Talaan ng mga ḥadīth

Kapag napasok na ang mananahanan sa Paraiso, sa Paraiso;Mananawagan ang isang tagapanawagan:Katotohanang sa inyo na kayo ay mabubuhay,at hindi na kayo mamamatay magpakailanman,Katotohanang sa inyo na kayo ay [magkakamit ng] magandang pangangatawan,at hindi na kayo magkakasakit magpakailanman,Katotohanang sa inyo na kayo ay magiging binata,at hindi na kayo tatanda magpakailanman,Katotohanang sa inyo na kayo ay [magkakamit ng walang hanggang] kaligayahan,at hindi na kayo maghihirap magpakailanman,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay magsasabi sa mga maninirahan sa Paraiso: "O mga maninirahan sa Paraiso." Kaya magsasabi sila: "Bilang pagtugon sa Iyo, Panginoon namin, at bilang pagpapaligaya sa Iyo." Kaya magsasabi Siya: "Nalugod ba kayo?" Kaya magsasabi sila: "Ano ang mayroon sa amin na hindi kami nalulugod samantalang nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag pumasok na sa Paraiso ang mananahanan sa Paraiso,Sasabihin ni Allah-mapagpala siya pagkataa-taas-: Gusto niyo pa ba ng ibang bagay na idadagdag ko sa inyo? Sasabihin nila: Hindi ba`t ginawa Mong maliwanag ang among mga mukha?Hindi ba`t pinapasok Mo kami sa Paraiso at iniligatas mula sa Impiyerno?Tatanggalin ang harang,at hindi pa naipagkaloob sa kanila ang bagay na higit na kaibig-ibig sa kanila mula sa pagtingin sa Panginoon nila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga mananampalataya sa Paraiso ay mayroon silang Tolda na yari sa isang perlas,bakante at walang laman,at ang taas nito sa kalangitan ay animnapong milya,Sa mga mananampalataya rito ay mayroong mga asawa,umiikot sa kanila ang mananampalataya at hind nila nakikita ang bawat isa sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga naninirahan sa Paraiso ay talagang makakikita sa mga naninirahan sa mataas na tirahan sa ibabaw nila gaya ng pagkakita nila sa maningning na tala na nagdaraan sa abot-tanaw ng silangan o kanluran dahil sa pagkakalamangan sa pagitan nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ito ay ang naipandadalisay ang tubig nito, ang ipinahihintulot ang patay nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag ang tubig ay dalawang qullah, hindi ito tatalaban ng karumihan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpahintulot para sa inyo ng dalawang patay at dalawang dugo: Ang balang at ang balyena; ang dalawang dugo naman ay ang atay at ang lapay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag bumagsak ang langaw sa inumin ng isa sa inyo ay ilubog niya ito, pagkatapos ay alisin niya ito, sapagkat tunay na sa isa sa mga pakpak nito ay may karamdaman at sa kabila ay may kalunasan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog niya at nagsagawa ng wudhu,suminga ito ng tatlong beses,sapagkat si satanas ay natutulog sa loob ng ilong niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Abdullah bin Zaid,binabanggit niya na; ((Nakita niya ang Sugo ni Allah-pagpalais siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasagawa ng Wudhu,nagmugmog siya,pagkatapos ay inilabas niya (sa ilong niya),pagkatapos ay hinugasan niya ang mukha niya ng tatlong beses,at ang kamay niyang kanan nang tatlong beses,at ang iba nito nang tatlong beses,at pinunasan niya ang ulo nito ng tubig,na iba sa (tubig) na nasa kamay niya,at hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa naging malinis ang dalawang ito.)) Saheh ni Imam Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsagawa ng wudhu,pinunasan niya ang noo niya,sa turban at ang dalawang Khuff [medyas na yari sa balat] niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;kapag siya ay nagsasagawa ng wudhu,pinapadaloy niya ang tubig sa dalawang siko niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bumalik ka,at pagbutihin mo ang pagsasagawa mo ng wudhu
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naghuhugas o siya noon ay naliligo sa pamamagitan ng isang ṣā` hanggang sa limang mudd at nagsasagawa ng wuḍū' sa pamamagitan ng isang mudd.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang anumang Muslim na nagsasagawa ng wuḍū' – saka nagpapagaling ng wuḍū' niya, pagkatapos tumatayo saka nagdarasal ng dalawang rak`ah, habang nakatuon sa dalawang ito sa pamamagitan ng puso niya at mukha niya – malibang magigindapat para sa kanya ang Paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagpupunas sa ibabaw ng sandal nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagsagawa ng wudhu ang isa sa inyo at nagsuot ng kanyang Khuff [medyas na yari sa balat], punasan niya ang dalawang ito at magdasal siya gamit ito, at huwag niya itong tanggalin kung kanyang nanaisin,maliban sa kalagayan ng Janābah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay humalik sa isa sa mga maybahay niya. Pagkatapos ay lumabas siya papunta sa masjid at hindi na nagsagawa ng wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ito ay isang piraso lamang mula sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Ali-malugod si Allah sa kanya-Kami ay nasa libingan sa Baqie Al-Gharqad,Dumating sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-umupo siya at umupo kami na paikot sa kanya,at may dala siyang patpat,ibinaba niya ang ulo niya at gumawa siya ng hukay gamit ang patpat nito,Pagkatapos ay sinabi niya:(( Wala sa inyo na kahit isa maliban sa naisulat ang pag-uupuan niya sa Impyerno at pag-uupuan niya sa Paraiso))Kaya`t nagsabi sila:O Sugo ni Allah,Hindi ba kami magtitiwala sa aklat nami? Nagsabi siya:(( Magtrabaho kayo,sapagkat ang lahat ay magiging madali,ayon sa nilikha sa kanya)) Napagkaisahan ang katumpakan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Anas malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Dumaan sila sa isang ililibing,pinuri nila ito ng maganda,Nagsabi ang propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((karapat-dapat)),pagkatapos ay dumaan sa kanila ang isa pa,pinuri nila ito ng masama,Nagsabi ang propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((karapat-dapat)).Nagsabi si Umar malugod si Allah sa kanya: Anu ang karapat-dapat?Nagsabi siya:(( Itong pinuri ninyo ng maganda,karapat-dapat sa kanya ang Paraiso,itong pinuri ninyo ng masama,karapat-dapat sa kanya ang Impyerno,kayo ay mga saksi ni Allah sa lupa)) Pinag-kaisahan sa katumpakan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ikaw, kung susubaybayan mo ang mga ikahihiya ng mga Muslim, sisirain mo sila o halos sisirain mo sila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang nagpaparatang na isang lalaki sa isang lalaki ng kasuwailan at walang nagpaparatang dito ng kawalang-pananampalataya malibang manunumbalik ito sa kanya, kung ang pinaratangan niya ay hindi naging gayon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinuman ang manira ng asawang babae sa asawa nito,o alipin ;ay hindi kabilang sa amin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinuman ang lumikas sa kapatid niya sa loob ng isang taon,ito ay tulad ng pagpadanak sa dugo niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang demonyo ay nawalan na ng pag-asa na sumamba sa kanya ang mga nagdarasal sa Tangway ng Arabya, subalit [nagpatuloy] sa pagpapasigalot sa gitna nila."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagsapak sa mukha at ang pagtatak sa mukha.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Itinakda sa anak ni Adan ang bahagi niya sa pangangalunya; matatamo iyon, hindi maiiwasan: Ang mga mata, ang pangangalunya ng mga ito ay ang bawal na pagtingin. Ang mga tainga, ang pangangalunya ng mga ito ay ang bawal na pakikinig. Ang dila, ang pangangalunya nito ay ang bawal na pagsasalita. Ang kamay, ang pangangalunya nito ay ang bawal na paghawak. Ang paa, ang pangangalunya nito ay ang bawal bawal na paghakbang. Ang puso ay nagpipithaya, nagmimithi, at paniniwalaan iyon ng ari ng tao o pasisinungalingan iyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May dalawang uri ng mga maninirahan sa Impiyerno, na hindi ko nakita: mga taong mayroong mga latigong gaya ng mga buntot ng mga baka, na ipinamamalo nila sa mga tao; at mga babaing nakadamit na nakahubad, na mga nagpapakiling [sa pagkakasuklay], na mga kumikiling, na ang mga ulo nila ay gaya ng mga nakakiling na mga umbok ng mga kamelyong Bukht. Hindi sila papasok sa Paraiso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae. Hindi tatabi ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot, ni tatabi ang babae sa babae sa iisang kumot.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isinumpa ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay hindi nagtitina [ng buhok] kaya sumalungat kayo sa kanila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi naniniwala sa masamang pangitain.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong iwanan ang apoy sa tahanan ninyo kapag kayo ay matutulog
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kalembang ay kagamitang pantugtog ng Demonyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga gumagawa ng mga larawang ito ay pagdurusahin sa Araw ng Pagkabuhay. Sasabihin sa kanila: Buhayin ninyo ang nilikha ninyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi pumapasok ang mga anghel sa isang bahay na sa loob nito ay may aso ni may larawan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi sumasama ang mga anghel sa mga manlalakbay na may kasamang aso o kalembang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung nagkataong kayong dalawa ay kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah, talagang sinaktan ko na sana kayong dalawa. Itinataas ninyong dalawa ang mga tinig ninyong dalawa sa masjid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
kayo, o mga tao, ay kumakain ng dalawang halamang wala akong naaamoy sa dalawang ito kundi masama: ang sibuyas at ang bawang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang may alay na iaalay, kapag dumating ang bagong buwan ng Dhulḥijjah, huwag nga siyang kukuha mula sa buhok niya ni mula sa mga kuko niya ng anuman hanggang sa makapag-alay siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bih (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan nito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang hangin ay bahagi ng awa ni Allah. Naghahatid ito ng awa at naghahatid ito ng pagdurusa. Kapag nakita ninyo ito ay huwag ninyong laitin ito. Hingin ninyo kay Allah ang kabuitahn nito. Magpakupkop kayo kay Allah laban sa kasamaan nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong sumumpa sa mga nagpapakadiyos ni sa mga magulang ninyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong tawagin ang nagkukunwaring mananampalataya na Ginoo sapagkat tunay na siya, kung siya ay Ginoo, ginalit nga ninyo ang Panginoon ninyo, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang sumumpa sa ipinagkatiwalang tungkulin, hindi siya kabilang sa atin."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang sumumpa at nagsabi: Tunay na ako ay walang kaugnayan sa Islam; kung siya ay nagsisinungaling, siya ay gaya ng sinabi niya; kung siya naman ay nagsasabi ng totoo, hindi siya babalik sa Islam nang buo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O katipunan ng mga babae, magkawanggawa kayo sapagkat tunay na ako ay pinakitaang kayo ay higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno." Kaya nagsabi sila: "At dahil sa ano po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Nagpaparami kayo ng pagsumpa at nagkakaila kayo sa utang na loob sa mga asawa. Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapag-alis ng isip ng lalaking naghuhunos-dili kaysa sa isa sa inyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi namin ibinibilang ang itim at dilaw [na dugo] pagkatapos ng pagkadalisay na isang bagay [mula sa pagregla]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Manatili ka sa abot na nahahadlangan ka ng regla mo;pagkatapos ay maligo ka
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nakipagtalik ang isa sa inyo sa asawa nito,pagkatapos ay ninais niya itong balikan,magasagawa siya ng wudhu sa pagitan ng dalawang ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang magsagawa ng wudhu sa araw ng Jumu`ah,dahil rito [ay naisagawa niya ang sunnah] at siya ay tatangkilikin,at sinuman ang maligo,ito ay higit na mainam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagligo sa araw ng Jumuah ay obligado sa bawat nasa hustong gulang,at ang [maglinis ng ngipin gamit ang] Siwak,at humawak ng pabango kapag mayroon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katakutan ninyo ang dalawang isinusumpa)) Nagsabi sila: Ano ang dalawang isinumpa O Sugo ni Allah? Ang sabi niya:( Ang mga nagdudumi sa daan ng mga tao o sa Silong nila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dalhin mo ang mga sandalyas kong ito. Ang sinumang makatagpo mo sa labas ng harding ito, na sumasaksing walang Diyos kundi si Allah, na nakatitiyak rito sa puso niya, palagurin mo siya ng balita ng [pagpasok sa] paraiso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Muslim ay ang sinumang ligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang lumilikas ay ang sinumang umiwan ng ipinagbawal ni Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ko ba ituturo sa iyo ang pinakadakilang kabanata sa Qur'ān
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang bumibigkas ng Qur'an habang siya ay mahusay rito ay makakasama ng mga tagapagtalang mararangal na masusunurin. Ang bumibigkas ng Qur'an at nauutal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang gantimpala.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi mo ba napag-alaman ang mga talata [ng Qur'an] na ibinaba kagabi na hindi napag-alaman ang tulad ng mga ito kailanman? Ang Qul a`ūdhu birabbi -lfalaq at ang Qul a`ūdhu birabbi -nnās.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-ayuno sa Araw ng `Āshurā’
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na nalalaman ko ang pinakahuli sa mga nananahanan sa Impiyerno na lalabas mula rito,at ang pinakahuling mananahanan sa Paraiso na papasok sa Paraiso.Isang lalaki na lalabas sa Impiyerno na gumagapang,At sasabihin ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-sa kanya:Humayo ka at pumasok ka sa Paraiso,Darating siya rito,Aakalain niya rito na ito ay napuno na,At babalik siya:Sasabihin niya: O Panginoon,natagpuan ko itong puno na!
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah,sa isang salaysay;Ay nagsabi; (( Katotohanan kay Allah,na sa Kanya ay may Siyamput-siyam na Pangalan,Walang makakasa-ulo nito sa isa (sa inyo) maliban sa makakapasok ng Paraiso,At Siya ay Gansal,niibig Niya ang Gansal)) Isinaysay ito ni Imam Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog habang siya ay Junub at hindi siya humahawak ng tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang pag-aayuno sa dalawang araw: Al-Fitr [Eid pagkatapos sa buwan ng Ramadhan] at Al-Adha [Eid sa ika sampung-araw ng Hajj],At walang pagdarasal pagkatapos ng Subh hanggang sa sumikat ang araw,at wala sa pagkatapos ng Asr hanggang sa paglubog,at Walang pagtitiyak sa paglalakbay maliban sa tatlong Masjid,Masjid sa Meccah,at Masjid Al-Aqsa at sa Masjid kong ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tatlong oras na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagbabawal sa atin na magdasal tayo rito,o ilibing natin rito ang mga namatay sa atin: Sa oras na sumikat ang araw sa pag-usbong nito hanggang sa pumataas,at sa oras na nasa tapat ng tanghali hanggang sa lumihis ang araw,at sa oras na nagsisimula ang araw sa paglubog hanggang sa lumubog.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang panawagan, ng: Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati -ttāmmāti wa-ṣṣalāti -lqā’imah, āti muḥammadani -lwasīlata wa-lfaḍīlah, wa-b`athhu maqāmam maḥmūdani -lladhī wa`attahu (O Allāh, ang Panginoon nitong panawagang lubos at ṣalāh na isasagawa, ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan at ang kalamangan at buhayin Mo siya sa katayuang pinapupurihan, na ipinangako Mo), dadapo sa kanya ang Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi tinaanggap ni Allah ang dasal ng [babaing dinadatnan ng] regla,maliban sa pagsuot ng belo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi magdarasal ang isa sa inyo sa iisang damit habang sa ibabaw ng mga balikat niya ay walang anuman."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagdarasal sa sinasakyan niya kahit saan ito nakaharap,at kapag inibig niya ang obligadong dasal,bumababa siya at humaharap sa Qiblah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay naglakbay,at iniibig niyang magdasal ng kusang-loob,Humaharap siya gamit ang kamelyo niya sa Qiblah,Magdadakila siya sa Allah,Pagkatapos ay magdadasal siya kung saan nakaharap ang sinakyan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang lupa na lahat-lahat niya ay Masjid (Simbahan o lugar na pagpapatirapaan) maliban sa sementeryo (puntod) at palikuran
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagluluwalhati [sa Allah] ay para sa mga kalalakihan at ang palakpak ay para sa mga kababaihan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa isang bagay,ay magharang ito sa mga Tao at kapag ninais ng isa na dumaan sa harapan nito,ay hadlangan niya ito,at kapag siya ay nagtanggi,makipaglaban siya rito sapagkat siya ay si Satanas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi; (( Ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na magdasal ang isang lalaki na nakalagay ang mga kamay nito sa kanyang baiwang)) Saheh Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang isa sa inyo,kapag tumindig sa pagdarasal niya,tunay na nananalangin siya sa Panginoon niya,At tunay na ang Panginoon niya ay nasa pagitan niya at pagitan ng Qiblah,Kaya huwag magdura ang isa sa inyo sa harap ng Qiblah niya,ngunit sa kanyang bandang kaliwa o sa ilalim ng dalawang paa niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tanggalin mo sa atin ang manipis na damit mong ito.Sapagkat nanatili ang itsura nito na nakikita ko sa pagdarasal ko
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano ang tungkol sa mga taong itinataas nila ang mga paningin nila sa kalangitan sa pagdarasal nila,Naging matindi ang pagsabi niya sa mga ito,Hanggang sa nagsabi siya: Tunay na titigilan nila ito at kung hindi ay tunay na dudukutin [ni Allah] ang mga paningin nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang paghihikab sa pagdarasal ay mula kay Satanas,kapag naghikab ang isa sa inyo pigilan niya ito sa abot ng kanyang makakaya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Pagdura sa Masjid ay kasalanan,at ang makakapag-tanggal [sa kasalanang ito] ay ang paglilibing rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ko napag-utusan sa pagpapataas ng mga Masjid
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
(( Marahila ay nagbabasa kayo sa likod ng Imam ninyo)) Nagsabi kami: Oo o Sugo ni Allah,Ang sabi niya:(( Huwag ninyo itong gawin,liban sa Pambungad ng Aklat [ Al-Fatihah] sapagkat walang [gantimpala] ang pagdarasal sa sinumang hindi magbasa nito))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagpatirapa ka, maglapag ka ng dalawang kamay mo at mag-angat ka ng dalawang siko mo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ng Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagdadasal ng naka-parisukat.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagpatirapa ang isa sa inyo,huwag siyang lumuhod tulad ng pagluhod ng kamelyo,at ilagay niya ang dalawang kamay niya bago ang dalawang tuhod niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Ibn `Umar ay inilalagay niya ang dalawang kamay niya bago ang dalawang tuhod niya,At nagsabi siya: Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay ginagawa ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagdasal ako kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka siya ay bumabati sa dakong kanan niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh (Ang kapayapaan ay sumainyo, ang awa Niya, at ang mga pagpapala Niya)" at sa dakong kaliwa niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya)."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: Sinuman ang Magluwalhati kay Allah sa bawat pagtatapos ng pagdarasal nang tatlumpot-tatlo,at Magpuri kay Allah nang tatlumpot-tatlo,at Magdakila kay Allah nang tatlumpot-tatlo,at ito ay siyamnaput-siyam,at nagsabi sa pagganap na Isang-daan ng :Walang Diyos kundi si Allah,Nag-iisa Siya;Walang katambal sa Kanya,Sa Kanya ang Pamamahala,At sa Kanya ang Papuri,At Siya sa bawat bagay ay Nakakakaya,Patatawarin sa kanya ang mga kasalanan niya,kahit ito ay tulad ng bula sa karagatan)) Saheh Imam Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang sinuman ang bumasa ng Ayat Al-Kursiy, sa likod ng bawat dasal na obligado,walang makakapagpigil sa kanya sa pagpasok sa paraiso liban kapag siya ay namatay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong mag-alipusta sa mga Kasamahan ko sapagkat kung sakali na ang isa sa inyo ay gumugol ng tulad sa [laki ng] Uḥud na ginto, hindi sana ito umabot sa mudd ng isa sa kanila ni kalahati nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kina Abū Bakr at `Umar: "Ang dalawang ito ay dalawang pinapanginoon ng mga matanda sa mga maninirahan sa Paraiso mula sa mga una at mga huli, maliban sa mga propeta at mga isinugo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn ay dalawang pinapanginoon ng mga kabataan ng mga maninirahan sa Paraiso."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pinalabas ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang araw si Al-Hasan,pina-akyat niya ito sa Minbar (tinatayuan ng Imam kapag nangangaral), at Nagsabi siya:((Ang anak kong ito ay magiging pinuno,At marahil ang Allah ay gagawin siyang Tagapagka-sundo sa pagitan ng dalawang grupo mula sa mga Muslim)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang magmahal kay Hasan at Husayn tunay na minahal niya ako,at sinuman ang mamunghi sa kanilang dalawa tunay na namunghi siya sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag inibig ni Allah sa isang alipin ang kabutihan,gagamitin Niya ito bago ang kamatayan nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan [ang Sinabi nilang dalawa],Tunay na sila ay pinaparusahan ng parusang naririnig ng lahat ng mga hayop
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ang Ummah (nasyon) na ito ay lilitisin siya sa loob ng kanyang puntod, at kapag hindi lang sila ay nakalibing na, tiyak na hiniling ko na sa Allah na iparirinig Niya sa inyo ang paghihirap sa loob ng puntod na aking narinig mula sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang isa sa inyo,kapag namatay,ay ipapakita sa kanya ang mauupuan niya sa araw at gabi,Kung siya ay kabilang sa mga Tao sa Paraiso,siya ay mapapabilang sa mga Tao sa Paraiso,at kung siya ay kabilang sa mga Tao sa Impiyerno siya ay mapapabilang sa mga Tao sa Impiyerno,At sasabihin sa kanya; Ito ang uupuan mo hanggang sa bubuhayin ka ni Allah sa Araw ng Pagka-buhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang kastilyo mula sa mga kastilyo sa Madinah, Nagsabi siya:( Nakikita ba ninyo ang nakikita ko?))Nagsabi sila: Hindi,Nagsabi siya:((Sapagkat tunay na nakikita ko ang Sedisyon,na mangyayari sa loob ng bahay ninyo tulad ng pagbuhus ng ulan))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: Isinugo ako at ang Huling Oras na ganito,itinuro niya ang dalawang daliri niya at itinaas niya ang dalawang ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na lalaganap ang kautusang ito,tulad nang paglaganap ng gabi at araw,at hindi iiwanan ni Allah ang mga bahay sa Lungsod at mga bahay sa disyerto maliban sa ipapasok ni Allah sa Relihiyong ito,na may Karangalan na napakarangal o kahihiyan na kasuklam-suklam,Karangalan na ipaparangal ni Allah rito ang Islam,at Kahihiyan na kasusuklaman rito ni Allah ang walang pananampalataya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nag-alinlangan ang isa sa inyo sa Pagdarasal niya,At hindi niya alam kong ilan ang naipagdasal niya tatlo ba o apat,Tanggalin niya ang pag-aalinlangan,at itupad niya kung ano ang pinaniwalaan niya,Pagkatapos ay magpatirapa ng dalawang pagpapatirapa bago magsagawa ng Taslem,At kung ang naipagdasal niya ay lima,[gagawin naming] pamagitan sa kanya ang pagdarasal niya,at kung siya ay nakapagdasal ng tumpak ng apat na tindig,ang dalawang ito ay [magsisilibing] paghahamak kay Satanas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagdadasal ng dalawang tindig na magaan pagkatapos ng pagsikat ng Bukang-liwayway
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-iiwan noon ng apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at ng dalawang rak`ah bago ng madaling-araw.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kinakaawaan ni Allah ang isang taong nagdasal bago ang dasal ng Asr nang apat na tindig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumigkas sa dalawang rak`ah [na ṣalāh] sa madaling-araw ng Kabanatang Al-Kāfirūn at Kabanatang Al-Ikhlāṣ.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagdarasal sa gabi at araw ay dalawa dalawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
(Ang pinaka-mainam na pag-aayuno pagkatapos ng Buwan ng Ramadhan ay ang Buwan ng Allah na Muharram,at ang pinakamainam na Pagdarasal pagkatapos ng ng mga Obligado ay ang Dasal na Gabi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Salamah bin`Abdurrahman,Na sinabi niya ,na tunay na tinanong niya si `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Kung papaano magdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa buwan ng Ramadhan? Nagsabi siya;(( Hindi nagdaragdag ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Buwan ng Ramadhan at hindi sa iba nito,nang labing-isang tindig,nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng tatlong tindig,Nagsabi si `Aishah: Sinabi ko,O Sugo ni Allah,natutulog kaba bago ka magdasal ng Witr? Nagsabi siya:( O `Aishah,tunay na ang dalawang mata ko ay natutulog,ngunit hindi natutulog ang Puso ko)) Saheh Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal sa gabi nang labin-tatlong tindig,kabilang rito ang Witr,at dalawang tindig sa (dasal ng madaling araw).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magdasal kayo ng Witr bago kayo umagahin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang natatakot na hindi makapag-dasal sa huling-gabi,ay magdasal ito ng Witr sa unang-gabi nito,at sinuman ang naghahangad na makapag-dasal sa huling-gabi nito,ay magdasal ito ng Witr sa huling-gabi nito,Dahil ang pagdarasal sa huling-gabi ay sinasaksihan,at ito ang mas-mainam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nangunguna sa kainaman ang dasal ng maramihan sa dasal ng isa sa inyo na nag-iisa ito nang dalawamput-limang bahagi,at nagtitipon ang mga Anghel ng Gabi at mga Anghel ng Araw sa dasal ng Fajr (madaling-araw)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang nakarinig ng Panawagan at hindi siya dumating rito,Hindi katanggap-tanggap ang Dasal niya,maliban sa may mabigat na dahilan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magdasal kayo o mga Tao sa mga bahay ninyo,dahil ang pinakamainam na dasal ng tao ay sa bahay niya maliban sa dasal na Obligado
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki ay ang kauna-unahan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kahuli-hulihan sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang kahuli-hulihan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kauna-unahan sa mga ito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita ng isang lalaking nagdarasal nang mag-isa sa likuran ng hanay, kaya nag-utos siya rito na umulit ng ṣalāh nito.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang dalawang ṣalāh na ito ay ang pinakamabigat sa mga ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw. Kung sakaling nakaaalam kayo sa kung ano ang nasa dalawang ito, talagang pumunta sana kayo sa dalawang ito kahit pa man pagapang sa mga tuhod
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang alinmang babae na nagpakasal nang walang pahintulot ng mga walīy niya, ang kasal niya ay walang-saysay – nang tatlong ulit – saka kung nakipagtalik ito sa kanya, ang bigay-kaya ay ukol sa kanya dahil sa ginawa nito sa kanya. Kapag nagtalu-talo sila, ang tagapamahala ay walīy ng sinumang walang walīy para sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isinumpa ang sinumang nakipagtalik sa maybahay niya sa tumbong nito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi titingin si Allāh sa isang lalaking nakipagtalik sa isang lalaki o isang babae sa tumbong."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang karapatan ng maybahay ng isa sa amin sa kanya?" Nagsabi siya: "Na pakainin mo siya kapag kumain ka at padamitan mo siya kapag nagdamit ka o kumita ka. Huwag kang mamalo sa mukha, huwag kang magparatang ng kapangitan, at huwag kang mag-iwan maliban sa bahay."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagkaroon ng dalawang maybahay saka kumiling siya sa isa sa kanilang dalawa, darating siya sa Araw ng Pagbangon habang ang gilid niya ay nakakiling."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay nagpalampas sa Kalipunan ko ng anumang isinaysay nito sa sarili nito hanggat hindi nito ginawa o sinalita."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa paslit hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang bawat tagapagpalasing ay alak. Ang bawat tagapagpalasing ay bawal. Ang sinumang uminom ng alak sa Mundo saka namatay habang siya ay nasusugapa rito nang hindi nagbalik-loob, hindi siya makaiinom nito sa Kabilang-buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Makibaka kayo sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng mga yaman ninyo, mga sarili ninyo, at mga dila ninyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allāh, hindi ako nakapag-iwan ng isang maliit na kasalanan ni isang malaking kasalanan malibang nagawa ko na." Nagsabi siya: "Hindi ba sumasaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na siya ay hindi nagsabi isang araw man lang ng: Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng kasalanan ko sa Araw ng Pagtutumbas."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakaaalam ba kayo kung ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi [si Allāh]: "Kinaumagahan, mayroon sa mga lingkod Ko na mananampalataya sa Akin at tagatangging-sumampalataya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na kami ay nakatatagpo sa mga sarili namin ng minamabigat ng isa sa amin na magsalita hinggil doon." Nagsabi siya: "Nakaranas nga kayo niyon?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Iyan ay ang kalantayan ng pananampalataya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtulak sa panlalansi nito para maging pasaring."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Darating ang demonyo sa isa sa inyo saka magsasabi ito: 'Sino ang lumikha ng ganito? Sino ang lumikha ng gayon?' hanggang sa magsabi ito: 'Sino ang lumikha sa Panginoon mo?' Kaya kapag umabot ito roon, humiling siya ng pagkupkop kay Allāh at tumigil na."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga gawain ay anim at ang mga tao ay apat. [Sa mga gawain] mayroong dalawang tagapag-obliga [ng Paraiso at Impiyerno], mayroong isang tulad katumbas ng isang tulad, mayroong isang maganda katumbas ng sampung tulad nito, at mayroong isang maganda katumbas ng pitong daan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa magandang gawa sa isang mananampalataya. Bibigyan siya dahil doon sa Mundo at gagantihan siya dahil doon sa Kabilang-buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Umanib ka sa Islām kalakip ng nauna na kabutihan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay umiibig na isagawa ang mga pagluluwag Niya gaya ng pagkaibig Niya na isagawa ang mga paghihigpit Niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw ay gaya ng paghahalintulad sa tupa na lumilipat sa pagitan ng [dalawang kawan ng] mga tupa: lumilipat dito minsan at diyan minsan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pananampalataya ay talagang naluluma sa kaloob-looban ng [bawat] isa sa inyo kung paanong naluluma ang lumang kasuutan. Kaya naman humiling kayo kay Allāh na magpanibago Siya ng pananampalataya sa mga puso ninyo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na kabilang sa mga tanda ng Huling Sandali na mapawi ang kaalaman, dumami ang pagkamangmang, dumami ang pangangalunya, dumami ang pag-inom ng alak, mangaunti ang mga lalaki, at dumami ang mga babae hanggang sa maging para sa limampung babae ang nag-iisang lalaking tagapagtaguyod."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa mapadaan ang lalaki sa libingan ng [ibang] lalaki saka magsasabi siya: O kung sana ako ay nasa lugar niya!"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa makipaglaban kayo sa mga Hudyo hanggang sa magsabi ang bato na nasa likuran nito ang Hudyo: "O Muslim, ito ay isang Hudyo sa likuran ko, kaya patayin mo siya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang mapalalapit nga na bumaba sa inyo ang Anak ni Maria bilang tagahatol na nagpapakamakatarungan para bumasag ng krus, pumatay ng baboy, mag-alis ng jizyah, at mag-umapaw ang yaman hanggang sa walang tumanggap nito na isa man."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito. Kaya kapag sumikat ito saka nakakita nito ang mga tao, sasampalataya silang lahat
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa magkalapitan ang panahon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dadakutin ni Allāh ang lupa at tutupiin Niya ang mga langit sa kanang kamay Niya. Pagkatapos magsasabi Siya: Ako ang Hari. Nasaan ang mga hari ng lupa?"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Tubigan ko ay layo ng isang buwang paglalakbay. Ang tubig nito ay higit na puti kaysa sa gatas. Ang amoy nito ay higit na kaaya-aya kaysa sa musk
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ako ay nasa tabi ng Tubigan nang sa gayon makatingin ako sa sinumang pumupunta sa akin kabilang sa inyo. May kukunin na mga tao sa tabi ko kaya magsasabi ako: 'O Panginoon ko, kabilang sa akin at kabilang sa Kalipunan ko iyan.'
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang lalagyan niyon ay higit na marami kaysa sa bilang ng mga bituin ng langit at ng mga tala nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang apoy ninyo ay isang bahagi mula sa pitumpung bahagi ng apoy ng Impiyerno
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan: "Tunay na ang paglikha sa [bawat] isa sa inyo ay tinitipon sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw at apatnapung gabi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda, kahit ang kawalan ng kakayahan at ang kairalan ng kakayahan o ang kairalan ng kakayahan at ang kawalan ng kakayahan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagtadhana si Allāh para sa isang lingkod na mamatay ito sa isang lupain, gagawa Siya para rito ng isang pangangailangan doon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya ay lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako ay si Ḍimām bin Tha`labah na kapatid ng angkan ni Sa`d bin Bakr."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang bagay saka nagsabi: "Iyan ay sa sandali ng mga panahon ng pag-alis ng kaalaman
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong magpatotoo sa mga may kasulatan at huwag kayong magpasinungaling sa kanila. Magsabi kayo (Qur'ān 2:136): Sumampalataya kami kay Allāh, at sa pinababa sa amin,"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong magpakatuto ng kaalaman upang makipagmayabang kayo nito sa mga maalam at hindi upang makipagtaltalan kayo nito sa mga hunghang
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang landasing tuwid
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Pinababa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang kasi] noong siya ay apatnapung taong gulang,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Dati, ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nakaaalam sa paghihiwalay ng kabanata [ng Qur'ān] hanggang sa bumaba sa kanya ang Bismi –llāhi –rraḥmāni –rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain).}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakaiibig ba ang isa sa inyo, kapag bumalik sa mag-anak niya, na makatagpo siya roon ng tatlong kamelyong buntis na damulag na matataba?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Sasabihin sa tagatangkilik ng Qur'ān: "Bumasa ka, umakyat ka, at bumigkas ka kung paanong ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sapagkat tunay na ang antas mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang tagapaglantad ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglantad ng kawanggawa at ang tagapaglihim ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglihim ng kawanggawa."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ay bumibigkas mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung talata saka hindi sila kumukuha sa sampung [talatang] iba pa hanggang sa makaalam sila ng nasa mga ito na kaalaman at gawain
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Ama ni Al-Mundhir, nakaaalam ka ba kung aling talata mula sa Aklat ni Allāh na nasa iyo ang higit na dakila?" Nagsabi ito: "Nagsabi ako: {Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili...} (Qur'ān 2:255) Kaya tumapik siya sa dibdib ko at nagsabi: "Sumpa man kay Allāh, talagang magpapaigaya sa iyo ang kaalaman, O Ama ni Al-Mundhir."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumunta siya sa higaan niya bawat gabi, ay nagbubuklod ng mga kamay niya. Pagkatapos bumubuga siya sa mga ito saka bumibigkas sa mga ito ng ika-112 kabanata, ika-113 kabanata, at ika-114 kabanata [ng Qur'ān]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga Hudyo ay mga kinagalitan at ang mga Kristiyano ay mga naliligaw."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaya kapag nakita mo ang mga sumusunod sa anumang tumalinghaga mula rito, ang mga iyon ay ang mga tinukoy ni Allāh kaya mag-ingat kayo sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang anumang lalaki na nagkakasala ng isang pagkakasala – pagkatapos tumindig iyon saka nagpakadalisay, pagkatapos nagdasal iyon, pagkatapos humingi iyon ng tawad kay Allāh – malibang magpapatawad si Allāh doon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ba ang nagpalakad sa kanya sa dalawang paa sa Mundo ay nakakakaya na magpalakad sa kanya sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, sasaksi ako para sa iyo sa pamamagitan niyan sa Araw ng Pagbangon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang sinasabi mo at inaanyaya mo ay talagang maganda. Kung sakaling magpapabatid ka sana sa amin na sa ginawa namin ay may panakip-sala
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumunta ka sa kanya saka magsabi ka sa kanya: Tunay na ikaw ay hindi kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, bagkus kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O mga tao, tunay na si Allāh ay nag-alis nga sa inyo ng kapalaluan ng Kamangmangan at pagsasadakila nito sa mga ninuno nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.},
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magkakaroon sa wakas ng Kalipunan ko ng mga taong magsasanaysay sa inyo ng [ḥadīth na] hindi nakarinig kayo ni ang mga magulang ninyo, kaya naman kaingat kayo sa kanila."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumulat ka sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang lumalabas mula rito kundi totoo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng wuḍū' sa sandali ng bawat ṣalāh
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsagawa ng wuḍū' ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang tig-iisang ulit [na paghuhugas].}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsagawa ng wuḍū' nang tigdadalawang ulit.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nakaramdam ang isa sa inyo sa tiyan niya ng anuman saka nagpasuliranin sa kanya kung may lumabas ba mula sa kanya na anuman o wala, huwag nga siyang lalabas mula sa masjid hanggang sa makarinig siya ng isang tunog o makatagpo ng isang amoy."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isang tungkulin sa bawat Muslim na maligo siya sa isang araw sa bawat pitong araw, na maghuhugas siya rito ng ulo niya at katawan niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagnanais ako na umanib sa Islām, kaya nag-utos siya sa akin na maligo ako sa pamamagitan ng tubig at sidr.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'Ang sinumang nagpatayo ng isang masjid para kay Allāh, magpapatayo si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng tulad nito.'"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isang ṣalāh sa Masjid kong ito ay higit na mabuti kaysa sa isang libong ṣalāh sa anumang iba pa rito maliban sa Masjid na Pinakababanal."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, yumukod siya ng dalawang rak`ah bago siya umupo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, magsabi siya ng: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo)."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'O Bilāl, magsagawa ka ng iqāmah ng ṣalāh; magbigay-kapahingahan ka sa amin sa pamamagitan nito.'"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'O mga tao, ginawa ko lamang ito upang sumunod kayo at upang matuto kayo ng pagdarasal ko.'"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'Kapag nagdasal kayo, magtuwid kayo ng mga hanay ninyo, pagkatapos mamuno sa inyo ang isa sa inyo. Kapag nagsagawa siya ng takbīr ay magsagawa kayo ng takbīr
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ako ay talagang higit na malapit sa inyo sa pagkakawangis sa ṣalāh ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ito noon ay talagang ang ṣalāh niya hanggang sa nakipaghiwalay siya sa Mundo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakamasagwa sa mga tao sa pagnanakaw ay ang nagnanakaw ng ṣalāh niya." Nagsabi ito: "Papaano po siyang magnanakaw ng ṣalāh niya?" Nagsabi siya: "Hindi siya nagpapalubos ng pagyukod dito ni ng pagpapatirapa rito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh noon, kapag nag-angat siya ng likod niya mula sa pagkakayukod, ay nagsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkatapos ng bawat ṣalāh na isinatungkulin ng
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagitan ng dalawang pagkapatirapa ng: "Rabbi –ghfir lī, rabbi –ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin; Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu