano ang naitipon sa akin, at ako'y nabigyan ng dalawang kayaman ang pula (ginto) at ang puti (pilak).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allah1 Katotohanang si Allah ay hindi nakikimi mula sa katotohanan,Nararapat ba sa isang babae ang pagligo kapag siya ay nanaginip?Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Oo;kapag nakita niya ang tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang mabigyan ng pagsubok sa mga babaing ito,sa kahit anong bagay,at naging mabuti siya para sa kanila,gagawin silang panangga para sa kanya,mula sa Apoy ng Impiyerno
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ba`t kayo ay nagtatagumpay at nabibiyayaan dahil sa mahihina sa inyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu)) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito,gawin niya ito. At sa pananalita ni Imam Muslim:(( Nakita ko si Aba Hurayrah na nagsasagawa ng Wudhu,hinugasan niya ang mukha nito at dalawang kamay nito,hanggang sa muntik na itong umabot sa dalawang balikat,pagkatapos ay hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa itinaas niya ito sa dalawang binti,Pagkatapos ay nagsabi siya: Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu ) ) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito sa mukha at sa mga bahagi ng katawan nito,gawin niya ito.At sa pananalita ni Imam Muslim:Narinig ko ang kaibigan ko-pagpalain siya niAllah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Umaabot ang pagpapalamuti sa isang mananampalataya ayon sa ina-abot ng kanyang Wudhu))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya-ay magwiwika sa Araw ng Pagkabuhay:Nasaan ang mga nagmamahalan sa Kadakilaan Ko?Sa araw na ito ay pasisilungin ko sila sa Aking Silong,Araw na Walang masisilungan maliban sa Silong Ko
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talaga ngang nagbalik-loob siya ng isang pagbabalik-loob na kung sakaling hinati sa pitumpo sa mga naninirahan sa Madīnah ay talagang sasapat sa kanila ito. Nakatagpo ka ba ng higit na mainam kaysa sa nag-alay ng sarili niya para kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ang isang monghe mula sa mga monghe sa sugo ni Allah,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at nagsabi: O Muhammad,natagpuan namin na ang Allah ay ilalagay Niya ang mga kalangitan sa isang daliri,at ang mga kalupaan sa isang daliri at ang puno sa isang daliri,at ang tubig sa isang daliri,at ang mga patay sa isang daliri,at ang mga nalalabi pang mga nilikha sa isang daliri,pagkatapos ay sasabihin Niya:Ako ang Hari.Napatawa ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan hangang sa nakita ang kanyang ngipin,bilang pagpapatunay sa sinabi ng Monghe.Pagkatapos ay binasa niya, "Hindi sila nag-alang-alang kay Allah ng totoong pag-aalang-alang sa Kanya. Ang buong Lupa ay isang dakot* Niya sa Araw ng Pagbangon" at sa salaysay ni Imam Muslim:"At mga bundok at puno ay sa isang daliri,pagtapos ay yayanigin ito at sasabihin Niya: Ako ang Hari,Ako si Allah" At sa salaysay ni Imam Albukharie:"Ilalagay Niya ang mga kalangitan sa isang daliri,at ang tubig sa isang daliri,at ang mga patay sa isang daliri,at ang mga nalalabi pang nilikha sa isang daliri."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Babalunbunin ni Allah ang mga kalangitan sa Araw ng Pagkabuhay,Pagkatapos ay kukunin Niya ito sa Kanang Kamay Niya,Pagkatapos ay sasabihin Niya:Ako ang Hari,Nasaan na ang mga Mapanupil?Nasaan na ang mga Nagmamalaki?Pagkatapos ay babalunbunin Niya ang pitong kalupaan.pagkatapos ay Kukunin Niya ito sa Kaliwang Kamay Niya,Pagkatapos ay sasabihin Niya:Ako ang Hari,Nasaan na ang mga Mapanupil?Nasaan na ang mga Nagmamalaki?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Noon ay hinuhugasan ko ang Maniy (isperma) mula sa damit ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at kaagad siyang lumabas para magsalah (magdasal), at katotohanan ang nakakaibang kulay ng tubig ay nasa kanyang damit
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbigay ng magandang balita kay Kahidījah malugod si Allah sa kanya- sa isang bahay sa loob ng Paraiso na yari sa mga Perlas,Walang [maririnig na] ingay rito at Walang kapaguran.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ginawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na magpanatili sa mga bagay ng Kusang-loob,tulad ng [pagpapanatili niya] sa dalawang tindig na dasal sa Al-Fajr.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagdarasal ng Jama`ah [kasama ang mga mananampalataya sa loob ng Masjid],ay higit na mainam mula sa pagdarasal na nag-iisa,nang dalawampu`t pitong beses
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang bumisita ng may sakit o bumisita sa kapatid niya [ sa pananampalataya] para sa kaluguran ni Allah,Mananawagan sa kanya ang Anghel nang:Naging dalisay ka,at naging dakila ang iyong gantimpala,at gumawa ka ng iyong tahanan sa Paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano ang ipinag-aalala mo o Abu Bakar sa dalawa kung si Allah ang ikatlo nila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano ang mayroon sa nareregla,na nagbabayad ng pag-aayuno at hindi nagbabayad ng pagdarasal?Nagsabi siya: Ikaw ba ay tumatanggi? Sinabi kong: Hindi ako tumatanggi,subalit ako ay nagtatanong lamang.Nagsabi siya: Ito ay dumarating sa amin,at ipinag-utos sa amin na magbayad sa pag-aayuno at hindi ipinag-utos sa amin na magbayad sa pagdarasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naglalagay ng tubig sa ulo niya nang tatlong beses
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay nagsalita,inuulit niya ito sa tatlong beses nang sa ganoon ay maunwaan ito,At kapag dumating siya sa mga tao at bumati siya ,Bumabati siya sa kanila ng tatlong beses
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko si Ibn `Umar na pumunta sa isang lalaking pina-upo nito ang kamelyo niya,kakatayin niya ito,Nagsabi siya: Gawin mo itong nakatayo,na nakatali,Ito ang Sunnah ni Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May dalawang lalaking kabilang sa mga kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na umalis mula sa kinaroroonan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa isang gabing madilim. May kasama silang dalawa tulad ng dalawang ilaw sa harapan nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Abā Dharr,Ikaw ay mahina,at ito ay Amānah [Pagtanggap ng mga tungkulin at pagsunod kay Allah],At sa Araw ng Pagkabuhay, ito ay kadustaan at pagsisisihan,maliban sa sinumang tumanggap nito na siya ay karapat-dapat dito,at isinakatuparan niya ang anumang nararapat sa kanya rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah! Ako ay nangangamba sa karapatan ng dalawang mahina: Ang batang ulila,at ang babae
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kang makikipag-kaibigan maliban sa mananampalataya,at walang kakain sa pagkain mo maliban sa [taong] may takot [sa Allah]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay sumasandal sa sinapupunan ko,Binabasa niya ang Qur-an,at ako ay may regla
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naalala ko ang tipak ng ginto sa amin,kinamumuhian ko na maging abala ako [ sa pag-iisip nito],kaya ipinag-utos kong ipamahagi ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ang isang lalaki sa Propeta-pagpalaain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niyang: O Sugo ni Allah,Gusto kong maglakbay,bigyan mo ako ng pabaon,Nagsabi siya:(( Naway pabaunan ka ni Allah ng Takot [sa Allah]))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi siya: Huwag na huwag mong ipagsabi ang lihim ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--sa kahit sinuman,Nagsabi si Anas: Sumpa sa Allah.Kung may sinabihan ako nito,sinabi ko na ito sa iyo,o Thabit
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang bumuhay sa Islam sa mabuting Sunnah [Ng Propeta],mapapasakanya ang gantimpala,At ang gantimpala ng sinumang nagsagawa nito pagkatapos niya,Na hindi naibabawas sa mga gantimpala nila kahit na isang bagay lang,At Sinuman ang bumuhay sa Islam sa masamang Sunnah,mapapasakanya ang kasalanan,At ang kasalanan ng sinumang nagsagawa nito pagkatapos niya,Na hindi naibabawas sa mga kasalanan nila kahit na isang bagay lang
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Satanas ay nakikisalo sa pagkain na hindi binibigkas rito ang Pangalan ni Allah-Pagkataas-taas Niya,At Katotohanang dumating [bumulong] siya sa batang babae na ito upang makisalo sa kanya,kaya hinawakan ko ang kamay niya,at dumating [bumulong] siya sa Arabong ito [Naninirahan sa Disyerto] upang makisalo sa kanya,kaya hinawakan ko ang kamay niya,Sumpa sa Kaluluwa ko na Hawak niya sa Kamay niya,Katotohanang ang kamay niya[satanas] ay nasa kamay ko kasama ang kamay nilang dalawa)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan-Ang mga Nagmamahalan sa Kadakilaan ko,Sa kanila ay may matataas na antas mula sa liwanag,Kina-iinggitan sila ng mga Propeta at ng mga Martir.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal ng Dhuhr sa katindian ng init ng araw,at ng `Asr, na ang araw ay napakaliwanag,at ng Maghrib, kapag ito ay lumubog
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumpa sa Allah,Tunay na kami ay hindi nagtatalaga ng pinuno sa gawaing ito,Sa sinumang humiling nito o sinumang nagsumikap rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay ibinigay sa kanya ang sanggol,umihi ito sa damit niya,Humingi siya ng tubig at pinatalsikan niya ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasa tolda,sa kanya ay mayroong pula mula sa suot ng Angkan ni Adan,Nagsabi siya:Naglabas si Bilal ng lalagyan [ng tubig para sa Wudhu],kinuha niya ang natitirang tubig at lalagyan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Anak ko,Tunay na narinig ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: ((Katotohanan ang pinakamasamang Pastol ay yaong marahas)) Kaya`t iwasan mong mapabilang ka sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag umupo [ang lalaki sa babae] sa pagitan ng apat nitong gilid,pagkatapos ay nakipagtalik rito,tunay na na-oobliga ang pagligo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal ng Al-Fajr,sumasama sa kanya ang mga mananampalataya mula sa mga kababaihan,nakabalot sa mga damit [ na may ibat-ibang kulay],pagkatapos ay umuuwi sila sa kanilang mga bahay,na walang nakakakilala sa kanila dahil sa dilim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
kung siya ay matuwid, magsasabi siya: isulong ninyo ako, isulong ninyo ako; kung siya ay hindi matuwid, magsasabi siya: Kapighatian sa kanya; saan ninyo siya dadalhin?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nang likhain ni Allah si Adam-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi:Pumunta ka [sa kanila] at bumati ka sa kanilang mga grupo ng Anghel na nakaupo,Pakinggan mo kung ano ang [salitang] paagbati ang gagamitin nila sa iyo,sapagkat ito ang magsisilbing pagbati mo at pagbati ng mga anak mo.Ang sabi niya: Ang pangangalaga ay sumainyo,Ang sabi nila: Ang pangangalaga ay sumaiyo at ang habag ni Allah,Dinagdagan nila ito ng;at ang habag ni Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allah, ano po ang tingin mo kung may dumating na isang lalaking nagnanais na kunin ang ari-arian ko? Nagsabi siya: Huwag mong ibigay ang ari-arian mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Apatnapong bahagi:Pinakamataas rito ay pagpapahiram ng kambing [upang matugunan ang pangangailangan ng mga dukha], walang sinumang gumagawa na gagawa mula sa mga bahaging ito;na naghahangad ng gantimpala Niya at naniniwala sa mga ipinangako Niya,maliban sa ipapasok siya ni Allah dahil rito sa Kanyang Paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Salamah bin Al-Akwa`-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi; Dumaan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kalalakihan na (nagpapaligsahan) sa paghagis,Nagsabi siya;(( Maghagis kayo mga Anak ng Esrai,Sapagkat tunay na ang Ama ninyo ay Manghahagis))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ukol sa iyo ang inasahan mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Mamagitan kayo, gagantimpalaan kayo; at itinatakda ni Allah sa dila ng propeta Niya ang inibig Niya."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nalapit ang [huling] panahon, ang panaginip ng Mananampalataya ay hindi halos nagsisinungaling. Ang panaginip ng Mananamapalataya ay isang bahagi mula sa apatnapu't anim na bahagi ng pagkapropeta.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakamainam sa mga kawanggawa ay lilim ng kubol alang-alang sa landas ni Allah, kaloob sa isang tagapaglingkod alang-alang sa landas ni Allah, o inahing kamelyo alang-alang sa landas ni Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Gumawa siya ng kaunti at binayaran siya ng marami.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi sa akin ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;Basahin mo sa akin ang Qur-an, Nagsabi ako:Babasahin ko sa iyo gayun ito sa iyo ay ibinaba?! Nagsabi siya: Tunay na ibig ko itong marinig mula sa iba,kaya`t binasa ko sa kanya ang Kabanata ng An-Nisa,hanggang sa dumating ako talatang ito:{ Paano na ang sangkatauhan [sa araw ng paghuhukom] kung Kami ay magpadala mula sa bawat pamayanan [ bansa] ng isang saksi [ang propetang ipinadala sa kanila] at ikaw [ O Muhammad] ay ipadala Namin bilang isang saksi sa lahat ng bansa} Nagsabi siya: Sapat na para sa ngayon,Lumingon ako sa kanya kang-kaya`t ang dalawang mata niya ay lumuluha.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Dinalasan ko ang paghimok sa inyo sa paggamit ng siwāk.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag inumaga ang anak ni Adan, tunay na ang mga bahagi ng katawan, ang lahat ng mga ito, ay nagpapakumbaba sa dila, na nagsasabi: Mangilag kang magkasala alang-alang sa amin sapagkat kami ay nasa iyo lamang kaya kung nagpakatuwid ka, magpapakatuwid kami; at kung nabaluktot ka, mababaluktot kami.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong mangulit sa paghingi sapagkat sumpa man kay Allah kapag hinihingan ako ng isa kabilang sa inyo at naibigay sa kanya ang hinihingi niya mula sa akin na anuman samantalang ako ay naiinis hindi siya pagpapalain sa ibinigay ko sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga kabayo, nakatali sa mga noo ng mga ito ang mabuti hanggang sa Araw ng Pagkabuhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Mundo ay Bilangguan ng Mananampalataya at Paraiso ng Tumatangging Sumampalataya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ang isang lalaki sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi:Assalamu `Alaykom,sumagot siya sa kanya pagkatapos ay umupo siya,nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;Sampu,Paktapos ay dumating ang iba,at nasabi ito ng; Assalamu `Alaykom Warahmatullah,sumagot siya sa kanya at umupo siya,Nagsabi siya na; Dalawampu
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpapatawad si Allah sa martir sa bawat bagay maliban sa utang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, patawarin mo ang mga kababayan ko sapagkat tunay na sila ay hindi nakaaalam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kamay na mataas ay mainam kaysa sa kamay na mababa. Ang kamay na mataas ay ang gumugugol at ang mababa ay ang nanghihingi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ikaw, kung sakaling ibinigay mo iyon sa [isa sa] mga tiyuhin sa ina mo, ay magkakamit ng gantimpala mong higit na mabigat.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah,buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: (( Katotohanan sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita mula sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya,hindi niya ito isinasaalang-alang,(hanggang) sa itinataas siya ni Allah dahil dito sa mga matataas na antas,at katotohanan,sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita mula sa pagkapoot ni Allah Pagkataas-taas Niya,hindi niya ito isinasaalang-alang,ibaba siya dahil rito sa Impiyerno)) Isinaysay ni Imam Al-Bukharie,At ayon kay Abdurrahman Bilal bin Al-Harith Al-Muznie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--ay nagsabi;(( Katotohanan,sa isang lalaki na nagsasalita ng pananalita mula sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya,Hindi niya ina-akala na siya ay aabot sa anumang kanyang inabot,Isinusulat sa kanya ni Allah rito ang pagkalugod Niya hanggang sa Araw na pagharap Niya sa kanya,at Katotohanan,sa isang lalaki na nagsasalita ng pananalita mula sa pagkapoot ni Allah Pagkataas-taas Niya,Hindi niya ina-akala na siya ay aabot sa anumang kanyang inabot,Isinusulat sa kanya ni Allah rito ang pagkapoot Niya hanggang sa Araw na pagharap Niya sa kanya)) Isinaysay ni Imam Malik sa aklat na Muwatta at Imam Attermidhie,At sinabi niya; Hadith na maganda at tumpak
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pinakamalapit sa mga tao kay Allah ay ang nagsimula sa kanila sa pagbati
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na sa gabi ay may oras na kapag natapatan ng isang taong Muslim na humihiling kay Allah, pagkataas-taas Niya, ng kabutihang kabilang sa nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay, bibigyan siya nito. Iyon ay sa bawat gabi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na kabilang sa pinakasukdulan sa mga kabulaanan ay ang mag-angkin ang tao [na anak daw siya] ng hindi niya ama, o [magpanggap na] ipinakita sa mata niya ang hindi niya nakita, o magsabi tungkol sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng hindi nito sinabi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talaga ngang nakakita ako ng pitumpong kabilang sa mga tao ng Ṣuffah; wala sa kanilang lalaking nakasuot ng balabal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sapagkat tunay na ang yaman niya ay ang ipinauna niya at ang yaman ng tagapagmana niya ay ang ipinahuli niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Unahan ninyo ang umaga sa pagsasagawa ng witr.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na may isang lalaking may isang babaing nahalikan kaya pumunta ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ipinabatid nito sa kanya. Kaya ibinaba ni Allāh, pagkataas-taas Niya: Panatiliin mo ang pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa mga bahagi ng gabi. Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May pumuntang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, naging karapat-dapat ako sa isang ḥadd kaya ipatupad mo po ito sa akin."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag ninais ni Allāh, pagkataas-taas Niya, na kaawaan ang isang kalipunan, kinukuha Niya muna ang propeta nila bago sila at ginagawa Nya ito para sa kanila na isang paunang tagapaghanda at paunang pabuya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May isang lalaking nagpaalam sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya nagsabi siya: "Magpahintulot kayo rito; kay sama nitong kapatid ng lipi."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ibinigay sa atin mula sa Mundo ang naibigay sa atin. Natakot na tayo na ang [gantimpala] sa mga magandang gawa natin ay minadali na sa atin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu